#BalitangIna: First time celebrity moms ngayong 2022 | Bandera

#BalitangIna: First time celebrity moms ngayong 2022

Pauline del Rosario |December 11,2022
facebook
share this

#BalitangIna: First time celebrity moms ngayong 2022

Pauline del Rosario - December 11, 2022 - 07:14 PM

#BalitangIna: First time celebrity moms ngayong 2022

BUKOD sa ilaw ng tahanan, ang pagiging ina ang isa sa mga importante at malaking gampanin ng isa babae.

Kaya naman bago matapos ang taong 2022, sinikap ng BANDERA na gumawa ng listahan upang babalikan natin ang ilang sikat na mga celebrities na “first time” maging ina ngayong taon.

Isa na riyan ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban na ipinanganak noong September 20 ang anak nila ng businessman na si Gregg Homan na si Amila Sabine Homan.

Ibinandera pa nga ni Angelica ang litrato ng kanyang anak na kita lamang ang mga mata at may caption pang, “Bean waiting for you all my life.”

Matatandaang “Bagong Taon” ng nakaraang taon nang isinapubliko nina Angelica at Greg ang kanilang relasyon at as of this writing, limang buwan na silang “engaged.”

Noong Marso, inanunsyo ni Angelica na siya’y buntis at ipinanganak niya ang first baby nila ni Greg noong Setyembre.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Ang singer na si Angeline Quinto isa na ring official mom ngayong 2022 matapos ipanganak ang kanyang panganay na si Baby Sylvio noong April 27.

Masayang ibinahagi ni Angeline sa madlang pipol ang good news sa pamamagitan kanyang Instagram Story kung saan makikita ang isang orasan na matatagpuan sa loob ng isang ospital kung saan siya nanganak.

Matatandaang kinumpirma ni Angeline na siya’y nagdadalang-tao sa panayam sa kanya ni Boy Abunda noong Disyembre ng nakaraang taon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)

Labis din ang saya ng Youtube vloggers na si Viy Cortez at Cong TV sa pagdating ng kanilang panganay na si Zeus Emmanuel Veasquez o si Baby Kidlat na isinilang noong July 5.

Proud pa nga itong ibinandera ng first time mom at sabi pa sa caption, “Kayong dalawa ang mundo ko [heart emoji] salamat Lord sa biyaya.”

Bago pa man dumating si Kidlat ay nagkaroon ng miscarriage si Viy kaya noong malaman nilang buntis ulit ito ay talagang naging maingat ang dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Viycortez (@viycortez)

Kasama rin sa listahan ng mga first time moms ngayong taon ay ang volleyball player na si Melissa Gohing.

Sa pamamagitan ng Instagram, nagbigay ng ilang detalye si Melissa nang manganak siya kay Ezren Raffaello o Baby EZ last October 9 via cesarean section.

Inilarawan pa nga niya ito bilang “most magical” moment sa kanyang buhay matapos lumabas sa kanyang sinapupunan si Baby EZ at marinig na ang pag-iyak nito.

Inamin din ng first-time mom na talagang inatake rin siya ng matinding nerbiyos dahil napakabilis daw ng mga pangyayari matapos pumutok ang kanyang panubigan.

Taong 2020 nang ma-engage ang celebrity couple matapos ang tatlong taong romantic relationship.

Ikinasal sila noong Enero ng nakaraang taon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melissa Gohing Nacino (@gohingmelissa)

Noong May 1 naman nang maging opisyal na nanay ang actress-beauty queen na si Winwyn Marquez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa Instagram ay ibinahagi niya ang larawang ng kanyang pretty baby girl na si Baby Luna.

Caption niya sa isang Instagram post, “Our little princess, Luna Teresita Rayn.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Winwyn Marquez (@teresitassen)

Related chika:

Kylie Padilla bilang single working mom: Nu’ng una feeling ko hindi ko kaya, feeling ko nagi-guilty ako

Coco inialay kay Susan Roces ang 7th anniversary ng ‘Probinsyano’: Maging masaya at malaya ka na po kasama ang ating Panginoon

Maricel Laxa hindi umasang mabibigyan pa ng second chance sa showbiz, pinayagan agad ng mga anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending