#MoreBlessings: Mga baby ng celebrities na nagpa-good vibes sa 2021 | Bandera

#MoreBlessings: Mga baby ng celebrities na nagpa-good vibes sa 2021

Therese Arceo |January 01,2022
facebook
share this

#MoreBlessings: Mga baby ng celebrities na nagpa-good vibes sa 2021

Therese Arceo - January 01, 2022 - 07:08 PM

#MoreBlessings: Mga baby ng celebrities na nagpa-good vibes sa 2021

SA pagsisimula ng taong 2022, tara at ating balikan ang mga cute babies na ipinanganak ng mga favorite n’yong celebrities nitong nagdaang 2021.

 

JANUARY BABIES

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


Koa

Isang malusog na baby boy naman ang ipinanganak ng aktres at vlogger na si Andi Eigenmann.

Ganap nang ipinakilala ng aktres ang kanyang “little island boy” na si Koa isang araw matapos ang kanyang panganganak noong January 17.

Si Baby Koa ang ikalawang anak ni Andi sa kanyang fiance na si Philmar Alipayo.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Iwa Moto (@iam_iwa)


Caleb Jiro

Isinilang ng dating Starstruck avenger na si Iwa Moto ang pangalawang anak na si baby CJ (Caleb Jiro) noong January 21 sa kanyang partner na si Pampi Lacson.

 

MARCH BABIES

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sophie Albert (@itssophiealbert)


Avianna Celeste

Masayang ibinandera ng celebrity couple na sina Sophie Albert at Vin Abrenica ang kanilang “giant” baby girl na si Avianna Celeste sa buong mundo.

Dahil sa laki ng kanilang baby ay nanganak ang aktres via caesarian section.

Mapapanood sa Youtube video ng celebrity couple at first time parents ang mga kaganapan habang ipinagbubuntis nito ang kanilang first baby.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sample King 👑/ ALAKDAN 🦂 🇵🇭 (@jhonghilario)


Sarina

Isa na ring ganap na ama ang “It’s Showtime” host at Makati councilor na si Jhong Hilario matapos ipanganak ng kanyang non-showbiz partner na si Maia Azores.

Labis nga ang pangamba ni Jhong nang isilang ang kanilang anak dahil sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic at medyo naninibago pa siya dahil sa kanyang panibagong chapter bilang ama.

 

APRIL BABIES

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Isabelle Daza (@isabelledaza)


Valentin

Proud parents for the second time naman ang aktres na si Isabelle Daza at asawa nitong si Adrien Semblat nang ipanganak ng aktres si baby Valentin noong April.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)


Bia

Isinilang naman ng sikat na vlogger na si Zeinab Harake ang kanilang first baby ng singer at myembro ng Ex-Battalion na si Skusta Clee na si baby Bia.

Pagbabahagi ni Zeinab, halo-halong emosyon ang kanyang naramdaman nang isilang niya ang kanyang baby girl dahil matagal niyang pinangarap ang magkaroon ng baby at labis ang kanyang saya nang tuparin ito ng Diyos.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)


Felize

Ginulat ng mga first time parents na sina Elisse Joson at McCoy de Leon ang madlang pipol nang aminin nila noong Oktubre na mayroon na silang anak na nagngangalang baby Felize McKenzie nang dumalo sila sa “Pinoy Big Brother” house para rin imbitahan si Bog Brother na maging ninong ng anak dahil malaki ang kontribusyon nito sa kanilang pagmamahalan.

 

MAY BABIES

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Roxanne Barcelo (@roxannebarcelo)


Cinco

Makalipas ang isang buwan mula nang ipanganak niya ang kanyang baby boy noong May 22 ay pormal nang ipinakilala at ipinakita ng actress-singer na si Roxanne Barcelo si baby Cinco sa madlang pipol.

 

JULY BABIES

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miriam Quiambao-Roberto (@miriamq888)


Ezekiel Isaiah

Muling biniyayaan ng panibagong blessing ang dating beauty queen na si Miriam Quiambao at Ardy Roberto.

Maituturing na “miracle baby” si baby Zeke dahil isinilang ito ng dating beauty queen sa edad na 46.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joyce Pring-Triviño (@joycepring)


Alonso Eliam

Proud and happy first time parents na sina Joyce Pring at Juancho Trivino nang isilang ng TV host ang kanilang panganay na si baby Alonso Eliam noong July 2 via normal delivery.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Patrick Garcia (@onlypatrickgarcia)


Enrique Pablo

Finally ay may baby boy na ang mag-asawang sina Patrick Garcia at Nikki Garcia dahil sa pagdating ng latest addition sa kanilang pamilya na si baby Enrique Pablo.

July 15 nang ibahagi ni Nikki ang litrato nila ng asawa kasama ang si baby Enrique sa kanyang Instagram account.

 

AUGUST BABIES

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Beth Tamayo (@bethtamayo21)


Sloane Isabelle

Very happy naman sina Beth Tamayo at ang asawa nitong si Adam Hutchinson na i-welcome ang kanilang vitro baby na si Sloane Isabelle.

Sa edad na 43 ay isinilang ni Beth ang anak na three weeks earlier sa kanyang scheduled delivery na September 24, 2021.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Oyo Sotto (@osotto)


Vittorio Isaac

Isang baby boy naman ang sinalubong ng mag-asawang sina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa.

August 3 nang isilang ni Kristine ang kanilang baby no. 5 ni Oyo na pinangalanan nilang Vittorio Isaac.

 

SEPTEMBER BABIES

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kaye Abad-Castillo (@kaye_abad)


Iñigo Leon

Sobrang saya naman ng aktres na si Kaye Abad at ng asawa nito na dating “PBB” housemate na si Paul Jake Castillo nang ipanganak ang kanilang second baby boy na si Iñigo Leon.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Polo Ravales (@poloravales)


Yatrick Paul

Happy parents naman ang Kapuso actor na si Polo Ravales at ang fiancé niyang si Paulyn Quiza sa pagdating sa kanilang buhay ni baby Yatrick Paul noong Setyembre.

Masayang ibinahagi ng aktor sa kanyang social media accounts ang larawan ng fiance habang hawak hawak ang kanilang little angel.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sam Pinto-Semerad (@sampinto_)


Mia Aya

Isa na ring ganap na magulang ang aktres at model na si Sam Pinto at ang asawa nitong si Anthony Semerad nang ipanganak ang kanilang cutie baby noong Setyembre.

 

OCTOBER BABIES

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RIVA QUENERY (@riva)


Athena Rae

Isang malusog na baby girl naman ang isinilang ng vlogger at dating GirlTrendz member na si Riva Quenery sa kanyang boyfriend na si Vern Ong.

Mapapanood naman ang kanilang journey as first time parents kay Athena sa YouTube vlog ni Riva.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rachel Peters (@rachelpetersx)


Kaia Rose

Isang pretty baby rin ang ipinagkaloob sa dating beauty queen na si Rachel Peters at sa asawa nitong Gov. Migz Villafuerte.

October 13 nang ianunsyo ni Gov. Migz sa kanyang Instagram account na isinilang na ng dating beauty queen ang kanilang panganay.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nikki Gil-Albert (@nikkigil)


Maddie

Isinilang naman ni Nikki Gil ang kanilang pangalawang anak ng asawang si BJ Albert noong Oktubre 10.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)


Manuel Alfonso

October 8 naman nang ipanganak ng dating aktres at entrepreneur na si Neri Naig-Miranda ang kanilang second baby ng Parokya Ni Edgar frontman na si Chito Miranda.

Pinangalanan nila ang kanilang anak na Manuel Alfonso aka Cash.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Desiree Lois Dunham (@deslois)


Alexander Sebastian

Isinilang ng aktres na si Desiree del Valle ang kanyang first baby sa aktor na si Boom Labrusca sa edad na 39.

Inanunsyo ni Desiree sa kanyang Instagram account na official parents na sila ng asawa noong Oktubre 6.

 

NOVEMBER BABY

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nadine Samonte Chua (@nadinesamonte)


Harmony

Labis ang pasasalamat ng dating aktres na si Nadine Samonte dahil isang healthy na baby girl ang kanyang isinilang sa kabila ng kanyang maselang pagbubuntis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kabila ng hirap na pinagdaanan sa kanyang siyam na buwang pagbubuntis ay masaya si Nadine at ang asawa nitong si Richard Chua dahil malusog ang si Harmony Saige na mukhang last baby na ng mag-asawa dahil na rin tinawag na nila itong “bunso”.

Related Chika:
IN PHOTOS: Celebrity kiddos bumida sa iba’t ibang halloween pakulo
Pag-ibig sa gitna ng pandemic: Celebrity weddings na pinag-usapan ng madlang pipol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending