Wilbert Tolentino pumalag sa blind item tungkol kay Herlene Budol: Obligasyon kong protektahan siya | Bandera

Wilbert Tolentino pumalag sa blind item tungkol kay Herlene Budol: Obligasyon kong protektahan siya

Therese Arceo |September 08,2022
facebook
share this

Wilbert Tolentino pumalag sa blind item tungkol kay Herlene Budol: Obligasyon kong protektahan siya

Therese Arceo - September 08, 2022 - 02:23 PM

Wilbert Tolentino pumalag sa blind item tungkol kay Herlene Budol: Obligasyon kong protektahan siya
NAG-REACT ang talent manager na si Wilbert Tolentino sa isang blind item na ang pinatutungkulan raw ay ang alaga niyang si Binibining Pilipinas 2022 1st runner-up Herlene Budol.

Ayon sa blind item, “uma-attitude” at “bibidahin” na raw ang isang magandang comedienne na nagbago ng image.

Kaya naman hindi napigilan ni Wilbert ang magsalita patungkol sa blind item opara depensahan ang alaga pati na rin ang kanyang pangalan.

Ayon rin kasi sa naturang blind item, sinabi raw ng handler ni comedienne na pang-wholesome na lamang daw ang kanyang alaga.

“Sure ako si Herlene Hipon Budol ang tinutukoy,” umpisa ni Wilbert.

Paglilinaw niya, hindi naman daw sa tumatanggi siya sa mga guestings ng alaga pero kinakailangan rin daw kasing abisuhan ang Binibining Pilipinas organization.

“During [na] nag-iinquire po sila hindi pa nakapag-sign ng contract sa Binibining Pilipinas ang artist,” sey ni Wilbert.

Matatandaan na bago pa man pasukin ni Herlene ang mundo ng beauty pageants ay nakilala muna siya ng madlang pipol bilang komedyante at hanggang ngayon ay tuwing natatanong ay proud si Herlene na matawag na “squammy”.

Depensa pa ni Wilbert, “Siyempre bilang Manager obligasyon ko protektahan ang artist ko dahil may tamang proseso at kinakailangan dumaan eto sa organisasyon ng BBP.”

Mukhang dismayado rin ang talent manager dahil naisulat agad ang pangyayari gayong ipinagpapaalam pa lang pala niya ang alaga.

Hirit pa ni Wilbert, “Kapag sinabi ipag paalam kailangan pala e write up na? di ba in good relation naman ako sa lahat… Happy???”

Umani naman ng iba’t ibang komento ang naturang post ni Wilbert mula sa mga netizens.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wilbert Tolentino (@sirwil75)

“Bida bida ka Kasi sa mga talents mo. Pa hingahin mo sila. Pina pagod mo sila agad. Hindi Ikaw si budol. I sasabak mo agad sa Ibang pageant goodness. Masasakal sayo mga talent mo,” saad ng isang netizen.

Sagot ni Wilbert, “[Hindi] po ako bida bida. kung kinakailangan e angat ang tao bkt sila masasakal kung para naman din sa kanila ang ginagawa ko. at bkt naman sayangin ang opportunidad kung may pag kakataon.

“Huwag kang manghatak ng tao pababa dahil indi yan magandang asal. u should be happy sa mga achievement ng tao. kulang ka ata sa pag aaruga ng magulang.”

May ilan naman na nagpayo kay Wilbert na dedmahin na lang ang mga nangnenega sa kanila dahil maayos naman daw ang pagma-manage niya sa alaga.

Bukod kay Herlene, isa pa sa mga talent na inaalagaan niya ay si Madam Inutz.

Related Chika:
Wilbert umapela sa kumu voting sa ‘PBB’: Marami pang pamilya na mas nangangailangan ng tulong

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

RR Enriquez inaming siya ang nasa blind item ni Cristy Fermin: Pero mali ang information

Wilbert Tolentino dinepensahan si Madam Inutz: Huwag n’yong tapakan ang tao nang sobra sobra

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending