Kit Thompson pansamantalang nakakulong dahil sa diumano’y pananakit kay Ana Jalandoni, Gabriela nagbigay suporta sa aktres
UPDATE sa aktor na si Kit Thompson o Keith San Esteban Thompson in real life na kasalukuyang nakapiit ngayon sa Tagaytay Component City Police Station along Mahogany Avenue, Tagaytay City.
Ayon sa aming source ay kakatapos lang daw na i-inquest ng investigating prosecutor as of this writing ay mananatili pa rin doon ang aktor hangga’t hindi pa nasasampahan ng kaso.
“The fiscal has to resolve the case first before an information may be filed in court,” sabi ng aming source.
Sinubukan naming kontakin ang manager ni Kit na si Cornerstone CEO and President Erickson Raymundo tungkol dito pero hindi kami sinagot.
Base sa official statement ng management agency ng aktor kaninang umaga.
“We have just been informed that one of our artists, Mr. Kit Thompson, was allegedly involved in an incident that transpired last night in Tagaytay City, Cavite.
“As we have yet to receive a formal report regarding the alleged incident, we could not give a response nor comment on the matter.
“However, we request the public to be mindful of casting judgment based on unfounded reports being circulated online.”
View this post on Instagram
Samantala, kasalukuyang nasa Tagaytay Medical Center ang girlfriend ni Kit na si Ana Jalandoni para gamutin.
Matatandaang humingi ng tulong sa staff ng hotel na tinuluyan nila ni Kit si Ana na siyang kumontak sa mga pulis para sunduin siya.
Base naman sa ulat ng ABS CBN news ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang magkasintahan na nauwi sa pananakit ng aktor sa nobya.
Nagpalabas naman ng statement ang Gabriela tungkol sa pangyayari.
“We support the conduct of a full investigation on the incident, as we reiterate our stand against violence against women. Nothing justifies the acts of violence inflicted on women by their partners. This latest incident highlights the need to amplify the #LabananAngAbuso campaign to end violence against women.”
Bukas naman ang BANDERA sa panig ng kampo ni Kit at ni Ana Jalandoni.
Related Chika:
Ana Jalandoni ni-rescue ng mga otoridad sa isang hotel sa Tagaytay, Kit Thompson dinala sa presinto para kwestiyunin
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.