Ruffa sa ‘kakambal’ na kontrobersya: Kung hindi ka na pinag-uusapan magtaka ka na, ibig sabihin laos ka na
SANAY na sanay na ang aktres at dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez sa mga matitinding tsismis at kontrobersya.
Sey ni Ruffa, sa mahigit tatlong dekada niya sa mundo ng showbiz, natikman at naranasan na raw yata niya ang lahat ng klase ng intriga at kanegahan, kabilang na ang mga pang-ookray ng bashers sa social media.
“I’ve been in the industry for 36 years and all the major superstars around the world may mga bashers. Hindi na dapat natin sila iniintindi and hindi natin iniintindi yung mga naninira kasi you’ll never be able to change their minds.
“Some people love you, some people won’t like you. Some people always change their minds about you. Ang importante you just remain true to yourself,” katwiran ng aktres nang makachikahan ng ilang members ng showbiz press matapos pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency.
At tungkol nga sa pagiging maingay nga ng pamgalan niya ngayon, “Yung pagiging controversial, hindi naman yan ginagawa it just happens. It’s like luck. When Lady Luck is on your side, and marami kang success, kakambal yan ng controversy, hindi natin maiiwasan yan.
View this post on Instagram
“Kung hindi ka na pinaguusapan sa showbiz, doon ka na magtaka. Ibig sabihin laos ka na. So okay na rin yung pinaguusapan at tinitira. At least they still have time, and you’re still relevant for them,” diin pa niya.
Natanong din si Ruffa kung ano ang maipapayo niya sa mga bata at baguhang artista para magkaroon ng staying power sa showbiz.
“Be professional. Always be on time. Don’t ever burn bridges kasi umiikot lang naman tayo dito sa showbiz, eh. Maliit lang naman ang industriya. Yung mga taong makakasama mo 20 years ago, makakasama mo ulit sila.
“As a matter of fact, yung mga tao sa productions dati, mga big bosses na ngayon. Tayo-tayo lang naman magkakasama and I think that’s the big secret that the young ones should emulate,” sabi pa ni Ruffa.
Dagdag pa niyang advice, “You have to go with the flow and reinvent yourself. Be nice to people and huwag mong kalimutan yung mga tao na tumulong sa ’yo. Ang mga magagaling makisama are the ones who will stay the longest.
“We all know fame is fleeting. Hindi naman lahat ng oras nasa taas ka. May mga times na bumababa ka at umaakyat uli. So ganu’n naman talaga ang buhay. Minsan nasa baba at minsan nasa taas tayo,” chika pa ng aktres.
Samantala, nagsalita rin si Ruffa tungkol sa kanyang buhay-pag-ibig, “Ang mga love life naman, puwedeng tahimik yan. Hindi kailangan i-broadcast. Love life should just add spice to your life. It shouldn’t be the major priority.
“My God, para naman tayong teenagers! Nandiyan lang yan. Ang love life naman, when you’re at this age, kailangan makinig sa mga bagay-bagay na mas mahalaga para sa atin, like our family, our career, so we should be with a man that understands all that and can take the backseat when he has to, who support you when you need the support.
“Para sa akin, hindi naman kailangan tanungin na i-prioritize ang love life or i-prioritize ang career. Understood na lahat yan kasama na sa buhay natin.
“Ang pangit naman kung puro career na walang nagpapa-inspire sa ’yo, di ba? Ang importante, you know how to balance everything and live a well-balanced life,” lahad pa ng bagong talent ni Boss Vic del Rosario.
https://bandera.inquirer.net/308187/ruffa-umamin-na-sa-tunay-na-relasyon-nila-ni-herbert-1-sa-puso-ko
https://bandera.inquirer.net/299698/janella-sanay-na-sanay-humawak-ng-ahas-ipinakilala-ang-alagang-si-versace-meet-my-baby-girl
https://bandera.inquirer.net/282954/pokwang-itutuloy-ang-pantry-sisters-nakakaluwag-naman-kami-so-tulungan-lang-lahat-tayo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.