Nora Aunor magbabalik-pelikula, bibida sa ‘Mananambal’

Nora Aunor magbabalik-pelikula, bibida sa thriller film na ‘Mananambal’

Pauline del Rosario - January 27, 2025 - 01:05 PM

Nora Aunor magbabalik-pelikula, bibida sa thriller film na ‘Mananambal’

Nora Aunor

MAGKAKAROON ng comeback sa pelikula ang legendary actress na si Nora Aunor!

Siya kasi ang bibida sa upcoming mystery thriller film na “Mananambal” bilang traditional healer.

Mapapanood sa pasilip ang isang grupo ng male vloggers na bumisita sa isang liblib na lugar sa Siquijor upang gumawa ng content na “Witch Hunt” kung saan ang goal nila ay ma-interview ang karakter ni Nora.

“Kailangan mapapayag natin ‘yung matanda. Kasi nakita mo naman kahapon ‘nung nag-post ako nandito tayo, 500,000 views na. What more kung ma-interview natin siya at makita natin ‘yung actual sorcery? I’m sure more than one million views ‘yun,” sey ng isa sa mga tampok.

Baka Bet Mo: Ate Guy ilang beses nakaligtas kay Kamatayan, maswerte raw dahil malakas kay Lord: ‘May himalaaaa!’

Nagpaunlak naman ng interview ang role ng batikang aktres, ngunit ito ay biglang tumanggi nang tanungin siya tungkol sa pagiging mangkukulam.

Kapansin-pansin din sa trailer si Bianca Umali na tila malaki rin ang role sa istorya.

Sa bandang dulo, ipinakita na ang vloggers ay isa-isang kinulam umano at mukhang si Nora ang gumawa nito sa kanila.


Maliban kina Nora at Bianca, kasama rin sa pelikula sina Kelvin Miranda, Edgar Allan Guzman, Jeric Gonzales at Martin Escudero.

Ang “Mananambal” ay mula sa direksyon ni Adolfo Borinaga Alix Jr. at ito ang ikatlong collaboration nila ni Nora matapos ang 2021 film na “Kontrabida” at ang 2023 drama-thriller na “Pieta.”

Maaalala na ang upcoming movie ay nagkaroon na ng world debut sa Jinseo Arigato International Film Festival na ginanap sa Japan last year.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang pelikula ng binansagang National Artist of the Philippines for Film and Broadcast Arts ay ipapalabas sa mga lokal na sinehan sa February 19.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending