Rob Gomez trending, may relasyon nga ba kay Herlene Budol?

Rob Gomez trending sa social media, may relasyon nga ba kay Herlene Budol?

Therese Arceo |December 20,2023
facebook
share this

Rob Gomez trending sa social media, may relasyon nga ba kay Herlene Budol?

Therese Arceo - December 20, 2023 - 01:33 PM

Rob Gomez trending sa social media, may relasyon nga ba kay Herlene Budol?
USAP-USAPAN ngayon ang Kapuso actor na si Rob Gomez matapos itong mag-post sa sariling Instagram account ng mga screenshots ng usapan nila ng actress-beauty queen na si Herlene Budol.

Nagulat ang madlng pipol nitong Miyerkules, December 20, nang bumandera sa mismong IG account ng aktor ang diumano’y conversation nila ng kanyang leading lady sa “Magandang Dilag”.

Base sa screenshot ay tuwing gabi ay nagkakausap sina Herlene at Rob. May mga pagkakataon rin na nagkikita ang dalawa.

Bukod pa rito ay may usapan rin ang dalawa ukol sa “kain” at mababasang tila may nangyari sa pagitan nilang dalawa.

May isang screenshot rin kung saan makikitang sinabihan ni Rob si Herlene na huwag itong tumawag dahil papunta ito sa kaniyang anak na si Amelia.

Matatandaang noong Agosto 2023 lang nang magsalita ang dating beauty queen na si Shaila Rebortera ukol sa kanilang relasyon ng Kapuso actor matapos nitong sabihing single siya sa kanyang interview sa “Fast Talk with Boy Abunda”.

Baka Bet Mo: Rob Gomez feeling superhero dahil sa anak: ‘I’m unbreakable right now…when I have my daughter, I’ll be stronger!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ipinakilala rin niya sa publiko ang kanilang anak ni Rob.

Matapos ang kanyang pag-amin sa relasyon nila ay ang kanyang desisyon na lisanin ang poder ng Kapuso actor kasama ang kanilang anak kasabay ng pagpo-post nito ng mga larawan kung saan makikitang may mga sugat at pasa siya sa katawan.

Speaking of Shaila, makikita rin sa ipinost sa account ni Rob ang pag-PM ng huli kay Herlene kung saan tinatanong siya nito kung maaari ba silang magkausap.

Base sa screenshot ay makikitang nagpaalam pa ang “Magandang Dilag” lead star sa Kapuso actor kung rereplyan ba niya ito ngunit sinabihan siyang huwag.

Baka Bet Mo: Rob Gomez nag-sorry na kay Shaila Rebortera, gustong makapiling muli ang kanyang mag-ina: ‘I promise to keep my promises to you this time’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pero ang pinakanakakalokang rebelasyon ay ang larawan ng dalawang pregnancy test na parte ng post ni Rob na naka-tag kay Herlene Budol.

Bukod pa kay Herlene ay makikita rin ang pakikipagpalitan ng mensahe ng Kapuso actor sa isa pang aktres na si Pearl Gonzales.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Rob ukol sa isyung kasalukuyang kinasasangkutan.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ng mga taong involved sa mainit-init na chikang kumakalat ngayong araw.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending