Herlene Budol mas pinili muna ang career kesa lovelife: 'Wala na po akong boyfriend, mas pinili po naming magpayaman' | Bandera

Herlene Budol mas pinili muna ang career kesa lovelife: ‘Wala na po akong boyfriend, mas pinili po naming magpayaman’

Ervin Santiago |June 20,2023
facebook
share this

Herlene Budol mas pinili muna ang career kesa lovelife: ‘Wala na po akong boyfriend, mas pinili po naming magpayaman’

Ervin Santiago - June 20, 2023 - 06:12 AM

Herlene Budol mas pinili muna ang career kesa lovelife: 'Wala na po akong boyfriend, mas pinili po naming magpayaman'

Herlene Budol

LIMANG taon ding tumagal ang relasyon ng Kapuso star na si Herlene Budol sa kanyang non-showbiz boyfriend bago sila nagdesisyong maghiwalay.

Mas pinili ng actress-beauty queen na mag-focus muna sa kanyang showbiz career at pageant journey kaya naman talagang isinakripisyo niya muna ang kanyang lovelife.

Mutual decision naman daw nila ng kanyang ex-boyfriend ang maghiwalay at tapusin na ang kanilang 5-year relationship para sa para sa kanilang respective career.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ngayon ho, wala na po akong boyfriend. Mas pinili po naming maging… magpayaman na lang ho,” ang rebelasyon ni Herlene nang makachikahan ng ilang members ng press sa mediacon ng launching series niyang “Magandang Dilag.”

Pahayag pa ng Kapuso TV host-actress, “Hindi naman po sa sacrifice yun. Kumbaga, nasa point na po kasi kami na kailangan na po naming mag-mature na isipin muna for the future.

Baka Bet Mo: Andre Paras nag-retire na agad sa PBA, mas pinili pa rin ang showbiz: ‘Sayang, sobra!’

“Nandiyan lang naman po yung love, e. Puwede po naming balikan anytime. Pero kung sa ngayon po na hindi po namin nabibigay nang parehas yung time para sa isa’t isa, mas pinili po naming maging friends po muna,” paliwanag pa ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dagdag pang pahayag ni Herlene na kilala rin bilang si Hipon Girl, “Desisyon po naming dalawa. Okay pa naman. Friends po kami, nag-uusap po kami, pero pinili po namin magtrabaho, magpayaman muna para sa pamilya po namin.

“Unfair ko naman ho kung hindi ko siya bibigyan ng time para sa sarili niya. Kaya binigay ko po kung ano yung deserve niyang matanggap,” pagbabahagi pa ng aktres at beauty queen.

Samantala, mapapanood na ang “Magandang Dilag” sa June 26, sa GMA Afternoon Prime mula sa direksyon ni Don Michael Perez.

Makakasama rin ni Herlene sa show sina Benjamin Alves, Rob Gomez, Sandy Andolong, Chanda Romero, Adrian Alandy, Maxine Medina, Bianca Manalo, at marami pang iba.

K Brosas mas piniling magpa-interview kay Toni Gonzaga kesa kay Ogie Diaz, pero may nangyaring ‘misteryo’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Geneva mas lalong humanga kay Sunshine mula nang maghiwalay sila ni Cesar: Nakakabilib!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending