Ana Jalandoni ni-rescue ng mga otoridad sa isang hotel sa Tagaytay, Kit Thompson dinala sa presinto para kwestiyunin
USAP-USAPAN ngayon sa social media ang screenshot ng mensahe ng aktres na si Ana Jalandoni na humingi ng tulong sa isang kaibigan.
“Kuya please help me. Please call police!!!! Keith is killing me!!! Please please help me Kuya,” saad ng aktres.
Makikita rin sa screenshot ang kanyang larawan na may mga galos at namamagang mga mata.
“Don’t call me. He’s gonna wake up. Please please help me,” nagmamakaawang pagpapatuloy ni Ana sa chat.
Ang Keith na sinasabi sa chat ay diumano’y ang aktor at boyfriend ng aktres na si Kit Thompson.
Base sa report na inilabas ng ABS-CBN News, Habang humihingi ng tulong ang mga kaibigan ng aktres sa otoridad ay inalerto na rin ng hotel staff kung saan sila naka-check in ang Tagaytay Police para ipaalam ang nangyayari matapos nilang i-check ang nangyayaring komosyon sa hotel room ng magdyowa.
Breaking: Tagaytay PNP has confirmed that they have rescued actress Ana Jalandoni after receiving a call from a hotel in Tagaytay. Actor Kieth Thompson has been brought to the police station for questioning. Jalandoni is undergoing medical treatment for several injuries.
— Niko Baua (@Nikobaua) March 18, 2022
Agad namang na-rescue si Ana ng pulisya matapos matanggap ang tawag mula sa hotel.
Dinala na rin si Kit sa police station para tanungin ukol sa pangyayari.
Sa ngayon ay kasalukuyan nagpapagamot si Ana dahil sa dami ng sugat na natamo nito sa diumano’y pag-detain at pananakit sa kanya ng kasintahan.
Matatandaang noong Disyembre 2021 nang aminin ni Kit Thompson ang kanilang relasyon sa pamamagitan isang Instagram post na may caption na “Our first date”.
View this post on Instagram
Related Chika:
Kit Thompson may padyowa reveal, kinantiyawan ng mga kaibigan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.