Bianca Umali kinumpirma ang 'parking lot' incident sa pagitan nila ni Ruru Madrid: 'Pero yung ibang nabalita, exaggerated' | Bandera

Bianca Umali kinumpirma ang ‘parking lot’ incident sa pagitan nila ni Ruru Madrid: ‘Pero yung ibang nabalita, exaggerated’

Ervin Santiago |March 08,2023
facebook
share this

Bianca Umali kinumpirma ang ‘parking lot’ incident sa pagitan nila ni Ruru Madrid: ‘Pero yung ibang nabalita, exaggerated’

Ervin Santiago - March 08, 2023 - 07:07 AM

Bianca Umali kinumpirma ang 'parking lot' incident sa pagitan nila ni Ruru Madrid: 'Pero yung ibang nabalita, exaggerated'

Bianca Umani at Ruru Madrid

SA unang pagkakataon, nagsalita na ang Kapuso actress na si Bianca Umali tungkol sa chikang muntik na raw niyang masagasaan ang boyfriend na si Ruru Madrid sa sobrang pagseselos.

Sa mga nakalimot na at sa hindi pa masyadong aware, ito yung kontrobersyal na “parking lot” incident sa isang kilalang mall kung saan sangkot nga raw ang Kapuso couple.

Sa panayam kay Bianca ng “Fast Talk with Boy Abunda”, nilinaw niya ang nasabing chika at ipinaliwanag kung saan ito nanggaling at kung bakit may kumalat na ganoong balita.

“Let’s address the elephant in the room. People are talking about an incident that happened sa likod ng Megamall kung saan nagselos ka at muntik mong sagasaan si Ruru.

“Tama ba ‘yung narrative na ‘yun mali ba, pagseselos ba ‘yun? Was that declaring, ‘This is my territory and nobody messes with me.’ What was that?” ang diretsahang tanong ni Tito Boy kay Bianca.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bianca Umali (@bianxa)


Ayon sa dalaga, totoong may nangyari sa kanila ni Ruru sa parking lot ng nasabing mall pero “exaggerated” daw ang naglabasang balita noon tungkol dito.

“To clear things up, there was an incident pero ‘yung lahat po ng lumabas na istorya ‘yung lahat po ng nabasa n’yo to the point na muntik ko nang masagasaan (si Ruru) it was exaggerated at some point,” simulang paglalahad ng aktres.

Baka Bet Mo:  Ina ni Bianca Umali namatay sa breast cancer nu’ng 5 years old siya, inatake naman sa puso ang ama pagtuntong niya ng 10

Patuloy pa niya, “I did not talk about it anymore kasi I don’t see the point of clearing the story, ng side ko, sa lahat ng tao. So I just let it be na ganun ‘yung tingin nila. But yes, there was an incident.”

Sundot na tanong ni Tito Boy, “Selos ‘yun?” “Merong history na pinanggagalingan,” mabilis na tugon ni Bianca.

Inamin ng dalaga na totoong selosa siya pero palagi raw nasa katwiran ang pagseselos niya.

“I think kaya ko nasasabi na selosa ako especially in my relationships is because ganu’n po ako kagrabe magmahal that I am territorial and ‘yung pagkaselosa ko po alam ko na nasa lugar.

“Kapag alam ko na meron akong pagseselosan doon ako nagseselos and I have been right all the time. And yes, alam niya ‘yan,” chika ni Bianca.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bianca Umali (@bianxa)


Dahil sa nasabing insidente, halos isang taon silang naghiwalay ni Ruru pero patuloy pa rin daw silang nag-uusap dahil sa matinding pagmamahal nila sa isa’t isa.

“We were in touch kasi ganun namin kamahal ‘yung isa’t isa, Tito Boy. I mean even ako kahit na in times na nasasaktan ako kapag mahal kita, mahal kita e, okay lang na masaktan ako it’s part of it.

“So, we were in touch but Ru did everything that he could to save the relationship and to win me back and I did so much work also to forgive and to say that, ‘Okay let’s start again because I love you,” paliwanag pa ni Bianca.

At in fairness, mukhang pinasisihan na ni Ruru ang mga pagkakamaling nagawa niya noon sa kanyang girlfriend dahil solid na solid na uli ngayon ang kanilang relasyon.

Para naman sa kanilang mga fans, magsasama sina Bianca at Ruru sa kanilang first-ever TV series na “The Write One” na isang collaboration ng GMA 7 at Viu Philippines.

Kit Thompson pansamantalang nakakulong dahil sa diumano’y pananakit kay Ana Jalandoni, Gabriela nagbigay suporta sa aktres

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Driver ng SUV na sangkot sa kasong hit-and-run at nakasagasa ng sekyu sumuko na sa PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending