#SecondChance: Carlo Aquino, Trina Candaza OK na uli ang relasyon, mauwi nga kaya sa pagbabalikan? | Bandera

#SecondChance: Carlo Aquino, Trina Candaza OK na uli ang relasyon, mauwi nga kaya sa pagbabalikan?

Ervin Santiago, Reggee Bonoan |September 15,2022
facebook
share this

#SecondChance: Carlo Aquino, Trina Candaza OK na uli ang relasyon, mauwi nga kaya sa pagbabalikan?

Ervin Santiago, Reggee Bonoan - September 15, 2022 - 07:30 AM

Trina Candaza, Carlo Aquino at Mithi Aquino

NANGANGAMOY balikan nga ba sa pagitan ng ex-couple na sina Trina Candaza at Carlo Aquino?

Yan ang tanong ngayon ng mga netizens matapos nilang makita sa social media ang mga bagong litrato ng dating magkarelasyon kung saan kasama nila ang anak na si Baby Mithi.

Kung matatandaan, noong January, 2022 nang umalis sa bahay ni Carlo si Trina kasama si Baby Mithi. At mula noon nanirahan na ang mag-ina sa condo unit ni Trina.

Isiniwalat din ni Trina noong nagdaang Hulyo na ang isa sa mga rason ng paghihiwalay nila ni Carlo ay dahil sa commitment nito sa binuo nilang pamilya.

Mukhang hindi raw kasi naniniwala si Carlo sa konsepto ng kasal kaya mas pinili na lamang ni Trina na humiwalay sa aktor at maging single mom.

Pero kamakailan nga lamang, ibinahagi ni Trina ang litrato nila ni Carlo with Baby Mithi na kuha sa 2nd birthday party ng bagets. At dahil nga rito, marami ang nag-akalang nagkabalikan na ang dalawa.

Sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog na may titulong “Q&A Life Update”, nagpaliwanag si Trina tungkol sa parenting agreement nila ni Carlo at sinabing maayos na ang “relasyon” nila ngayon ng aktor.

“Nagtanong kasi ako sa Facebook page ko at halos lahat ng comments ay ito talaga ang tanong, so, sabi ko kailangan ko talagang sagutin ‘to.

“Yung status namin ngayon, we’re okay, nag-uusap kami. Actually, ngayon-ngayon lang kami naging okay.

“Talagang nagkakausap kami. But of course, para kay Mithi, okay naman kami. Nagbi-visit siya dito sa condo pag wala siyang work and lakad. Stay siya dito for a few hours.

“Nagmo-mall din kami together, kaming family. So ayun, parang kakain lang. Dinadala si Mithi sa Kidzoona. Video call if busy siya, nasa work or nasa ibang country,” ang pahayag ni Trina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Trina Candaza (@trinacandaza)


Kasunod nito, nabanggit nga niya na ayaw niyang magsalita nang tapos tungkol sa posibilidad na magkabalikan sila ng tatay ng kanyang anak.

“Ang hirap magsabi ng oo o hindi o wala kasi di mo naman alam kung ano yung mga mangyayari.

“Ang hirap din i-process nung mga nangyayari pa ngayon. Natatanggap na, pero prino-process pa at nag-a-adjust pa.

“So, di ko alam, e. Pero siyempre, di naman iko-close yung doors kasi meron kaming anak,” katwiran ni Trina.

At kung hindi man sila mabigyan ng second chance ng aktor, “But I think masaya naman na siya ngayon. So, okay na rin siguro na ganito. At least happy and okay kami.”

Sa panayam namin kay Carlo ilang buwan na ang nakararaan, sinabi niya sa amin na bahala na ang tadhana sa magiging kapalaran ng relasyon nila ni Trina.

Aniya pa, mananatiling bahagi ng kanyang buhay si Trina, kahit ano pa ang mangyari, “Always, always hindi naman nawawala kasi nanay siya ng anak ko.”

https://bandera.inquirer.net/305047/carlo-trina-maayos-ang-usapan-sa-pagpapalaki-pag-aalaga-kay-baby-mithi-kahit-hiwalay-na-raw

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/309459/carlo-aquino-muling-naka-bonding-ang-anak-pagmamahal-na-habang-buhay
https://bandera.inquirer.net/318177/trina-candaza-ayaw-burahin-ang-pictures-ni-carlo-aquino-magkabalikan-pa-kaya
https://bandera.inquirer.net/323577/carlo-aquino-trina-candaza-magkasamang-nag-celebrate-ng-birthday-ni-mithi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending