Driver ng SUV na sangkot sa kasong hit-and-run at nakasagasa ng sekyu sumuko na sa PNP | Bandera

Driver ng SUV na sangkot sa kasong hit-and-run at nakasagasa ng sekyu sumuko na sa PNP

Therese Arceo - June 15, 2022 - 07:04 PM

Driver ng SUV na sangkot sa kasong hit-and-run at nakasagasa ng sekyu sumuko na sa PNP
TULUYAN nang sumuko sa Philippine National Police (PNP) ang driver at owner ng compact sports utility vehicle (SUV) na sangkot sa hit-and-run incident ng security guard sa Mandaluyong City.

Nakilala ang driver at registered owner ng naturang SUV bilang si Jose Antonio Sanvicente.

Personal itong sumuko kay PNP officer-in-charge na si Lieutenant General Vicente Danao Jr. sa Camp Crame, kasama ang kanyang mga magulang at abogadong si Atty. Danilo Macalino.

Humingi naman ng tawad si Jose Antonio sa nangyaring insidente maging sa nasaktang nitong security guard na si Christian Joseph Floralde sa naganap na press conference kanina, June 15.

“Wala naman akong masasabi na hindi naman masasabi ng abugado ko kung hindi my apologies sa nangyari, my apologies kay Mr. Floralde at sa kanyang pamilya,” saad ni Jose Antonio.

Una nang humingi ng tawad ang kaniyang abogado sa ginawa ng driver ng SUV at nilinaw na ito ay anak at hindi ang amang si Joel Sanvicente, ang siyang may-ari ng sasakyang naka-hit-and-run sa security guard.

Sinabi rin ng abogado na handa ang pamilya na tumulong sa pamilya ng security guard.

“They are willing to extend help as legally possible sa kanila. That is not to condone the incident, but they are willing to help the victim and the family. Obligasyon naman nila ‘yan eh,” saad ng abogado.

Matatandaang noong Lunes ng hapon, June 6, nang mangyari ang hit-and-run incident kay Floralde nang sinusubukan nitong mag-direct ng traffic sa intersection ng Julia Vargas Avenue at St. Francis street sa Mandaluyong.

Una nang naglabas ng pahayag si Floralde at sinabing umaasa siyang susuko ang SUV driver at haharapi ang kaparusahan sa nagawa nito lalo na’t wala siyang balak na iatras ang kaso laban dito.

Nang tanungin naman kung bakit hindi inihinto ng driver ang sasakyan noong masasagasaan na nito ang security guard, dahil raw sa “panic” ang nangyari at hindi naman daw kinukunsinti ng pamilya ang nangyari.

“Siya mismo ang naga-apologize sa nangyari. Hindi niya gustong mangyari ‘yung aksidente. Nagkataon lang, natakot siya, nagpanic siya,” saad ni Atty. Macalino.

Pagpapatuloy niya, “Kami naman, ang sinabi ko sa pamilya, we do not condone the incident as reported on the viral media. Kailangan magpakita si Anton ng personal para mapahayag niya ang totoong nangyari.”

Wala rin daw pressure mula sa mga panawagan mula sa publiko na sumuko na siya.

“Hindi naman under pressure but I think the proper remedy is kailangan magpakita siya to diffuse the public perception na nagtatago siya at saka para ma-interview namin siya personally kung anong nangyari,” dagdag pa niya.

Pinabulaanan rin ni Jose Antonio ang mga alegasyon na gumagamit siya ng droga.

Nang tanungin kung handa ba itong sumailalim sa drug testing, sinabi niya na gagawin raw niya kung ano mang ang ia-advise sa kanya ng kanyang abogado.

“As of now, we are not prepared to give him an advice personally kasi ‘yung charge lang naman sa kanya ngayon is a traffic accident. Let’s make it as is na sabi niya na hindi siya gumagamit. Kung nagdududa pa kayo, then we will advise him accordingly,” saad ni Atty. Macalino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Stories:
Lisensiya ng nakasagasa ng sekyu kinansela na, kinasuhan na rin; Christian Floralde nagpapagaling sa safe house

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending