‘Paddington in Peru’, ‘A Real Pain’ kakaibang adventure ng tawanan at emosyon

PHOTOS: Courtesy of Columbia Pictures, Ayala Malls Cinemas
DALAWANG kakaibang cinematic experiences ang naghihintay sa mga local cinemas.
Ito ang nakakaaliw at heartwarming adventure movie na “Paddington in Peru,” at ang emosyonal ngunit nakakatawang paglalakbay nina Jesse Eisenberg at Kieran Culkin sa “A Real Pain.”
Napanood na ng BANDERA ang dalawang bagong movie at tinitiyak namin sa inyo na pareho itong puno ng kwento tungkol sa pamilya, pagmamahal, at pagtuklas ng sarili na tiyak na may hatid na tawa, aral, at damdaming hindi mo inaasahan.
Makalipas ang pitong taon, muling nagbabalik sa big screen ang paboritong karakter na si Paddington, ang batang oso mula Peru.
Baka Bet Mo: Renée Zellweger muling iibig sa bagong ‘Bridget Jones’ movie
Mapapanood sa adventure film na muli niyang babalikan ang kanyang hometown upang hanapin ang nawawala niyang tiyahin na si Aunt Lucy.
Kasama ang kanyang mga kaibigang Brown family mula London, tutuklasin ni Paddington ang mga nakatagong lihim ng kanyang nakaraan.
Ang pelikulang ito ay puno ng natural na komedya at mga pusong kwento na magpapaluha sa bawat manonood.
Isa itong pelikulang magaan, masaya, at puno ng aral.
Talaga namang tamang-tama ang timpla ng mga eksena ng saya at emosyon—at siguradong mag-iiwan ito ng matamis na alaala sa bawat isa.
Samantala, sa Ayala Malls Cinemas, mapapanood naman ang pelikulang “A Real Pain” na pinagbibidahan nina Jesse Eisenberg, Kieran Culkin, Will Sharpe, at Jennifer Grey.
Ang pelikulang ito ay isang masalimuot na kwento tungkol sa magkaibang magpinsang sina David (Eisenberg) at Benji (Culkin) na muling nagtagpo upang gunitain ang kanilang yumaong lola sa isang paglalakbay sa Poland.
Sa kanilang pamamasyal, ipapakita ang mga hindi pagkakasunduan at matinding emosyon sa kanilang relasyon na siyang nagpapalalim at nagbibigay ng kulay sa kanilang kwento.
Isang pelikulang may tamang timpla ng humor at emotional moments, ibabandera sa “A Real Pain” na hindi lang ito isang simpleng comedy dahil ito ay may malalim na mensahe ng pagkakaisa at pagmamahal sa pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.