Shanaia Gomez pak na pak ang akting sa horror movie na ‘The Gatekeeper’
GRABE! As in grabe naman pala talaga ang horror film na “The Gatekeeper” na pinagbibidahan ng New Gen Multimedia Star na si Shanaia Gomez.
Napapapanood na ito ngayon sa iWantTFC pero natunghayan namin ang pelikula sa naganap na special screening nito kamakailan sa Dolphy Theater ng ABS-CBN kasama ang buong cast at iba pang Star Magic artists na sumuporta kay Shanaia.
Ang “The Gatekeeper” ay mula sa mga malikhaing isip nina Matthew at Dean Rosen, na siya rin nasa likod ng award-winning at makasaysayang biopic na “Quezon’s Game.”
Nakakaloka! Dahil simula pa lang ng pelikula ay gugulatin ka na ng mga katatakutang eksena, plus ang mga nakakabiglang twits and turns sa kuwento.
Baka Bet Mo: Albie sa ‘relasyon’ nila ni Shanaia: Wala pa akong oras para sa lovelife, but I definitely like her…
Iikot ang kuwento ng “The Gatekeeper”, na tamang-tama ngayong Holloween, sa isang misteryosong artifact na nabili ni Cita (Shanaia) mula sa bahay na tinitirhan ng isang namatay na pari.
Interesting ang paglalatag ng istorya nina Matthew at Dean na tumatalakay sa malalim na misteryo ng demonyo na nakatago sa totoong mundo habang pinagsasama ang mga elemento ng Bibliya sa mga alamat ng Filipino na ipinakita sa pamamagitan ng lens ng isang antique dealer na si Cita.
Nakarating siya sa isang kakaibang cabinet na nagsisilbi ring portal sa kasuklam-suklam na mga hukay ng underworld—biglang naging gatekeeper sa dalawang marahas na mundo.
View this post on Instagram
Sa pag-unlock ng mystery ni Shanaia sa cabinet maraming mangyayari na talagang ikagugulantan ng mga manonood.
Ito ang unang pagsabak ni Shanaia sa horror genre at masasabi naming pak na pak ang kanyang pagganap. In fairness, para sa isang baguhang aktres tulad ng dalaga ay pasadung-pasado na sa amin ang kanyang acting.
“Naaalala ko na kung may genre na hindi ko akalain na magagawa ko, ito ay horror. Biglang dumating ang pagkakataong ito at sinabi ko sa sarili ko na gawin ang lahat, na subukin ang iba pang genre,” pahayag ni Shanaia.
“A lot of the facts in the movie are real, ‘yung research na ginawa ni Direk is like real stuff, if you were to search the stuff that I’m saying in the movie, talagang real results will pop up.
“In a way, parang you’re playing with fire, you’re playing with something na medyo totoo kaya feeling ko na parang, what makes this so scary, we’re not making up these facts about the cabinet,” sabi ni Shanaia.
Sa mga hindi pa nakakaalam, bago naging aktres, sumabak muna ang dalaga sa unang season ng “Idol Philippines” sa ABS-CBN at naging celebrity housemate din sa “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.”
Napanood din siya sa iba’t ibang Kapamilya series tulad ng “FPJ’s Batang Quiapo,” “Can’t Buy Me Love” at sa iWantTFC Original series na “He’s Into Her.”
Nakasama rin siya sa cast ng blockbuster hit movie na “Rewind” na pinagbidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
“We are in awe of her acting ability, her acting decisions, and her patience to achieve perfection. She brings something special to the character of Cita making it very believable and will resonate with audiences,” ang pahayag ni Matthew sa akting ni Shanaia.
“Umaasa ako na kailangan ng mga manonood sa parehong paglalakbay ng pag-iisip-pumupukaw ng pagtuklas at nakakabagabag na takot na maghanap ng mga sagot para linawin kung ano ang natuklasan ni Cita.
“Maraming mga bagay na dapat katakutan sa pelikulang ito. Ngunit ang higit na dapat nating katakutan ay ang lahat ng ito ay maging totoo,” aniya pa.
“Ang The Gatekeeper ay kasing misteryo ng pelikulang horror. Pinagsasama nito ang mga misteryo mula sa panahon ng Biblia at ang mga misteryo mula sa kasaysayan ng Filipino, at sa huli, nag-aalok ito ng sagot sa kanilang lahat,” sey naman ni Dean.
Kaya sa mga adik sa horror movie, mag-Holloween watch party na kayo ng “The Gatekeeper” exclusive lang sa iWantTFC. Kasama rin sa movie sina Dean Rosen, Jeff Flores, Nor Domingo at Kate Alejandrino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.