RR Enriquez sa bashers: Pakialam ko sa inyo! Basta masaya ako sa ginagawa ko!
RR Enriquez at Aiko Melendez
FOLLOW-UP ito sa kuwentuhan nina Aiko Melendez at tinaguriang Sawsawera Queen na si RR Enriquez na napapanood sa YouTube channel ng isa sa cast ng seryeng “Prima Donnas.”
Ang cliffhanger question ni Aiko kay RR ay kung ano ‘yung sinabi na hindi nito nagustuhan ang number 4 na dahilan ng personalidad na si “PC” na ang hula nga ng marami ay si Paolo Contis.
“’Yung number four (sa official statement ng aktor sa Instagram hinggil sa hiwalayan nila ni LJ Reyes) ipinagtanggol niya (PC) ‘yung YS (Yen Santos daw) as a friend.
“Sabi niya nagpunta lang daw siya ng Baguio kasi taga-North si girl and then parang kailangan lang niya ng makakausap as a friend. So ako napaisip ako kasi hindi naman tayo perfect noong kabataan natin,” dire-diretsong saad ng dating aktres.
Sumang-ayon naman si Aiko sa sinabing hindi perfect at humagalpak ng tawa nang banggitin ni RR ang, “Lalakero rin tayo!”
Mabilis na sagot ng vlogger, “Parang ikaw lang ata sis.”
“Ha-hahaha! Nagugulat ka ba?” balik-tanong ni RR sa kaibigan.
“Oo kasi naabutan kita nu’ng Christian ka na, eh,” saad ni Aiko.
Sa pagpapatuloy ni RR, “Okay si JayJay (Helterbrand, boyfriend niya) na lang example ko. Hindi ko sasamahan si JayJay kung hindi ko siya type! Ganu’n ako so ikinumpara ko lang ‘yung sarili ko na kaming mga babae hindi kami sumasama sa mga lalaki kapag hindi namin type.”
“Totoo naman ‘yun!” sambit ng aktres. “As a friend hindi rin ako sasama.”
“Tapos kayong dalawa lang?” giit ni RR. Sabi pa, “Kung kaibigan mo sasama ka pero marami kayo pero dalawa lang?”
Birong tanong ni Aiko, “Dalawa lang ba sila? Nandoon ka ba sis? Ha-hahaha! Kasi parang sure na sure kang dalawa lang sila.” Nagkatawanan uli ang magkaibigan.
“Base sa mga video na lumabas, dalawa lang sila,” katwiran ni RR. Sabi pa, “Tapos nakaangkla pa ‘yung babae. So, kung as a friend ang dami kong kaibigan na lalaki hindi ganu’n.”
“So, kung ikaw ang magbibigay ng tag doon sa number four kay PC, ano dapat ang inilagay niya?” tanong ni Aiko.
“Nagkamali siya ro’n dapat hindi na niya ipinagtanggol dapat hindi na niya sinabi as a friend. Sana sinabi lang niya na nakipagkita siya kasi kailangan niya ng makakausap,” opinyon ni RR.
Ang sunod na tanong kay sawsawera queen, “okay next sis, si GA at si JB, bakit panay ang tanggol mo kay GA? Naging kayo ba?”
“Ang guwapo niya sis, ha?” nagulat na sagot ni RR.
“Bakit maganda ka naman at sexy,” sabi naman ni Aiko.
“Pero ang jowa ko mukhang palaka! So hindi ako mahilig sa mga guwapo!” pagtatapat ng dalaga.
Ipinagtatanggol ni RR si GA dahil guwapo siya, “Hindi ko siya ipinagtatanggol. Nasa isang relationship din kasi ako, di ba? I will never force someone to marry me kahit na sobrang tagal na namin kasi parang for me, ‘yun na lang ang natitirang pride ko para sa sarili ko.
“So, I’m not saying na si girl ino-offer niya si guy ng kasal. Wala namang sinabing ganu’n, eh. Pero ang daming nang bash kay GA. Minsan kasi kapag babae kinakampihan kaagad, eh.
“Ako kasi open-minded nga ako parang networking lang hindi porke’t babae, parang babae na lang lagi agrabyado.
“Hindi natin alam baka si girl ayaw din ng kasal pero si JB naman very open siya na gusto niya ng kasal, but that doesn’t mean na kung gusto mo ng magkapamilya kailangan gustuhin din ni guy.
“Hayaan mo siyang mag-isip, hayaan mong ma-realize niya talaga na talagang gusto ka niyang pakasalan or kahit na sinong lalaki na lang,” aniya pa.
Sundot naman ni Aiko, “Let him know your worth na manggagaling doon kay GA. Ready ka bang ma-bash ng fans ni BA kasi marami rin siyang fan base.”
“Ang daming nam-bash na sa akin,” pag-amin ni RR.
At ang mensahe nito sa bashers niya, “Pakialam ko sa inyo! Basta masaya ako sa ginagawa ko and I’m just being honest sa mga opinion ko. Nae-entertain ako lalo na sa mga bashers to be honest.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.