Ruru Madrid 'ego booster' ang panliligaw sa mga female celebs noon, may na-realize nang maghiwalay sila ni Bianca | Bandera

Ruru Madrid ‘ego booster’ ang panliligaw sa mga female celebs noon, may na-realize nang maghiwalay sila ni Bianca

Therese Arceo |March 12,2023
facebook
share this

Ruru Madrid ‘ego booster’ ang panliligaw sa mga female celebs noon, may na-realize nang maghiwalay sila ni Bianca

Therese Arceo - March 12, 2023 - 04:03 AM

Ruru Madrid 'ego booster' ang panliligaw sa mga female celebs noon, may na-realize nang maghiwalay sila ni Bianca

SINEGUNDAHAN ng Kapuso actor na si Ruru Madrid ang naging pahayag ng kanyang girlfriend na si Bianca Umali patungkol sa paghihiwalay nila ng walong buwan.

Ito ay nangyari pagkatapos ng naganap na parking lot incident sa pagitan nila noong 2019.

Pagkukwento ni Ruru nang mag-guest siya sa “Fast Talk With Boy Abunda” selos ang naging dahilan kung bakit nangyari ang insidente sa parking lot sa Megamall na nagresulta sa walong buwan nilang pansamantalang paghihiwalay.

Kaya naman natanong siya ng TV host kung ano nga ba ang naging dahilan kung bakit sila nag-break.

Saad ni Ruru, “Siguro nung time na yon, Tito Boy, medyo bago pa lang po kami, first time ko siguro maramdaman yung maging seryoso sa isang relationship.

“I mean, before Bianca, parang may time sa sarili ko na parang… I know it’s hard na aminin to, but naging ganun po talaga ako, I mean, gusto ko rin pong maging honest din po sa inyo… Para akong nakikipag-date sa, like for example sa beauty queen, sa artista, so that maipagmalaki ko.”

Chika pa ni Ruru, may pakiramdam daw kasi siya noon na kapag may din-date siyang sikat ay nakaka-boost ng kanyang ego.

“May ganun akong klaseng treat before, na parang feeling ko, ego-booster siya for me. Na parang pagka nakipag-date ako sa certain girl na sikat o ano, nakaka-boost siya ng ego ko.

Baka Bet Mo: Ruru naiyak sa pasorpresa ni Bianca sa Korea; Dingdong super in love pa rin kay Marian, may good news para sa mga Kapuso

“But then I realized, lalo na nang nakilala ko si Bianca, hindi yon yung mga bagay na dapat ipinagmamalaki ko. I mean, ang dapat ipinagmamalaki ko is yung mga bagay na totoo,” lahad ng aktor.

Ani Ruru, nung mga panahon na ‘yon ay nangangapa pa siya lalo na’t first time niyang maging seryoso sa relasyon ngunit nagkaroon siya ng realization kung kakayanin pa ba niyang kumausap ng iba maliban sa kasintahan.

At dahil nga sa nangyari sa kanila sa parking lot ay maraming natutunan ang binata.

Sey ni Ruru, “Number one, Tito Boy, nakita ko yung worth ni Bianca. Siguro dun pumapasok yung pag wala sa yo, dun mo siya hahanapin. Pagka nandiyan siya sa tabi mo, parang tine-take for granted mo siya.

“Pero nung naramdaman kong na wala siya sa akin, dun ko naramdaman na hindi ko kayang wala siya.”

Kaya naman ginawa ni Ruru ang lahat para maging okay ulit ang relasyon nila ni Bianca.

“Kasi alam ko sa sarili ko na pag kasama ko siya, I’m at my best. Pag hindi ko siya kasama, pakiramdam ko I’m lost. Siya yung nagbibigay ng liwanag, ng daan sa akin. Pero nasaktan ko yung babaeng yon.

Pagpapatuloy pa ni Ruru, “So, sinabi ko sa sarili ko, kahit eight months akong nanligaw sa kanya ulit, hindi ako mapapagod na sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal at kung gaano siya kaimportante sa akin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)

Related Chika:
Ruru Madrid hindi nagpa-double sa ‘Lolong’: Lahat ng buwis-buhay stunts ako ang gumawa

Ruru Madrid binabagyo ng blessings; bongga na ang career, swerte pa sa lovelife

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending