Bianca Manalo napaiyak, nag-walkout sa taping ng 'Magandang Dilag' dahil sa mga uod | Bandera

Bianca Manalo napaiyak, nag-walkout sa taping ng ‘Magandang Dilag’ dahil sa mga uod

Ervin Santiago |November 12,2023
facebook
share this

Bianca Manalo napaiyak, nag-walkout sa taping ng ‘Magandang Dilag’ dahil sa mga uod

Ervin Santiago - November 12, 2023 - 07:20 AM

Bianca Manalo napaiyak, napa-walkout sa taping ng 'Magandang Dilag' dahil sa mga uod

Bianca Manalo

HALOS maiyak ang aktres at dating beauty queen na si Bianca Manalo habang nasa taping ng Kapuso afternoon series na “Magandang Dilag.”

Umabot pa ito sa pagwo-walkout ng dalaga dahil sa pagkabigla at matinding takot na naramdaman dahil sa isang eksenang ginawa niya para sa naturang GMA series na pinagbibidahan ni Herlene Budol.

Sa kanyang Instagram account nitong nagdaang Biyernes, November 10, kinumpirma ni Bianca na napa-walk out talaga siya habang nasa shooting.

Aniya, hindi raw kasi sinabi sa kanya ng production staff ng “Magandang Dilag” na totoong uod ang ginamit sa kanilang eksena.

“Takot ako talaga sa kahit anong creepy crawlies (uod). Hindi sinabi ng production na totoong worms yung mabubuksan namin ng Elite Squad,” simulang pagbabahagi ng aktres sa caption ng kanyang IG post.

“So totoo yung sigaw ko and napa walk out talaga ako ng scene kahit hindi pa cut sa takot,” dugtong pa niya.

Maraming netizens naman ang naka-relate kay Bianca na nagsabing grabe rin ang takot nila sa uod at iba pang gumagapang na insekto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bianca Manalo (@biancamanalo)


Sana raw ay ipinaalam ng production sa dalaga na totoong mga uod ang gagamitin sa eksena niya para nakapaghanda ito.

Baka Bet Mo: Herlene Budol umaming naging ’cause of delay’ sa taping ng ‘Magandang Dilag’: ‘Dahil po kasi yun sa transport strike sa Angono’

Pero sey naman ng ilang netizens mabuti na raw na hindi niya alam ang tungkol sa mga uod dahil naging natural ang reaksyon niya sa nasabing eksena.

Sa kuwento ng “Magandang Dilag”,  ginagampanan ni Bianca ang role ni Riley Tevez-Illusorio, isa sa mga kontrabida sa buhay ng karakter ni Herlene Budol sA naturang teleserye.

Actually, hindi ito ang unang beses na nagsisigaw sa takot si Bianca dahil noong ginagawa pa niya ang action serye ng ABS-CBN na “Ang Probinsyano” ay na-prank din siya ng kanyang co-stars na kunwari’y may itinapon sa kanyang mga insekto pero imaginary lang pala ito.

Talagang iyak nang iyak si Bianca sa prank na yun kaya naman sorry nang sorry ang kanyang mga katrabaho sa “Ang Probinsyano” na pinagbidahan ni Coco Martin.

Napapanood ang “Magandang Dilag” sa GMA Afternoon Prime kung saan kasama rin sa cast sina Benjamin Alves, Rob Gomez, Maxine Medina, Sandy Andolong, Chanda Romero at Adrian Alandy.

* * *

Patuloy pa rin ang pagpapasaya ng GMA Regional TV sa mga solid Kapuso from various regions across the country, thanks to the highly-talented and energetic artists na talaga namang game na game sa paghahatid ng good vibes.

Kitang-kita ang wagas na ngiti ng mga fans na naki-join sa masayang Kapuso Fiesta with GMA stars Gabby Concepcion, Anthony Rosaldo, Jessica Villarubin, Hannah Precillas, at Rocco Nacino sa Quirino Provincial Gymnasium, Cabarroguis, Quirino  last November 4.

Baka Bet Mo: Herlene Budol ibinuking ng 2 veteran stars, palaging umiiyak kapag sumasablay sa eksena pero marespeto sa mga katrabaho

Todo ang pagpapakilig nina Gabby, Anthony, at Rocco sa mga dumalo samantalang pinakita ng Queendom divas na sina Jessica at Hannah na talagang ready na sila sa concert nila this December 2 sa Newport Performing Arts Theater through their powerful performances.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl)


On the same day, naging mainit din ang pagtanggap ng mga Kapuso from Negros Occidental kina Shaira Diaz, EA Guzman, at Boobay na naki-join sa makulay na selebrasyon ng Pintaflores Festival through a Kapuso Fiesta.

Pinuno nila ng nakahahawang positive energy ang Centermall Grounds, San Carlos City, Negros Occidental kaya talaga namang all smiles ang lahat ng dumalo.

Busog na busog naman ang mga Batangeño sa all-out entertainment na dala ng Magandang Dilag stars na sina Herlene Budol at Rob Gomez para sa CuencaSaya Spectacular Night ng Tinapay Festival 2023.

Ginanap ito last November 7 sa Cuenca Municipal Grounds, Cuenca, Batangas City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapa-sana all na lang talaga ang mga hindi nakapunta dahil sa ‘di matatawarang saya na dala ng GMA para sa mga Kapuso from the regions. Pero ‘wag mag-alala dahil tuloy lang ang pag-iikot ng Kapuso stars sa buong bansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending