Herlene Budol todo-pasalamat kay Wilbert Tolentino: Dito pa rin ako, walang magbabago | Bandera

Herlene Budol todo-pasalamat kay Wilbert Tolentino: Dito pa rin ako, walang magbabago

Therese Arceo |July 25,2023
facebook
share this

Herlene Budol todo-pasalamat kay Wilbert Tolentino: Dito pa rin ako, walang magbabago

Therese Arceo - July 25, 2023 - 04:41 PM

Herlene Budol todo-pasalamat kay Wilbert Tolentino: Dito pa rin ako, walang magbabago
THANKFUL ang beauty queen at komedyanang si Herlene Budol sa kanyang talent manager na si Wilbert Tolentino.

Matatandaang kahapon, July 24, nang ianunsyo ni Wilbert sa pamamagitan ng kanyang social media accounts na nagbibitiw na siya bilang talent manager ng dalaga.

Makikita naman na nag-reply si Herlene sa kanyang post sa Facebook.

Saad ng “Magandang Dilag” lead, “Salamat [s]a lahat mima Dito pa [rin] ako walang magbabago i love you forever.”

Dagdag pa niya, “I’m still your babygirl good health lang and enjoy palagi. Mahal kita.”

Ayon kay Wilbert, matagal niya munang pinag-isipan ang kanyang desisyon na magbitiw bilang manager ni Herlene.

“Mahirap man gawin, halos matagal ko din pinagisipan. Subalit kailangan ko ng pagtuunan ng pansin ang aking kalusugan,” pagbabahagi ni Wilbert.

Baka Bet Mo: Wilbert Tolentino nag-resign na bilang talent manager ni Herlene Budol…anyare?

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Isa rin sa mga dahilan ni Wilbert sa pagbibitiw bilang manager ni Herlene ay ang pagnanais nitomg pagtuunan ng pansin ang pag-aalaga sa sariling anak.

Talaga raw kasing takaw oras ang pagma-manage ng talent at nauubusan na rin siya ng oras para sa sarili kaya nagdesisyon na rin itong bitawan ang dalaga.

“Masaya ako para kay herlene dahil natulungan at natupad ko mga pangarap nya tulad ng Bagong Bahay, kotse at iba pang investment na e pundar po nya,” sey pa ni Wilbert.

Hiling rin niya sana’y isapuso at huwag kalimutan ng dalaga ang mga bagay na itinuro niya habang nasa ilalim pa ito ng kanyang management.

“Sana lang isapuso nya ang core value na itinuro ko sa kanya na COMMITMENT, PROFESSIONALISM and GRATITUDE. I am very optimistic na lalago pa ang karera nya and more endorsement, tv shows and movies to come!” lahad ni Wilbert.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Herlene Budol pinayuhang iwan na ang manager na si Wilbert Tolentino, pine-pressure nga ba?

Wilbert Tolentino pumalag sa blind item tungkol kay Herlene Budol: Obligasyon kong protektahan siya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending