Maricel Laxa hindi umasang mabibigyan pa ng second chance sa showbiz, pinayagan agad ng mga anak Bandera

Maricel Laxa hindi umasang mabibigyan pa ng second chance sa showbiz, pinayagan agad ng mga anak

Ervin Santiago |April 29,2022
share this

Maricel Laxa hindi umasang mabibigyan pa ng second chance sa showbiz, pinayagan agad ng mga anak

Ervin Santiago - April 29, 2022 - 07:09 AM

Maricel Laxa

HINDI na umaasa noon si Maricel Laxa na magkakaroon pa siya ng pagkakataon na makaarte uli sa harap ng mga camera makalipas ang mahabang panahon.

Kaya naman nang magkaroon siya ng offer para makapag-comeback sa showbiz ay talagang nagulat siya dahil hindi nga niya inakala na may magkakainteres pang kunin ang kanyang serbisyo.

Ayon sa misis ni Anthony Pangilinan, ang kanyang nga anak na sina Donny, Ella, Benjamin, Hannah at Solana ang nagsabi sa kanya na panahon na para bumalik siya sa pag-arte.

“Yes, my kids, sila ang isa sa mga dahilan kaya hindi naging mahirap na mag-yes ako sa offer na mag-comeback. Sabi nila, ‘mom, you know we’re fine. You’ve given us enough time, it’s time for you to shine now,'” kuwento ni Maricel sa ginanap na mediacon ng bago niyang serye sa GMA 7, ang “Apoy sa Langit.”

“I didn’t think of myself coming back to showbiz or even imagining na magkakaroon pa ako ng second wind and a season na nae-enjoy ko talaga.

“Ngayon I’m just so happy that I have their blessing and excited silang malaman kung ano ang mga bago kong natututunan,” pag-amin pa ng seasoned actress.

“Marami rin akong nai-explore na mga bagay na nagugulat ako so nago-grow ako. Naggo-grow din ‘yung audience. Natutuwa ako na may pagkakataon pa na ganito na ibinibigay pa sa artista na nagbabalik,” dagdag pa ng nanay ni Donny Pangilinan.

“Kasi hindi naman lahat nabibigyan ng pagkakataon. Kung gusto nila, hindi naman ibig sabihin meron. The opportunities just presented themselves at the perfect time,” aniya pa.


Ang isang issue lang daw niya sa pagtatrabaho ngayon ay ang lock-in taping, “Mahirap lang, kasi I miss my family dahil nalalayo ako sa kanila. But they understand naman this is part of my job and every assignment I get helps me grow in my craft as an actress, lalo na working with Direk Laurice (Guillen).

“First time ko to work with her at kabado ako noong simula, but she stretches me to new heights that I thought before hindi ko kayang gawin. I really learn so much from her,” dagdag ng aktres.

Mapapanood na ang “Apoy sa Langit” simula sa May 2, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime. Kasama rin dito sina Ramon Christopher, Mariz Ricketts, Carlos Siguion Reyna, Dave Bornea, Coleen Paz, Patricia Ismael at Mio Maranan.

Beauty Gonzalez nakipag-ayos na sa ina; pinayuhan ni Maricel Laxa

Roxanne ipinakita na ang buong mukha ni Baby Cinco sa madlang pipol: Our son at 1 month…

Kylie super na-touch sa ginawa ng anak habang nagme-meditate sa harap ng bonfire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending