Xian Gaza dinenay na si Wilbert Tolentino ang bida sa pasabog na blind item: Inosente po ako... | Bandera

Xian Gaza dinenay na si Wilbert Tolentino ang bida sa pasabog na blind item: Inosente po ako…

Reggee Bonoan |October 25,2022
facebook
share this

Xian Gaza dinenay na si Wilbert Tolentino ang bida sa pasabog na blind item: Inosente po ako…

Reggee Bonoan - October 25, 2022 - 08:03 PM

Xian Gaza dinenay na si Wilbert Tolentino ang bida sa pasabog na blind item: Inosente po ako...

Wilbert Tolentino at Xian Gaza

BIGLANG-KAMBIYO si Xian Gaza sa inilabas niyang video nitong Lunes kung saan isinawalat niya ang tungkol sa mga ilegal na negosyo umano ng isang taong hindi niya binanggit ang pangalan.

Maraming nagkomento na ang negosyante, talent manager at vlogger na si Wilbert Tolentino ang pinatutungkulan ni Xian lalo’t napakainit pa rin ng isyu sa pagitan nila ni Zeinab Harake na kaibigan naman ni Xian Gaza.

Kaninang hapon ay may post na si Xian na hindi raw si Wilbert ang tinutukoy niya sa video. Narito ang official statement ni Xian sa kanyang Facebook account.

“OFFICIAL STATEMENT OF CHRISTIAN ALBERT GAZA ABOUT HIS BLIND ITEM VIDEO ‘ANG REBELASYON’.

“Kung mapapansin ninyo ay wala akong binanggit na pangalan sa buong video. Kung nag-assume ang publiko sa pagkatao nito, then that’s not my problem anymore. I am not legally accountable for that.

“The top 2 elements of a defamation case is the identity and the libelous claim. If it’s a blind item and there’s no identity at all, then there’s no libel case on the table. So please stop linking my exposé video to a certain ‘Wilbert Tolentino.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wilbert Tolentino (@sirwil75)


“For the record, that is not true. I am publicly denying all the allegations na yung taong tinutukoy ko sa video ay si Wilbert Tolentino. I am giving my full consent to use this Facebook post as an official evidence to the proper judicial court. Hindi po yun totoo.

“Inosente po ako. Kahit basahin niyo pa po lahat ng Facebook posts ko eh wala po kayong makikitang paninira to a certain ‘Wilbert Tolentino’ na galing mismo sa akin dahil in the first place ay hindi ko po kilala ang tao na yan.

“Napanood ko lang po two days ago sa social media na ang tao na yan ay nagbabayad ng malaki para mag-trending at sumikat,” aniya.

Kumonsulta kasi sa kanyang abogado si Wilbert at pinababawi ang lahat ng sinabi ni Xian para hindi siya kasuhan ng libelo. Kaya naglabas ng statement si Gaza para makaiwas sa asunto.

May post na naman ang Pambansang Marites tungkol sa isang abogado na hindi naman niya binanggit ang pangalan.

Sabi ni Xian, “Itsura pa lang nung abugado eh talaga namang very credible na. Hindi mo iisiping bayaran eh. Mukhang barker sa Quiapo na suma-sideline sa isang Notary Public.”

Bukas ang BANDERA para sa panig ni Wilbert Tolentino at ng kanyang abogado.

Wilbert Tolentino pumalag sa blind item tungkol kay Herlene Budol: Obligasyon kong protektahan siya

Wilbert Tolentino may hugot sa mga ‘user’ at ‘pa-victim’, patama kay Zeinab Harake?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wilbert Tolentino may hugot sa taong matigas ang ulo, may pinatatamaan nga ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending