#Pasabog: Maiinit na chikang tumatak sa madlang pipol kada buwan ngayong 2022 | Bandera

#Pasabog: Maiinit na chikang tumatak sa madlang pipol kada buwan ngayong 2022

Therese Arceo |December 21,2022
facebook
share this

#Pasabog: Maiinit na chikang tumatak sa madlang pipol kada buwan ngayong 2022

Therese Arceo - December 21, 2022 - 12:04 PM

#Pasabog: Maiinit na chikang tumatak sa madlang pipol kada buwan ngayong 2022

MALA-ROLLER COASTER ride ang taong 2022 para sa mga kilalang personalidad sa mundo ng show business. Marami sa mga celebrities ang dumaan sa maraming kontrobersiya ngayong taon na pniguradong nagpatibay sa kanila.

Tara at ating balikan ang mga nakakaloka ay nakakagulat na mga chikang talagang pinag-usapan at tumatak sa madlang pipol ngayong taon.

JANUARY 2022: Bangayang Francine Diaz-Andrea Brillantes
Pagpasok pa lamang ng taon ay talagang pinag-usapan ang mga miyembro ng Gold Squad na sina Francine Diaz, Andrea Brillantes, at Seth Fedelin.

Ito ay matapos mag-viral ang larawan ni Seth kasama ang pamilya ni Francine na diumano’y kuha noong New Year’s Eve.

May mga chika pang kumalat na tila nagalit raw si Andrea dahil magka-love team sila noon ni Seth at nais lang niyang protektahan ang kanilang fans. Maging ang ina ni Francine ay nag-react sa isyu at ipinagtanggol ang anak.

Kalaunan ay nilinaw na nga ni Andrea ang mga isyu at inaming naging sila noon ni Seth ngunit nag-break na sila noong October 2021.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Francine Diaz (@francinesdiaz)

FEBRUARY 2022: Pag-endorso ni Toni Gonzaga kay Rodante Marcoleta

Naging mainit ang pangalan ng Multimedia Star na si Toni Gonzaga ngayong taon matapos nitong i-host ang proclamation rally ng tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte noong February 9.

Bukod pa rito, marami sa mga Kapamilya ang nasaktan matapos niyang i-endorso si Rodante Marcoleta, isa sa mga taong naging dahilan kung bakit hindi na-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

Kinabukasan, February 9, tuluyan nang inanunsyo ni Toni ang kanyang pag-alis bilang main host ng reality show na “Pinoy Big Brother”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga)

MARCH 2022: Pambubugbog ni Kit Thompson kay Ana Jalandoni

Marami ang nagulat matapos lumabas ang balita patungkol sa pambubugbog ng Kapamilya actor na si Kit Thompson sa kanyang nobyang si Ana Jalandoni.

Ito ay naganap noong March 18 habang sila ay nagbabakasyon sa isang hotel sa Tagaytay City.

Ayon sa mga lumabas na balita, selos ang naging ugat ng pananakit ng aktor sa dalaga.

Agad namang na-rescue ng mga otoridad si Ana at naitakbo sa ospital habang sa presinto naman dinala si Kit.

Sa ngayon ay inamin ni Ana na napatawad na niya ang dating boyfriend ngunit tuloy pa rin ang kasong isinampa niya laban dito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ana Jalandoni (@realanajalandoni)

APRIL 2022: Pagsuporta ni Ai Ai delas Alas sa tambalang Marcos-dUTERTE NOONG ELECTION CAMPAIGN

Matapos ang mga kumakalat na fake news patungkol sa kanyang pagsuporta kay Leni Robredo, binasag na niya ang katahimikan at sinabing kay Pangulong Bongbong Marcos at VP Sara Duterte ang kanyang boto.

Sa isang short video clip na inilabas sa Miting De Avance ng UniTeam para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay pinakita ng Kapuso Comedy Queen ang pagsuporta sa dalawa.

Naging kontrobersyal rin si Ai Ai matapos nitong mag-post ng TikTok video nang nakasuot na red bikini habang isinasayaw ang campaign jingle ng tambalang Marcos-Duterte.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

MAY: Hiwalayang Moira dela Torre at Jason Hernandez

Bago matapos ang buwan ng Mayo ay isang matinding pasabog ang inamin ni Jason Hernandez nang ianunsyo niya ang tuluyang paghihiwalay nila ng asawang si Moira dela Torre.

Matatandaang Abril nang unang lumabas ang balitang paghihiwalay nang dalawa nang magsalita ang mga netizens sa pagtanggal ni Moira ng apelyido ng asawa sa kanyang social media accounts.

Ngunit matapos nga ang mahigit isang buwan ay kinumpirma na ni Jason ang kanilang paghihiwalay at sinabing siya ang may kasalanan kung bakit ito nangyari.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Moira (@moiradelatorre)

JUNE 2022: Sagutan nina Dennis Padilla at Leon Barretto

Sino nga ba ang makalilimot ng mainit na sagutan ng actor-comedian na si Dennis Padilla at ng anak nito kay Marjorie Barretto na si Leon.

Ito ay nag-ugat nang maglabas ng saloobin ang komedyante sa diumano’y hindi pagbati sa kanya ng mga anak noong Fathers’ Day.

Agad na binatikos ng mga netizens ang magkakapatid na sina Julia, Claudia, at Leon sa “pagkalimot” ng mga ito sa kanilang ama bagay na sinagot ng huli sa pamamagitan rin ng mahabang post sa social media.

Muli na namang naging maingay ang pangalan ni Dennis matapos itong mag-react sa naging interview ni Julia sa YouTube vlog ni Karen Davila.

Nakiusap ito sa broadcaster na maging fair at hingin rin ang kanyang panig ngunit magpahanggang ngayon ay hindi pa rin ito nangyayari.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dennis Padilla (OFFICIAL IG) (@dennisastig)

JULY 2022: ‘History is chismis’ hirit ni Ella Cruz

“HISTORY IS LIKE CHISMIS”, ito na ata ang palaging maiisip kapag nabanggit ang pangalan ng aktres na si Ella Cruz.

Ito ay nagsimula nang matanong siya kung ano ang mga natutunan niya sa pelikulang “Maid in Malacañang” kung saan gumanap siya bilang si Irene Marcos.

Marami nga sa madlang pipol, mapa-ordinaryong netizens, celebrities, at historians ang nag-react sa sinabi ng dalaga at nilinaw na ang history ay “katotohanan na nangyari sa nakaraan” at hindi lang basta “chismis o fake news” na maaaring baguhin at palitan.

AUGUST 2022: Pagbubuntis daw ni AJ Raval

Marami ang nag-aabang matapos mabalita na nagdadalangtao raw ang sexy actress na si AJ Raval bagay na idinenay ng kanyang amang si Jeric Raval sa isang panayam.

Maging ang diumano’y kapatid niyang si Vanessa Raval ay gumawa ng sariling isyu para lamang ma-divert ang hindi mamatay-matay na isyung pagdadalangtao ng Viva actress na ilang beses na niyang itinanggi.

Kamakailan lang nang lumabas ang balitang nanganak na si AJ ayon sa source ni Ogie Diaz ngunit wala pa ring kumpirmasyon mula sa kampo ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 🪬 𝚎𝚕𝚕𝚊 ✨ (@ellacruz)

SEPTEMBER 2022: Pagkakakulong ni Vhong Navarro

Marami ang nagulat nang lumabas ang balitang pagkakakulong ng TV host-comedian na si Vhong Navarro matapos maglabas ng warrant of arrest ang korte ukol sa kasong rape na isinampa sa kanya ng modelong si Deniece Cornejo.

Bago ito ay boluntaryo nang sumuko ang “It’s Showtime” host sa NBI para sa kasong acts of lasciviousness na isinampa rin sa kanya at nagpiyansa ng P36,000 ngunit dahil non-bailable ang kasong rape ay ipiniit siya sa NBI detention center.

Nito ngang December 6 ay pansamantala nang nakalaya si Vhong matapos i-grant ng korte ang kanyang petisyon na makapag-bail dahil sa “inconsistencies” sa mga pahayag ni Deniece sa naganap na cross-examinations.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)

OCTOBER 2022: Battle of FB live videos nina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino

Talaga namang forda puyat ang mga makasubaybay lamang sa battle of Facebook live ng mga social media influencers matapos ang inilabas na video ng talent manager-vlogger na si Wilbert Tolentino laban sa dating kaibigang si Zeinab Harake.

Naglabas kasi ng sama ng loob ang talent manager patungkol sa cryptic post ni Zebby patungkol sa mga traydor at manggagamit na diumano’y patama raw kay Wilbert.

Lumaki na nga ang isyu hanggang sa madamay na rin ang ibang celebrities at kapwa vloggers nang maglabas ang talent manager ng mga screenshots ng mga komento ni Zeinab sa mga ito gaya na lang ng “trash”, at “walang market”.

Agad namang humingi ng tawad si Zebby sa lahat ng mga taong nasaktan at na-involve sa hindi nila pagkakaunawaan ni Wilbert ngunit nilinaw rin niya na hindi para sa talent manager ang kanyang post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wilbert Tolentino (@sirwil75)

NOVEMBER 2022: Health update ni Kris Aquino

Matapos ang paglipad patungong Amerika ng Queen of All Media na si Kris Aquino upang ipagpatuloy ang kanyang pagpapagamot at pananahimik nito sa social media ng ilang buwan ay muli itong nagbigay ng update patungkol sa lagay ng kanyang kalusugan.

Ayon sa latest update ng TV host-actress, tatagal pa ng mahigit isa’t kalahating taon ang kanyang gamutan.

Dagdag pa niya, aminado ang mga tumingin sa kanya na isa siyang “challenge” at pang-case study raw ang kanyang lagay dahil mayroon siyang “multiple autoimmune conditions & over 100 known allergic or adverse reactions to medication”.

Ngunit sa kabila nito ay tuloy ang laban para sa kanyang dalawang anak na sina Kuya Josh at Bimb.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

DECEMBER 2022: Salpukan ng mag-inang Nora Aunor at Matet de Leon

Sa pag-uumpisa ng buwan ng Disyembre ay hayagang naglabas ng sama ng loob ang aktres na si Matet de Leon laban sa kanyang si Nora Aunor matapos maglabas ng produkto ang huli na kapareha ng kanyang produkto.

Sa kanyang Instagram account ay naging maanghang ang pahayag nito dahil sa diretsahang pangungumpetensya ng kanyang ina sa gourmet tuyo na kanyang itinitinda.

Pakiramdam ni Matet ay na-betray siya ng sariling ina.

At dahil nga rito ay nagpasya na si Matet na huwag nang kausapin ang kanyang ina dahil para sa kanya, ginawa na niya ang lahat para maging maayos ang relasyon nila.

Kuwento pa niya sa interview niya kay Ogie Diaz, hanggang ngayon raw ay nagbabayad siya ng utang na loob sa ina na umampon sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matet (@misismatet)

At iyan nga ang mga maiinit na chika ngayong 2022, mga Ka-Bandera. Nawa’y patuloy kayong tumutok sa Bandera sa susunod na taon para sa mas maiinit na pasabog sa mundo ng showbiz.

 

Related Chika:
#MoreBlessings: Mga baby ng celebrities na nagpa-good vibes sa 2021

Pang-world class yarn: 7 Pinoy celebs na kinilala sa iba’t ibang international filmfest

#BalitangIna: First time celebrity moms ngayong 2022

#PaalamNa: Pagbibigay-pugay sa mga celebrity, bigating personalidad na pumanaw ngayong 2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending