The KoolPals dream come true ang sariling podcast studio

The KoolPals dream come true ang bagong tambayan, podcast studio

Pauline del Rosario - January 13, 2025 - 09:11 PM

The KoolPals dream come true ang bagong tambayan, podcast studio

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

LEVEL up ang The KoolPals ngayong taong 2025!

Bukod kasi sa magtutuloy ang pagpapalaganap nila ng saya at stand-up comedy sa fans ay nagkaroon na rin sila ng sariling entertainment at podcast hub.

Binuksan nila ang “The KoolPals Bar,” isang one-stop entertainment hub para sa mga mahilig sa comedy at live podcasts, na matatagpuan sa Century Park Hotel Manila.

Para sa comedian group, katuparan ng kanilang matagal nang pangarap ang pagbubukas ng bar na ito.

“Ever since we started our group, we have always dreamed of having our own bar. The podcast has played a huge role in promoting stand-up comedy, and it’s amazing to see how it has helped us achieve this dream,” ayon kay James Caraan, ang isa sa mga founding members ng grupo.

Naimbitahan ang BANDERA sa official media launch ng nasabing bar at diyan ipinaliwanag ni GB Labrador kung paano nabuo ang kanilang podcast show.

Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: Margie de Leon inspirasyon ng kababaihan sa mundo ng ‘comedy’

“Lahat kami, nagkakilala sa stand-up. So sa rami ng mga comedians, kami ‘yung naging magkaibigan talaga…[kaya] ang dali naming i-conceptualize ang show kung ano ang pag-uusapan namin, kung current events which is something na interested lahat tapos [hinaluan] namin ng comedy, hirit, ganyan,” paliwanag niya.

Hindi lang basta comedy venue ang The KoolPals Bar dahil isa itong makabagong lugar kung saan pinagsama ang live podcast studio at comedy bar. 

Dito, maaaring manood ng live recordings ng kanilang sikat na podcast, habang nilalasap ang world-class na pagkain at inumin.

“This is a comedian’s playground. It’s a space where good food, drinks, and comedy come together. It’s where people can relax, laugh, and make memories,” sey ni GB.

Naikuwento rin ng grupo kung paano sila nagsimula sa isang simpleng kwarto gamit ang pinakamurang equipment.

“Kapag may announcement kami, sinusulat namin tapos tinututok namin sa webcam. Ganun kami nag-start na ka-low tech,” chika ni GB.

Kwento pa nila, ang unang podcast session nila ay ginawa sa kwarto ni GB at simple lang ang setup nila—megabox ang gamit nilang mesa.

“Kung merong itsura ‘yung background ng kahirapan…‘yung microphone nasa megabox,” paglalarawan ni James.

Bukod sa mga comedy shows at live podcasts, naglunsad na rin ang The KoolPals Bar ng bagong format—ang Noontime Show tuwing Linggo, alas-4 ng hapon. 

May live broadcast din ito sa Facebook at YouTube para maabot ang fans sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

“Every Sunday ang live recording…then in between, magkakaroon ng open mic katulad ng ginawa namin,” wika ni James.

Marami pang aabangan sa grupo for this year, isa na riyan ang nationwide tour kabilang na ang Pampanga, Baguio, Cebu, at iba pang siyudad. 

Balak din nilang i-stream ang kanilang unang comedy special sa mga global platforms.

Ayon kay GB sa event, “Kapag nakita mo ‘yung KoolPals, we don’t have the biggest following as most celebrities. Pero ‘yung listeners namin will actually tune in and enjoy the show hanggang matapos.”

Ang The KoolPals ay grupo ng mga Pinoy stand-up comedians na kilala sa kanilang relatable humor. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sumikat sila sa Metro Manila at ibang bansa dahil sa kanilang hit na stand-up shows at viral antics.

Isa rin sa pinakasikat na comedy podcasts sa Pilipinas ang kanilang The KoolPals Podcast, na dinadagsa ng libu-libong fans para sa kakaibang timpla ng tawa at kwentuhan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending