#ShowbizPasabog2022: Bugbugan, demandahan, hiwalayan, kamatayan... | Bandera

#ShowbizPasabog2022: Bugbugan, demandahan, hiwalayan, kamatayan…

Ervin Santiago |December 11,2022
facebook
share this

#ShowbizPasabog2022: Bugbugan, demandahan, hiwalayan, kamatayan…

Ervin Santiago - December 11, 2022 - 10:51 AM

#ShowbizPasabog2022: Bugbugan, demandahan, hiwalayan, kamatayan...

Vhong Navarro, Pangulong Bongbong Marcos, Toni Gonzaga, Ana Jalandoni, Kit Thompson, Heart Evangelista, Chiz Escudero at Kris Aquino

PASABOG kung pasabog ang mga showbiz chika ngayong 2022. Sunud-sunod ang mga iskandalong kinasangkutan ng mga kilalang celebrities na talagang pinag-usapan ng mga Marites all over the universe.

Bago pumasok ang Bagong Taon, balikan natin ang ilan sa mga kontrobersya at nakakalokang chika na pinag-usapan ng sambayanan at talagang nag-viral at naging trending topic pa sa social media ngayong 2022.

VHONG NAVARRO

Si Vhong na siguro ang maituturing na pinakamalas na celebrity ngayong taon dahil sa rape case na kanyang kinakaharap na isinampa ni Deniece Cornejo. Ilang linggo ring nakulong sa Taguig City Jail ang TV host-comedian at last Tuesday lamang, December 6, ay pinayagan na siyang makapagpiyansa ng P1 million para sa pansamantala niyang kalayaan.

“Ang pagkakasala ko, ang kasalanan ko dito ay noong niloko ko ang girlfriend ko, at ito na yung wife ko ngayon. Lahat ng ibinibintang nila sa akin ay hindi totoo yun. Ako ay nagsasabi ng totoo. Alam ng Panginoon na nagsasabi ako ng totoo,” ang pahayag ni Vhong.

HEART EVANGELISTA & CHIZ ESCUDERO

Hanggang ngayon ay hindi pa rin umaamin o nagdedenay ang mag-asawang Heart at Chiz tungkol sa kanilang paghihiwalay pero base sa mga social media posts ng Kapuso actress, mukhang totoong tinapos na nila ng senador ang kanilang relasyon.

“I’ve always been such a happy person and I’ve always been somebody who just goes against the tides and just let the waves crash on me.

“I’m not going to lie, I’ve been going through a lot of personal stuff in my mind. But you know, at the end of the day, I’m still very grateful and as long as there’s life, there’s hope,” ang pasabog na statement ni Heart.

KRIS AQUINO

This year inisa-isa ng Queen of All Media ang kanyang mga sakit at totoong hindi naging madali sa kanya ang pinagdaraanang treatment sa Amerika. Inamin niyang may pagkakataon na gusto na niyang sumuko.

“Fatigue and being forever bedridden; bruises all over my body that suddenly appear; inability to tolerate solid food; headaches; bone-deep pain in my spine, knees, and finger joints; and my constant flares esp. in my face that just keep getting worse,” ani Kris.

Gustuhin man daw niyang sumuko, “Mahiya naman ako sa lahat ng mga patuloy na nagdarasal para gumanda ang kalusugan ko if i just give up.”

MAID IN MALACAÑANG

Bukod sa kontrobersya at ingay na ginawa ng “Maid In Malacañang” ng Viva Films mula sa direksyon ni Darryl Yap, ito rin ang unang pelikulang kumita ng milyun-milyon sa panahon ng pandemya.

“I got all the research materials before elections, the only thing that we are waiting for is the result of the election. If President Bongbong will win. So that’s an indication with 31 million votes, that’s an overwhelming testament that the Filipino people are ready to hear the side of the Marcoses.

“Walang pinabago pero may mga pinatanggal. My script was very courageous. OA sa tapang. They wanted to stick to their trade of unity. They don’t want any friction or crash na already. So ‘yun, pinabait lang. Kung ako lang masusunod nilabas ko lahat,” ang pahayag ni Darryl Yap.

CHERIE GIL & SUSAN ROCES

Nagluksa ang buong showbiz industry nang magkasunod na pumanaw ang dalawang itinuturing na movie icon — ang La Primera Contravida na si Cherie Gil at ang Philippine Movie Queen na si Susan Roces.

“Cherie fought bravely against her illness, with grace and strength. Despite her struggles, she always managed to exude courage and never lost her trademark sass, wit, and infectious humor, or her larger-than-life personality,” ang pahayag ng pamilya ng premyadong aktres.

Ito naman ang official statement ni Sen. Grace Poe sa pagpanaw ng ina, “With great sadness, we announce the loss of our beloved Jesusa Sonora Poe, whom many of you know as Susan Roces. She passed away peacefully on a Friday evening, May 20, 2022.

“She lived life fully and gracefully. Remember her in her beauty, warmth and kindess. She is now with the Lord and her beloved Ronnie – FPJ. We will miss her sorely but we celebrate a life well lived. Susan Roces – daughter, mother, grandmother, a true Filipina, and a national treasure.”

ALJUR ABRENICA & AJ RAVAL

Until now ay dedma pa rin ang rumored couple na sina AJ at Aljur sa tunay na estado ng kanilang relasyon. As in naging “national issue’ talaga ang tungkol sa umano’y pagbubuntis daw ng sexy star courtesy of Aljur daw.

Walang diretsahang pagdedenay o pagkumpirma si AJ o kahit si Aljur hinggil dito. At nito lamang nakaraang linggo ay nabalita ngang nanganak na raw si AJ, base na rin sa inilabas na vlog ni Ogie Diaz. So, mga ka-BANDERA kayo na ang bahalang humusga kung totoong may baby na sina AJ at Aljur.

DENNIS PADILLA & JULIA BARRETTO

Matatapos na ang 2022 ay hindi pa rin nagkakaayos sina Dennis at Julia at ang iba pa niyang mga anak kay Marjorie Barretto. Ilang buwan nang hot topic ng mga Marites ang tila pagmamakaawa ng veteran comedian sa mga anak na sana’y maibalik na ang maayos nilang relasyon.

Pero mukhang matigas pa ang puso ng magkakapatid na Barretto at hindi pa handang makipagbati sa kanilang tatay. May mga kumakampi kay Dennis sa sitwasyon niya ngayon pero marami rin ang nakikisimpatya kina Julia.

Nadamay pa nga si Karen Davila sa isyu dahil sa interview ng news anchor kay Julia kaya ang resbak ni Dennis, “Ako ang dapat takbuhan mo julia…. I defended you pero nagalit pa kayo sa akin… Sobra kayo…. Ano etong mga kwento mo kay Karen??”

TONI GONZAGA & BONGBONG MARCOS

Sumambulat ang galit ng mga tagasuporta ni dating Vice President Leni Robredo kay Toni nang ibandera nito ang pagsuporta kay Pangulong Bongbong Marcos last May elections. Talagang halos ipako na ng mga Kakampinks ang actress-TV host sa krus dahil dito.

Ngunit sa kabila ng kaliwa’t kanang pambabatikos, panunumbat at pagbabanta sa kanyang buhay at pamilya, nanatili lamang tahimik si Toni at never pumatol sa kahit isang hater niya sa social media. Sabi nga ng kanyang mga loyal fans matapos ang eleksyon, “Na kay Toni pa rin ang huling halakhak!”

TOM RODRIGUEZ & CARLA ABELLANA

Sino nga ba ang hindi naging interesado sa biglang paghihiwalay ng nabanggit na Kapuso couple? Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin sa palengke, sa mga inuman, sa parlor at sa umpukan ng mga Marites sa kanto ang pagkawasak ng married life nina Tom at Carla.

“I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid. Kung sana hanggang dun lang po makakabangon din po ako balang araw.”

“Pero para gawan pa po ako at ang pamilya ko ng mas marami pang kasamaan at kataksilan sa mga sumunod na araw, linggo at buwan, sobra sa sobra na po ang sakit at pagdurog ng puso at pagkatao ko,” ang rebelasyon ni Carla

Sabi naman ni Tom, “A lot has been said against me but in the end, Carla and I are the only two people who know the truth. I refuse to allow anyone, who only wants to use us and our brokenness, for news,” sabi naman ni Tom.

ANA JALANDONI & KIT THOMPSON

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinagulantang ng buong kashowbizan ang akusasyon ng sexy star na si Ana Jalandoni laban sa Kapamilya hunk actor na si Kit Thompson. Sinampal, sinuntok at binantaan daw siya ni Kit habang sila’y nasa isang hotel sa Tagaytay.

“Sabi niya, ‘P*t*ng*na mo! Saan ka galing?’ Pak! ‘Bakit ka umalis, bakit mo ako iniwan?!’ Naano ako, ‘Bakit mo ako sinampal, Kit? Bakit mo ako sinampal?’

“’T*ng*na, bakit mo ako iniwan?’ sabi niya. ‘Kit, hindi kita iniwan, tingnan mo yung cellphone ko, tinatawagan ko si Victoria, ipapaalam ko na nandito tayo, nakainom tayo!’”

“’Sinungaling ka, iniwan mo ako!’ Tuluy-tuloy siya, tuluy-tuloy. Sampal sa mukha, dalawang kamay siya, pak. Nakalaban ako sa kanya, palabas ako ng room, nahatak niya pa rin ako papunta sa bed. Tatakbo ako pero nahabol niya ako.

“Noong nahabol niya ako, nakaladkad niya pa ako sa floor, ginanun-ganon niya pa yung ulo ko sa floor, ‘tapos binuhat niya ako papunta sa kama. ‘Kit, tama na, tama na, tama na, Kit.’

“Nagsisigaw ako, nagtataka ako walang kumakatok, ginaganoon niya na yung mukha ko, e. Tulog ang tao, yes, pero maingay kami sa room, ang ingay namin.

“Tuluy-tuloy ang ginagawa niya, nakapatong na siya sa akin, e. Tintira niya yung mata ko, tinitira niya yung mata ko. Sampal, suntok ang ginawa niya sa akin,” bahagi ng salaysay ni Ana.

Pansamantalang nakalaya ang aktor matapos magpiyansa ng P1 million para sa kasong violation of Section 5 (a) of the Republic Act 9262 o ang Anti-Violence against Women and Children Act.

Toni basag na basag sa mga haters dahil sa politika: Nakakabastos naman kasi talaga!

Toni Fowler ‘dinibdiban’ si Alex Gonzaga, ibinunyag ang kandidatong sinusuportahan

Toni Gonzaga sa pagpasok sa mundo ng politika: Never say never

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending