Rob Gomez inaayos ang ‘visitation rights’ para makita ang anak

Rob Gomez kinakarir ang pag-aayos ng ‘visitation rights’ para makita ang anak

Pauline del Rosario - June 17, 2024 - 03:49 PM

Rob Gomez kinakarir ang pag-aayos ng ‘visitation rights’ para makita ang anak

PHOTO: Instagram/@robgomez.23

NAKAKAGULAT ang naging sagot ng Kapuso actor na si Rob Gomez sa isang ambush interview matapos tanungin kung ano ang gagawin niya ngayong Father’s Day.

Ang tugon niya kasi, “Magsisindi ng kandila,” at sabay sabing joke lang ito.

Ngunit ipinaliwanag niya rin na matagal na niyang hindi nakikita at nakakasama ang anak nila ng dating beauty queen na si Shaila Rebortera.

Ang huli raw ay noon pang Disyembre.

At kasunod nga niyan ay ibinunyag ni Rob na may nilalakad siya ngayon sa korte para sa “visitation rights” sa anak.

Baka Bet Mo: Rob Gomez feeling superhero dahil sa anak: ‘I’m unbreakable right now…when I have my daughter, I’ll be stronger!’

“I would say this ‘no, I’m doing everything legally,” sey niya sa ilang entertainment media na ibinandera ng entertainment reporter na si MJ Marfori sa TikTok.

Sambit pa ng aktor, “So just everybody know, and so my daughter would see this hopefully one day –I’m doing everything I can.”

“All of my off days are spent on working on getting to see her,” aniya pa.

Nang tanungin siya kung anong legal matters ang sinasabi niya.

Diyan niya kinumpirma na ito raw ay ang kanyang “visitation rights” para makita na ang one-year-old daughter.

“Kasi we don’t have contact. Me and the mom, we have no contact at all,” pag-amin niya.

May humirit naman sa press kung bakit hindi nalang idaan sa third party ang pakikipag-usap sa kanyang ex-dyowa.

Ang sagot ni Rob, “‘Yun nga ho, walang may gustong mag-stay in the middle of us.”

Nang kamustahin naman siya patungkol sa proseso na kanyang idinulog sa korte.

Sinabi niya na ginagawa naman niya lahat, pero matagal lang talaga ang resulta.

“Mabagal. Sobrang bagal ho,” paglalarawan niya.

Esplika pa ng aktor, “Parang lahat sa kanila, okay lang ‘yung oras na nawawala. Pero sa akin, hindi ho. Ako lang ang nakakaramdam ng mabagal na oras.”

Dagdag niya, “As in lahat ng resources ko, lahat ng pwede kong mapagtanungan, mapaghingian ng tulong talaga [ginagawa ko na].”

Ayon sa kanya, marami ang nagsasabi sa kanya na maghintay dahil makikita rin niya ang kanyang anak one day.

Pero para kay Rob, nais na niya ito makapiling ngayon.

“It’s a long life, but I want her now,” giit niya.

Naikuwento rin ng Kapuso actor na inii-stalk niya minsan ang kanyang dating partner upang makita lamang ang kanilang anak.

“I stalk my ex pa din sometimes to look for her (anak) photos pag may napo-post,” lahad niya.

Chika pa niya, “She has bangs na actually,” sabay pakita ng kanyang phone at makikita nga na nakalagay ang picture ng anak niya sa kanyang wallpaper.

Proud pa niyang sabi sa media na nakapalibot sa kanya, “Look, [ang] cute! Bagong gupit daw siya, so ini-screenshot ko nalang.”

Kung matatandaan, August last year nang ibinandera ni Shaila sa Instagram na may anak sila ni Rob.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito ay matapos ang interview ng aktor sa programang “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan sinabi niyang “single” siya at kinabukasan ay lumantad ang dating beauty queen at inaming si Rob ang tatay ng kanyang anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending