Paano nga ba nag-umpisa ang pagiging 'sawsawera' ni RR Enriquez? | Bandera

Paano nga ba nag-umpisa ang pagiging ‘sawsawera’ ni RR Enriquez?

Reggee Bonoan |July 28,2022
facebook
share this

Paano nga ba nag-umpisa ang pagiging ‘sawsawera’ ni RR Enriquez?

Reggee Bonoan - July 28, 2022 - 07:47 PM

RR Enriquez

GUSTONG hingan ni Ogie Diaz ng reaksyon ang “Sawsawerra Queen” na si RR Enriquez kaya niya ginest sa kanyang YouTube channel na in-upload niya kagabi.

Umingay ang pangalan ni RR pagkatapos niyang makisawsaw noon sa gusot nina Manay Lolit Solis at ex-talent nitong si Mark Herras na ibinuking na nangungutang sa halagang P30,000.

“Actually, nagsimula akong maging sawsawera because of manay Lolit kasi tsinismis niya si Mark Herras na walang pera, e, during that time pandemic, so, naawa ako kasi ang dami talagang walang pera that time. Ang daming negosyong lugi even my business.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rr Enriquez (@rr.enriquez)

“So, inilagay ko ‘yung situation ko with Mark. Naawa ako alam mo ng lugmok ‘yung tao bakit kailangan mo pang i-tsismis na walang pera ‘yung tao? So nagsulat ako ng mahaba doon nag-start ‘yung pagiging sawsawera ko,” kuwento ni RR.

Aminadong marami siyang natanggap na bashing pero maraming nagpahatid na masaya sila dahil sa hashtag nitong #sawsawerawithaheart.

“Hindi naman ako basta-basta nangba-bash na as in hater lang. I think may sense naman kahit nakakatawa ‘yung pangsa-sawsaw ko,” saad ni RR.

Nagpasalamat daw si Mark sa pagtatanggol ni RR sa kanya na ipinarating nito sa ibang tao dahil hindi naman daw sila close.

Dagdag pa, “happy ako na naipagtanggol ko si Mark!”

Samantala, natanong ni Ogie si RR tungkol sa pahayag nito na sana umamin na sina Paolo Contis at Yen Santos sa totoong relasyon nila.

“Tulad nga ng sinabi ko dati na dumaan din tayo sa pagiging malandi, maharot dati. Naging ano rin bago ko makilala si Jayjay (Helterbrand – boyfriend). Very vocal naman ako na (naging malandi noon).

“I don’t want to normalize cheating pero hindi ako sasama sa isang lalaki na hindi ko type. Si Jayjay hindi ko sasamahan dati kung hindi ko type ‘yan.

“So, nu’ng nalaman ko si Paolo Contis at Yen Santos na pumunta ng Baguio, huwag n’yo kaming linlangin. Lalo na ako ‘wag mo akong linlangin lalo na ‘yung mga ganyang style as a ‘friend?’

“Ano ‘to, anong gagawin natin do’n (Baguio) magdya-jack en poy, di ba? Ang lamig-lamig sa Baguio. Hindi mo ako puwedeng lokohin sa ganyan kasi pinagdaanan ko rin ‘yan, eh,”paliwanag ng dalaga.

‘So, anong take mo, si Yen ay maharot?’ tanong ni Ogie kay RR.

Hindi kaagad nakasagot si RR pero humagalpak siya ng tawa to the max.

“E, ano pa ng aba? Di ba ngayon trending sila one time na nagpapadala si Yen ng adobo, o anong ibig sabihin no’n?” tanong nito sa talent manager.

‘Baka naman nagpadala ng adobo as a friend,’ sabi ni Ogie.

“Dyosko Lord, e, di sige! Sabi nga ni Bea Alonzo, ‘Time is the Ultimate Truth Teller.’ Eto na ‘yun, this is the right time.

“Dito na nila nire-reveal ‘yung relationship nila by posting ‘thank you sa pinadala mong adobo’ di ba?

“So, confirmed may relasyon!” diin ni RR. “Pinaikot lang tayo! So, tama ‘yung pagiging sawsawera natin.”

Anong maipapayo ni RR kina Paolo at Yen.

“Anon a ngayon, year 2022 na pandemic pa, umamin na kayo! ‘Wag na kayong magpakaplastik-plastik pa. Kasi parang niloloko n’yo lang ‘yung sarili n’yo.

“Siyempre galing si Paolo sa isang relationship na nasira. Kung niloko n’yo ‘yung tao, wala nang magagawa ‘yun, eh nakapanloko na kayo.

“Ang gawin n’yo na lang humingi kayo ng sorry sa nasaktan n’yo tapos mag OUT kayo. Ganu’n lang naman ‘yun. Hindi naman natin kailangang mag-meddle lagi sa past.

“Umamin lang kayo, pero style nila ‘yun showbiz ayaw nilang umamin. Iba ‘yung mentality ko, iba ‘yung mentality nila hindi pinipilit ‘yun,”payo ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
RR Enriquez ‘nakisawsaw’ sa isyu nina Paolo at Yen: Don’t us

RR Enriquez sa mga kapwa sawsawera: Utang na loob, gamitin n’yo yung maganda kong pictures

RR Enriquez Sawsawera Queen: Wala talaga akong ginagawa sa buhay, kaya naging tsismosa…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending