Trina Candaza pinatatamaan nga ba si Carlo Aquino sa mga cryptic posts? | Bandera

Trina Candaza pinatatamaan nga ba si Carlo Aquino sa mga cryptic posts?

Reggee Bonoan |September 16,2023
facebook
share this

Trina Candaza pinatatamaan nga ba si Carlo Aquino sa mga cryptic posts?

Reggee Bonoan - September 16, 2023 - 06:57 PM

Trina Candaza pinatatamaan nga ba si Carlo Aquino sa mga cryptic posts?

MAY kinalaman kaya ang cryptic posts ni Trina Candaza, dating partner ni Carlo Aquino, dahil nag-file ito ng visitation rights para sa kanilang anak na si Enola Mithi sa Quezon City Regional Trial Court kahapon, Biyernes.

Base sa kumalat na larawang karga-karga ni Carlo ang anak na si Mithi na inilabas ng Philstar.com ay nabanggit nga na naghain siya ng demanda laban sa dating partner para sa visitation rights nito.

Matatandaang maraming netizens ang kumuwestiyon kay Carlo sa hindi nito pagdalo sa 3rd birthday party ng anak kamakailan kahit imbitado siya ayon kay Ogie Diaz nang tanungin niya si Trina.

Nai-report ni Ogie sa YouTube channel nila ni Mama Loi kasama si Dyosa Pockoh na hindi nga dumating si Carlo at sinuman sa pamilya niya.

Going back to Carlo ay may nag-post na netizens na sa araw ng mismong party ni Mithi ay kasama niya ang karelasyong si Charlie Dizon.

Anyway, sa post ni Trina sa Instagram stories kahapon ay tila may ibig sabihin ito na inihalimbawa sa mga umorder sa kanya ng pabango.

Baka Bet Mo: Carlo Aquino absent sa third bday celebration ng anak na si Mithi, anyare?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nauna sa IG stories ni Trina ang video na sumasayaw si Mithi kasama ang kalaro at sinundan ng totally black background na nakasulat, ‘Patience.’

Sinundan ng, “You can be a kind person and still:

– say no.

– prioritize your needs.

– set boundaries.

– disagree with people.

– be honest.

– challenge poor behavior.

– walk away from toxic environments.

– make mistakes.

– stand up for yourself.

– protect your time and space.

Hango ang post ni Trina sa Tiktok account Helen Marie, isang registered integrative therapist mula UK.

Bukod dito ay may post din si Trina na waybills para sa 400 orders na natataranta kung paano ipapasok ang mga nasabing orders, ‘Ang kapal!’ sabay tag ng name ng binebentang pabango.

Anyway, sa pagkakatanda namin nu’ng huling panayam ng model-businesswoman kay Ogie ay anytime naman dawn a magsabi si Carlo na hihiramin niya ang anak nilang si Mithi ay bukas ang bahay niya at may mga oras na hindi natutupad ang araw na pinag-usapan dahil nga abala ito sa kanyang trabaho.

At nagsabi rin si Trina na 50-50 sila sa gastusin ni Carlo para sa anak.

Kaya nakagugulat kung bakit naghain si Carlo ng kaso para sa visitation rights niya? Hindi na ba niya nakukuha o nahihirap ang anak?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA para kina Carlo at Trina.

Related Chika:
#SecondChance: Carlo Aquino, Trina Candaza OK na uli ang relasyon, mauwi nga kaya sa pagbabalikan?

Trina Candaza may bwelta kay Carlo Aquino tungkol sa sustento: Ang sakit lang sa pakiramdam dahil…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending