Wish ng lola ni Bianca Umali tinupad nina Tito, Vic & Joey: 'Naiiyak ako kasi, tuwang-tuwa siya! Promise!' | Bandera

Wish ng lola ni Bianca Umali tinupad nina Tito, Vic & Joey: ‘Naiiyak ako kasi, tuwang-tuwa siya! Promise!’

Ervin Santiago |February 01,2023
facebook
share this

Wish ng lola ni Bianca Umali tinupad nina Tito, Vic & Joey: ‘Naiiyak ako kasi, tuwang-tuwa siya! Promise!’

Ervin Santiago - February 01, 2023 - 08:04 AM

Wish ng lola ni Bianca Umali tinupad nina Tito, Vic & Joey: 'Naiiyak ako kasi, tuwang-tuwa siya! Promise!'

Bianca Umali at Vicky Umali

NAGING emosyonal ang Kapuso at Sparkle actress na si Bianca Umali nang tuparin ng “Eat Bulaga” ang matagal nang wish ng kanyang pinakamamahal na lola.

Yes, sa wakas, wish grantes na ang matagal nang pinapangarap ni Lola Vicky Umali — yan ay ang makapanood nang live sa longest-running noontime show sa Pilipinas na ginaganap sa APT Studios.

Sa isang video na mapapanood sa YouTube channel ng “Eat Bulaga”, todo-todo ang pasasalamat niya sa produksyon at sa mga executives ng programa matapos ngang pagbigyan ang hiling ni Lola Vicky.

“Naiiyak ako kasi, tuwang tuwa siya. Promise! Eat Bulaga talaga ‘yung isa sa mga pinapanood niya, since day one ng Eat Bulaga nanonood siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bianca Umali (@bianxa)


“So, nakikita ko kung gaano siya kasaya at ka-excited kasi, nung sinabi ko pa lang nung isang araw na baka manonood siya ng Eat Bulaga nagre-ready na siya,” naluluhang pahayag ni Bianca na kabilang na rin ngayon sa mga Dabarkads.

Dagdag chika pa ng aktres, “Dapat daw maayos siya, nae-excite siya makita si Tito Sen, si Bossing Vic Sotto, at si Joey (de Leon). Sobrang happy, thank you Eat Bulaga! Salamat po talaga pinapanood n’yo po ang lola ko.”

Pagbabahagi pa ni Bianca, ang kanyang Mama Vicky na raw ang nag-alaga at sumuporta sa kanya mula nang pumanaw ang kanyang  parents na sina May Soler Umali at Jose Vicente Umali.

“Mama (Vicky), I love you and ang best mission ko sa buhay ay ‘yung pasayahin ka, ‘yun lang. Any moments like this, I’m happy that I make you happy.

“Pagkapasok lang ni Mama dito sa studio, actually, iyak na ako nang iyak, e.

“Kasi, emotional experience siya for me because alam ko kung gaano kalaking bagay for Mama to be here sa Eat Bulaga, kasi ever since talaga baka hindi pa ako buhay e Dabarkad na siya. Legit!” aniya pa.

At in fairness, talagang nabigyan din si Lola ng pagkakataon na makita up close and personal ang mga TV at movie icon na sina former Senate President Tito Sotto, Joey de Leon at Bossing Vic Sotto.

 

Ina ni Bianca Umali namatay sa breast cancer nu’ng 5 years old siya, inatake naman sa puso ang ama pagtuntong niya ng 10

Ruru Madrid, Bianca Umali nanibago sa pagsabak sa shooting bilang magka-loveteam; Lotlot, Monching ‘nagkabalikan’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vicky Morales nagbigay ng 3 tips para sa mga gustong maging broadcast journalist

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending