Carlo Aquino absent sa third bday celebration ng anak na si Mithi, anyare? | Bandera

Carlo Aquino absent sa third bday celebration ng anak na si Mithi, anyare?

Therese Arceo |September 12,2023
facebook
share this

Carlo Aquino absent sa third bday celebration ng anak na si Mithi, anyare?

Therese Arceo - September 12, 2023 - 09:15 PM

Carlo Aquino absent sa third bday celebration ng anak na si Mithi, anyare?
MISSING in action ang aktor na si Carlo Aquino sa nagdaang third birthday party mg kanyang anak kay Trina Candaza na si Enola Mithi.

Sa latest upload ni Ogie Diaz na “Showbiz Update” ay ibinahagi niya ang kanyang pagdalo sa unicorn-themed birthday party ni Mithi.

Agad namang natanong ni Mama Loi, “‘Nay, I’m sure lahat nag-aabang kung dadating ba si Carlo Aquino, dumating ba?”

Sey ni Ogie, “Wala… Ininvite, tinext niya in fairness.”

Ayon kay Trina, sinabi naman daw sa kanya ni Carlo na susubukan raw nitong humabol sa party ng anak.

Nagtaka naman si Tita Jegs kung bakit hahabol lang ang aktor gayong birthday ito ng kanyang anak.

“Baka naman kasi hindi nagkatugma ng schedule. Kunyari meron siyang trabaho tapos nasabay dun sa birthday ni Mithi,” depensa naman ni Ogie kay Carlo.

Sa kasamaang palad ay hindi umabot ang aktor sa birthday party ng anak.

Baka Bet Mo: Carlo Aquino binansagang ‘walking red flag’ ng isang netizen, mas malala raw kay Gerald Anderson?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Inusisa naman ni Mama Loi kung may naging representative ba si Carlo sa birthday ni Mithi gaya ng miyembro ng kanyang pamilya.

“Wala ‘yung family pero tinanong ko si Trina kung inimbita ba niya ‘yung family, yes daw inimbita niya. Ang point ni Trina, para sa bata, hindi para sa akin. Ayun nga, bago ako umalis, eh siyempre tinignan ko muna kung darating, hindi naman dumating,” lahad pa ni Ogie.

Gayumpanan ay nangako naman daw si Carlo na babawi siya sa kanilang anak.

“Sabi naman ni Trina, eh nangako naman daw si Carlo na sa ibang araw or pupuntahan na lamang ni Carlo si Mithi,” chika pa ni Ogie.

Ilan sa mga celebrities na um-attend sa birthday party ni Mithi ay sina JC Santos at Melissa Ricks.

Medyo nalungkot naman si Mama Loi na wala si Carlo sa birthday ng anak dahil naalala nito noon na sa nang mag-shoot sila ng endorsement kasama si Trina ay sa tuwing tatawag ito kay Mithi ay hinahanap nito ang kanyang ama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
#SecondChance: Carlo Aquino, Trina Candaza OK na uli ang relasyon, mauwi nga kaya sa pagbabalikan?

Carlo, Trina maayos ang usapan sa pagpapalaki, pag-aalaga kay Baby Mithi kahit hiwalay na raw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending