Carlo Aquino dumulog na sa korte para mabigyan ng visitation rights sa anak nila ni Trina Candaza | Bandera

Carlo Aquino dumulog na sa korte para mabigyan ng visitation rights sa anak nila ni Trina Candaza

Reggee Bonoan |September 18,2023
facebook
share this

Carlo Aquino dumulog na sa korte para mabigyan ng visitation rights sa anak nila ni Trina Candaza

Reggee Bonoan - September 18, 2023 - 07:39 AM

Carlo Aquino dumulog na sa korte para mabigyan ng visitation rights sa anak nila ni Trina Candaza

Trina Canada, Carlo Aquino at Enola Mithi

“AKO tatay ako, hindi dapat ginugulo ang relasyon ng anak sa tatay niya o ng mag-ama o relasyon ng anak sa ina kasi relasyon ‘yun ng anak sa ama o anak sa ina.”

Ito ang bungad ni Ogie Diaz sa vlog nilang “Showbiz Update” kasama si Mama Loi at si Tita Jegs tungkol sa pagsasampa ng visitation rights ni Carlo Aquino para sa anak niyang si Enola Mithi sa vlogger-entrepreneur na si Trina Candaza.

Dagdag pa, “Kaya lang hindi natin alam kung ano ang rason ni Carlo, alangan namang husgahan natin siya.”

Usap-usapan kasi ang kumalat na larawan ni Carlo karga ang anak na nakitang nasa Quezon City Regional Trial Court nitong Biyernes at nabanggit nga nitong nag-file siya ng kaso sa ina ni Mithi.

Hiningan ni Ogie si Trina ng reaksyon tungkol dito pero nagsabi raw ito na wala siyang sasabihin, ang pahayag ni Ogie sa kanyang “Showbiz Update” vlog.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag)


“Tungkol sa ipinayl ni Carlo na visitation rights sa QC RTC sinabi ni Trina sa atin na ‘yung tungkol doon ay ayaw na muna niyang magsalita at pipiliin niyang manahimik alang-alang kay Mithi.  Nangangahulugan lang na nasa korte na nga ang kaso at bawal sa magkabilang panig ang magsalita,” pahayag ni Ogie.

Binalikan din ng kilalang talent manager-host at vlogger ang panayam niya kay Trina noong Enero, 2023 sa “Ogie Diaz Inspires.”

Ang katwiran ni Trina sa visitation rights ni Carlo sa anak nila, “Okay lang Mama Ogs kapag kukunin si Mithi gusto ko si Mithi lang sana. Mamili siya kung kanino niya i-spend ‘yung time niya kung sa daughter niya, or sa new girl niya o sa friends niya.

Baka Bet Mo: Carlo Aquino muling naka-bonding ang anak: Pagmamahal na habang buhay…

“Kasi I think Mithi doesn’t deserve na may kahati sa time since minsan na lang naman niya makasama ang daddy niya,” aniya.

Puwedeng kasama rin ni Carlo ang pamilya niya kapag kasama niya si Mithi dahil kadugo naman nila ang bata.

“At saka parang respect na lang din sa akin Mama Ogs na huwag munang ipakilala si Mithi sa mga panibagong partner niya kasi ayaw ko ring i-instill sa utak ng anak ko, sa values niya na okay lang magpapalit-palit ng partner.

“If ever dumating ‘yung panahong may pakakasalan na siya (Carlo), siguro ‘yun kailangan na naming magkita-kita hahayaan ko na silang mag-bonding kasi ‘yun na ‘yung tatayong pangalawang nanay ni Mithi,” paliwanag mabuti ng nanay ng anak ni Carlo.

Nabanggit pa na hindi ipinagdadamot ni Trina si Mithi sa daddy niya nagkataong hindi nakapupunta o natutupad ni Carlo ang araw ng pagbisita niya sa anak at kapag dadalaw sana raw ay kausapin siya, “Dahil ako ‘yung nanay.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Trina Candaza (@trinacandaza)


Huling sabi pa ni Trina na kung may gustong pag-usapan si Carlo tungkol sa co-parenting nila sa kanilang anak ay very open siya.

At dahil sa pagsasampa ni Carlo ng visitation rights ay ginawa niyang legal ang lahat ng pag-uusapan nila ni Trina tungkol sa anak.

Kaya ang hirit ni Mama Loi, “Malamang nga na talagang ayaw ipahiram ni Trina si Mithi kay Carlo para mailabas niya ng sarili niyang oras baka kung saan dalhin.”

Sagot ni Ogie, “Hindi tayo si Trina.  Anyway, nanay ‘yun Loi, so, kailangan intindihin natin at the end of the day dapat matuwa na rin si Carlo na alam niyang nasa mabuting kamay ang kanyang anak na hindi salbaheng ina si Trina. May mga napapanood tayo sa teleserye minamaltrato ‘yung anak dahil hindi masaktan ‘yung tatay.”

Punto de vista pa ni Ogie, “Siguro mag-usap silang dalawa na may kasama silang mediator, di ba? Hindi na kailangang ikorte. Karapatan din naman ni Carlo ‘yung visitation rights kasi bibisita ka.”

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ni Carlo o ng sinuman sa kampo niya.

Trina Candaza may bwelta kay Carlo Aquino tungkol sa sustento: Ang sakit lang sa pakiramdam dahil…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Carlo Aquino absent sa third bday celebration ng anak na si Mithi, anyare?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending