Lisensiya ng nakasagasa ng sekyu kinansela na, kinasuhan na rin; Christian Floralde nagpapagaling sa safe house Bandera

Lisensiya ng nakasagasa ng sekyu kinansela na, kinasuhan na rin; Christian Floralde nagpapagaling sa safe house

Ervin Santiago |June 14,2022
share this

Lisensiya ng nakasagasa ng sekyu kinansela na, kinasuhan na rin; Christian Floralde nagpapagaling sa safe house

Ervin Santiago June 14, 2022 - 11:23 AM

Kitang-kita sa video footage ang pagsagasa sa securty guard na si Christian Floralde

HANGGANG ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang aksidenteng naganap sa kanto ng Doña Julia Vargas Avenue at St. Francis Avenue, sa Mandaluyong City, noong June 5.

Halos lahat ng nakapanood sa viral video ng nasabing insidente ay galit na galit pa rin sa pagsagasa ng motoristang si Jose Antonio Sanvicente sa Raptor security guard na si Christian Floralde.

Mas lalo pang nagngingitngit sa sobrang galit ang mga netizens matapos dedmahin ni Sanvicente nang dalawang beses ang show-cause order na inilabas ng Land Transportation Office (LTO).

At dahil nga rito, kinansela na ng LTO ang driver’s license ni Sanvicente na isang businessman at sinasabing siyang nagmamaneho ng Toyota RAV4 SUV na may plate number na NCO 3781 na sumagasa kay Floralde.

Sa pagkansela ng kanyang lisensiya, hindi na siya kailanman makakakuha ng driver’s license at hindi na rin pwedeng mag-drive ng kahit anong sasakyan.

Bukod dito, sinampahan na rin siya ng mga kasong frustrated murder at abandonment ng Mandaluyong Police dahil sa pagtakas nito matapos mabangga si Floralde.

Ayon sa ulat, binalewala ng suspek ang imbitasyon sa kanya ng Intelligence and Investigation Division ng LTO noong June 7 at June 10 para sana maidepensa ang sarili at makapagpaliwanag tungkol sa insidente.

Base sa naglabasang report, tatlong beses na palang nasita ng traffic enforcer si Sanvicente dahil sa reckless driving — ito’y nangyari noong 2010, 2015 at 2016.

Samantala, ipinalabas sa Kapuso show na “Wish Ko Lang” ang kundisyon ngayon ni Floralde kasabay ng pagbibigay nila ng tulong sa guard.

Nasa isang safe house raw ngayon ang security guard at nagpapagaling sa mga tinamong sugat pero may mga idinadaing pa rin itong sumasakit sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ani Floralde, may nararamdaman siyang pananakit sa tiyan kapag gumagalaw na isa raw sa mga epekto ng pagsagasa sa kanya.

“Parang naiipit po yung bituka ko. May suspicious fracture rin pong nakita sa pinakadulo ng ribs, yung butong pinakamaliit sa may kanan.

“May follow-up check up po ako para makita kung may internal bleeding daw ako,” ani Floralde sa panayam ng “Wish Ko Lang.”

Roosevelt sa QC tatawagin nang FPJ Avenue, sey ni Susan Roces: Maraming salamat sa pagkilala sa aking kabiyak

Jake hindi na kinasuhan ng PNP; mga pulis na bumaril sa kanyang SUV lagot

Jake arestado matapos mabangga ang sasakyan ng mga pulis; delivery rider tinamaan ng ligaw na bala

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending