Janine Tugonon opisyal nang ipinakilala ang 1st baby: Bonjour, Madeleine Sophia!
MAKALIPAS ang ilang linggo, ipinakilala na ni Miss Universe Philippines 2012 Janine Tugonon sa publiko ang first baby nila ng kanyang French husband.
Sa Instagram, ibinandera ni Janine ang ilang pictures ng panganay na anak, ngunit tinatakpan pa rin ang mukha nito.
Sa caption, ibinunyag ng beauty queen ang pangalan ng panganay.
“Bonjour Madeleine Sophia [heart emoji],” bungad niya sa post.
Caption niya, “Thank you Lord for a healthy baby, positive birth experience and so far a great CS (cesarean section) recovery. You Lord always got my back and Your grace is sufficient [folded hands emoji].”
Baka Bet Mo: Paano nga ba nakilala ni Nadine Lustre ang French BF na si Christophe Bariou?
Nabanggit din ni Janine na two weeks old na ang kanyang baby girl at mukhang may nais na siya para sa anak paglaki nito.
“Time to start reading books to you. Thinking between taxation, accounting, AI, coding and IT?” sambit niya.
Wika niya, “Haha char lang, pero someday ‘yan talaga sana [peace sign, laughing face emojis].”
View this post on Instagram
Magugunitang sa IG Stories lamang ibinabandera ni Janine ang kanyang journey bilang first time mom.
Kamakailan lang nga ay inamin niyang mas mahirap ang magpa-breastfeed ng sanggol kaysa pa raw sa pagbubuntis at panganganak.
“Not gonna lie, I underestimated breastfeeding,” sambit niya sa nakaraang Story.
Aniya pa, “For me, it was more difficult than the pregnancy, the CS and CS recovery.”
Para sa mga hindi aware, si Janine ang itinanghal na first runner-up nang lumaban sa Miss Universe 2012 pageant na kung saan ang top winner ay nakuha ni Olivia Culpo na pambato ng United States.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.