Toni Gonzaga sa pagpasok sa mundo ng politika: Never say never
“I HAVE been cancelled for 20 years of my life.” Iyan ang malalim na hugot ni Toni Gonzaga nang ta
nungin tungkol sa mainit na subject na “cancel culture.”
Hindi naman maitatanggi na talagang talamak ang cancel culture dito sa ating bansa. Araw-araw, may mababalitaan na lang na mga public figures na nagte-trending dahil umano’y bina-bash, kino-callout, o kina-cancel ng netizens.
At sa kasamaang palad, hindi nakatakas dito si Toni. Chika pa niya, nito lamang nakaraang taon, sa kasagsagan ng pandemya, kinansel na naman siya ng mga netizens.
“People would tell me or my sister would tell me, ‘Oh, you’re trending. People are cancelling you.’ Ah, again?! They have been cancelling me for 20 years,” kuwento niya.
Pero dahil na rin siguro sa tagal niya sa industriya, nasanay na si Toni sa mga isyu na ibinabato sa kanya.
“You know what’s important is that no matter how many people or how many times you are cancelled by other people, what’s important is you never cancel yourself. Everybody can be against you but you don’t have to be against yourself,” sabi ng TV host.
Sabi pa niya lahat ng tao ay pwede kang traydurin pero ‘wag na ‘wag mong tatraydurin ang sarili mo.
“It’s not painful for me to be cancelled by society because I don’t cancel myself. The most important like that you can give yourself is the like that you have for yourself.
“Before you check on the likes on your Instagram or your Facebook, you have to wake up in the morning and tell yourself, ‘Toni, you like you? You like yourself? You like what you are doing?’, ‘Yes, I like me.’ then the rest of their like are just bonus.
“That’s the most powerful state and the most powerful place to be in— when you like yourself because you’re not betraying who you are,” pahayag pa ni Toni.
Nang tanungin naman kung nakikita niya ang sarili sa mundo ng politika pagkatapos ng pag-aartista, matapang naman itong sinagot ng aktres, “I don’t see myself in politics right now or anytime soon.”
Sa ngayon, hindi priority ng aktres ang politika pero hindi naman niya isinasara ang posibilidad na maging isang politiko balang araw, “Never say never but in my heart right now, I don’t feel like that is something that I should be doing.”
Hindi naman malabo at mukhang may chance naman si Toni kung sakali. Matatandaan na ang kanyang amang si Daddy Bonoy ay isang public servant for almost 12 years. Huli itong nanungkulan bilang vice mayor ng Tanay, Rizal. Ngunit sa kasamaang-palad, natalo ito nang tumakbo sa pagkaalkalde noong nakaraang mid-term election.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.