Geneva mas lalong humanga kay Sunshine mula nang maghiwalay sila ni Cesar: Nakakabilib! | Bandera

Geneva mas lalong humanga kay Sunshine mula nang maghiwalay sila ni Cesar: Nakakabilib!

Ervin Santiago |July 02,2021
facebook
share this

Geneva mas lalong humanga kay Sunshine mula nang maghiwalay sila ni Cesar: Nakakabilib!

Ervin Santiago - July 02, 2021 - 09:25 AM

“MAS lalo akong humanga sa kanya mula noong maghiwalay sila ng ex niya!” Yan ang diretsahang sinabi ni Geneva Cruz sa pinsan niyang si Sunshine Cruz bilang isang nanay.

Kung may isang pares ng magpinsan sa mundo ng showbiz na parang tunay na magkapatid ang turingan, yan ay walang iba kundi sina Geneva at Sunshine.

Kuwento ng dalawang aktres at singer, naging close sila sa isa’t isa dahil sa kanilang mga tatay na magkasama noon sa isang banda. 

“Sigurado ako na naging close kami kasi noong mga bata kami, palagi nang magkasama ‘yung Papa niya tsaka Papa ko dahil nga nasa banda. So na-expose kami sa isa’t isa. 

“And other than that, pareho kami ng generation. Kumbaga halos magkakaedad kami nina Donna at Sheryl (dalawa pa nilang pinsan). So somehow, when we grew up, we got to know each other better, parang nagkaroon ng vibration, ng energy,” ani Geneva nang mag-guest sila ni Sunshine sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay”.

Sey naman ni Shine, mas naging malapit pa sila ni Geneva noong magpakasal na sila ng ex-husband na si Cesar Montano. 

“Before, of course, lumalabas na, nagkikita-kita ‘yung mga relatives, lahat kami. Pero kung kailan ako nagkaroon noon ng asawa mas naging madalas si Gen sa bahay. Wala siyang asawa, so ako lagi ‘yung kasama niya. Siyempre, kapag nagtatrabaho noon ‘yung kasama ko, siya ‘yung kasama ko,” chika pa ni Sunshine.

Sa tanong kung ano ang mga hinahangaan nilang ugali ng isa’t isa, sabi ni Shine, “Well, as a mother, napakabuting magulang ni Geneva talaga. Nakikita ko siya kung papaano siya kay Heaven, now kay London, and bilang isang anak at kapatid, alam ko ring napaka-generous. 

“Minsan nga kunyari meron na lang siyang isang cheeseburger siguro, kahit gutom na gutom siya ibibigay niya pa ‘yan sa mahal niya sa buhay. Ganu’n si Geneva,” dagdag pa niya.

“Ay, naku! Hanga na ako diyan nu’ng sila pa ng ex niya kasi talagang very hands-on siya. Tsaka matapang ‘yan si Shine, naku! Hindi pwede ‘yung medyo umaarte-arte ‘yung anak, ‘di ba? Talagang pagsasabihan niya. 

“Pero mas lalo akong humanga noong naghiwalay sila (ni Cesar), kasi nakita ko ‘yung gusto niya na talagang maiangat ‘yung mga anak niya, ‘yung family niya. 

“Kahit nga hindi masyadong tumulong ‘yung asawa, kakayanin niya kahit siya lang. I mean, ‘di ba. Nakakabilib. Doon ako lalong rumespeto kay Shine,” pahayag naman ni Geneva patungkol sa kanyang pinsan.

Dugtong pa niyang papuri sa aktres, “Sabi ko nga, she’ll always be one of those people na talagang na-inspire ako na mas maging totoo sa sarili ko, to be more vocal as well as a woman. Because I was very quiet. I wasn’t shy, I was just quiet.

“I wouldn’t say a lot of… ‘yung mga opinions ko kumbaga tinatago ko lang. But minsan, okay pala na nagsasalita,” ani Geneva.

Hirit naman ni Shine, “At ngayon mas matapang na sa akin si Geneva at mas vocal online! At kapag merong mga bashers, ang galing sumagot, eh!” 

Ang tinutukoy ni Sunshine ay ang pagpatol ni Geneva sa mga bashers na nanglalait sa kanya, kabilang na riyan ang pagtawag sa kanya ng “pinakapangit sa mga magpipinsang Cruz”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Resbak ni Geneva sa basher, “Walang pangit na tao. Ugali mo lang ang pangit. Which makes you… pangit. You need a hug.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending