Herlene Budol ‘nakatikim’ sa netizens, nasobrahan daw sa ‘pagpapakatotoo’
TILA dismayado ang mga netizens sa beauty queen-comedienne na si Herlene Budol dahil mukhang nasobrahan na ito sa pagpapakatotoo.
Ito ay may kinalaman sa kanyang naging asal sa “Question & Answer” portion niya sa naganap na sashing ceremony ng Miss Grand Philipppines 2023.
Marami sa mga netizens ang napataas ang kilay at talaga namang hindi sang-ayon dahil tila nilaro lang ni Herlene ang pagsagot sa maayos na pagtatanong sa kanya.
“[I] Just checked the list of the candidates this year in Miss Grand International Philippines and your name is the only one that is hyperlinked, meaning you’re famous enough to be in the Wikipedia and you have millions of followers.
“I had the opportunity to meet and interviewed Mr. Nawat [Itsaragrisil, Miss Grand International president] last year and I know he loves someone who’s got a big social media following. Apart from your big social media following, what else have you got in order to win the crown?” tanong ng interviewer kay Herlene.
“Thank you for that looong question for me… chariz.. I have a big followers because I have a big heart… O English yon, ha? Nakapag-compose po ako kaagad. Ano nga uli yung tanong?” sagot naman ng dalaga.
Muli namang inulit ang tanong para kay Herlene at noong nakitang hirap itong sumagot ay isinalin na rin ito sa Wikang Filipino.
“I think this is the right time. Last year, siguro hindi ko po oras. Ang sabi nga ng adbokasiya ng Miss Grand is… ano ba yon? World peace and what else again? Stop the war and peace.
“Since I was young… ah ang sarap mag-English… ummm naranasan ko pong ma-bully sa eskuwelahan, mabugbog sa tahanan, at dumayo sa ibang bansa… natutukan ng tatlong baril… talagang armalite at naging isang dayuhan. Para sa akin, ang solid ng experience na yon. In my own experience, ayokong maranasan ng iba yon,” sagot ni Herlene.
“At bilang isang Miss Grand, sisimulan ko sa aking experience na ipalaganap sa ibang tao na huwag matakot. Kahit anong pinagdaanan ng mga taong laging nakangiti, may katuturan yon at ikaw yung magiging lakas ng ibang tao para maging lakas,” dagdag pa niya.
Hirit pa niya, “Hindi ko ma-explain pero naka-experience ko po talagang ma-bully. Ayoko po ng away. I’m from broken family. Mag-i-start po yan sa ating tahanan at magsisimula po tayo sa maliit na problema. Kapag naumpisahan po natin sa ating tahanan na maging world peace and for the love love lang ang mga person, I think, good example yon para ipalaganap sa kung kalahatan.”
Nagtangka pa ngang magbiro si Herlene at sinabing “Pakisagot po nung tumatawag” bago tuluyang lisanin ang entablado.
Ngunit sa halip na kabiliban dahil sa pagiging naturalesa sa pagsagot ay marami ang pumuna sa paraan ng dalaga ng pagsagot lalo na’t irerepresenta niya kung sakali ang bansa sa naturang international pageant.
“[Hu]wag pilitin kung hindi kaya, gusto mo lang ipapahiya ang Pilipinas! Doon ka na lng sa cemedy pageant or gay pageant,” saad ng isang netizen.
Payo naman ng isa kay Herlene, “Wala namang mali sa mga tanong na hindi mo maintindihan. Pinasok mo ang pageantry kasama na jan ang pagiging professional sumagot. Next time, maging seryoso na lang at paghandaan. Ang haba ng panahon para magprepare ka pero parang nakaligtaan mong iprepare ang q&a part.”
“Be serious and stay focused in answering questions po. Wag po haluan ng biro. In that way, maybe masasagot nyo po siguro ng maayos,” dagdag pa ng isang netizen.
Inamin naman ni Herlene na talagang kinabahan siya habang nakasalang sa Q&A kaya hindi niya maayos na naipahayag ang kanyang nais isagot.
“Sa sobrang kaba ko po Hindi kopo naexplain yung kung Anong gusto kopong sabihin sorry I admit di po ako magaling Sa lahat ng bagay and sorry kung nawalan po kayo sakin ng kumpyansa Sa isang pag kakamali,” pag-amin ng dalaga.
Pangako naman ni Herlene, “I’ll try my best to make you proud. Hindi ko po nilaro diko lang po talaga na gets yung tanong and I accept it.Hindi po ako perpekto. Thank you for those people na naniniwala padin po saakin.”
Sa October 25, 2023 nakatakdang maganap ang coronation night ng Miss Grand International sa Ho Chi Minh City, Vietnam.
Related Chika:
Herlene Budol iniyakan ang pamamaalam ng TVJ sa GMA, umaming inalok na maging host sa bagong ‘Eat Bulaga’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.