‘Beetlejuice Beetlejuice’ nina Jenna Ortega, Micheal Keaton, Winona Ryder pinuri
“THE wait was worth it!”
Ito ang inihayag ng maraming movie critics nang ipalabas na sa mga sinehan ang bagong pelikula na “Beetlejuice Beetlejuice.”
Makalipas kasi ang mahigit tatlong dekada ay muling binuhay ang iconic na pelikula.
Para sa mga hindi aware, ang unang classic horror-comedy na “Beetlejuice” ay inilabas noong 1988 pa.
Ang returning cast sa bagong movie ay sina Michael Keaton, Winona Ryder, at Lydia Deetz, habang ang new cast members ay sina Jenna Ortega, Justin Theroux, Monica Bellucci, Willem Dafoe at Catherine O’Hara.
Baka Bet Mo: LIST: Mga bagong international films ngayong Setyembre
Anyway, narito ang ilan sa mga nagbigay ng hatol patungkol sa pelikula na mula sa direksyon ni Tim Burton:
Sey ng Hollywood Reporter: “The zippy pacing, buoyant energy and steady stream of laugh-out-loud moments hint at the joy Burton appears to have found in revisiting this world, and for anyone who loved the first movie, it’s contagious. That applies also to the actors, all of whom warm to the dizzying lunacy.”
Wika naman ng Time magazine, “The movie carries you along on its wriggling magic carpet of mayhem – and features one sequence of creepy-elegant-funny cracked poetry that’s classic, old-school Burton.”
Paglalarawan naman ng Deadline Hollywood matapos mapanood ang movie, “a blast just to watch” at “funny, all the time.”
Bukod diyan, nakatanggap din ito apat na minutong standing ovation matapos mag-world premiere sa opening night ng Venice Film Festival noong August 28.
Very true naman ang mga sinabi sa review ng ilang international critics dahil nasilayan na rin mismo ng BANDERA ang pelikula at talagang nag-enjoy kami kahit na hindi pa namin napapanood ang unang franchise nito.
Hindi naman siya purely horror dahil may halo rin itong katatawanan, adventure at mga aral na tungkol sa kahalagahan at pagmamahal ng isang pamilya.
Ang “Beetlejuice Beetlejuice” ay showing na sa mga lokal na sinehan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.