RR Enriquez inaming siya ang nasa blind item ni Cristy Fermin: Pero mali ang information | Bandera

RR Enriquez inaming siya ang nasa blind item ni Cristy Fermin: Pero mali ang information

Therese Arceo |August 26,2022
facebook
share this

RR Enriquez inaming siya ang nasa blind item ni Cristy Fermin: Pero mali ang information

Therese Arceo - August 26, 2022 - 08:53 PM

RR Enriquez inaming siya ang nasa blind item ni Cristy Fermin: Pero mali ang information
INAMIN ng dating “Wowowin” dancer-TV host turned businesswoman na si RR Enriquez na siya nga ang tinutukoy sa blind item ng kolumnistang si Cristy Fermin.

Sa isang episode kasi ng “Showbiz Now Na” ay may pa-blind item sina Nay Cristy kasama ang kanyang mga co-hosts na sina Morly Alinio at Wendell Alvarez.

Ayon sa blind item ay ang kanilang tinutukoy sa blind item ay “magaling mang-chuchu ng dating sa mga dyowang DOM”.

May mga clue rin ang tatlo na talaga namang patungkol na nga kay RR gaya ng may ka-apelyidong sikat na news anchor at maikli lang ang pangalan.

Hindi naman ito idinenay ng tinaguriang queen sawsawerra bagkus inamin niya na siya nga talaga ang tinutukoy sa blind item sa pilot episode ng kanyang YouTube vlog.

“Napanood ko sa show nina Nanay Cristy na nagkaroon sila blind item doon. Actually marami ang nagko-comment sa akin, marami ang nagta-tag. Sabi nila ako raw ang nasa blind item nina ‘Nay Cristy,” umpisa ni RR.

“And to be honest noong napanood ko ‘yung video na ‘yun tawang tawa ako. Tatlong beses ko siyang pinanood nang buo para lang ma-convince ko ‘yung sarili ko na ‘Ako nga yata yung nasa blind item’ kasi dalawang name tapos yung Enriquez, ‘yung newscaster,” sabi pa niya.

Pero pag-amin ni RR, may “twist” daw ang blind item.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rr Enriquez (@rr.enriquez)

“Sabi nga nila there’s always two sides of story. Basta gano’n. So ako naniniwala ako na ‘yung bina-blind item nilang ‘yun ay pertaining to me talaga kasi it’s very obvious,” saad niya.

Dagdag pa ni RR, “Yes, it’s me. Ako siya pero mali ang information. Which I will say na hindi po totoo although meron mga somehow totoo.”

Dito ay nagkwento na nga siya patungkol sa kanyang buhay.

Chika niya, nanggaling siya sa mahirap na pamilya kaya bata pa lang ay goal na niya ang magkaroon ng mayamang dyowa.

“Parang naging goal ko is to have a rich boyfriend kasi bakit hindi? High school pa lang ako, mayayaman na ‘yung nagiging boyfriend ko,” kwento ni RR.

Perohabang tumatanda ay na-realize niya na nagiging wise lang siya dahil galing siya sa hirap.

Aminado naman siya na mayaman talaga ang mga naging dyowa niya pero hindi naman daw totoo na kung kani-kanino siya nali-link at ang kasalukuyang partner niya ngayon at kasama na niya ng mahigit isang dekada na at ito ay si Jayjay Helterbrand.

“Yung blind item, hindi po akma sa story ko so I will say na that’s not the real me,” giit pa ni RR.

Related Chika:
RR Enriquez sa bashers: Pakialam ko sa inyo! Basta masaya ako sa ginagawa ko!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paano nga ba nag-umpisa ang pagiging ‘sawsawera’ ni RR Enriquez?

Hirit ni RR Enriquez kay Aljur Abrenica: Gusto mo anak nang anak agad, panget ka ka-bonding…char!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending