Carlo, Trina maayos ang usapan sa pagpapalaki, pag-aalaga kay Baby Mithi kahit hiwalay na raw | Bandera

Carlo, Trina maayos ang usapan sa pagpapalaki, pag-aalaga kay Baby Mithi kahit hiwalay na raw

Reggee Bonoan |February 07,2022
facebook
share this

Carlo, Trina maayos ang usapan sa pagpapalaki, pag-aalaga kay Baby Mithi kahit hiwalay na raw

Reggee Bonoan - February 07, 2022 - 05:07 PM

Trina Candaza, Carlo Aquino at Baby Mithi

MAAYOS naman pala ang co-parenting agreement nina Carlo Aquino at Trina Candaza para sa kanilang anak na si Mithi.

Base sa latest vlog ni Trina na in-upload sa kanyang YouTube channel ay maaga silang nagising nang kunan ang nasabing video dahil darating si Carlo.

“Good morning, susunduin si Mithi ng daddy niya, hihiramin muna siya,” ang sabi ni Trina sa simulang bahagi ng vlog.

Habang hinihintay si Carlo ay inihanda naman ni Trina ang breakfast ng anak (cereals) at pagkatapos ay inilabas ang ilang book for animals at tinuruan ng sounds ang bata.

Maya-maya ay ibinaba na ni Trina si Mithi dahil nasa lobby na raw si Carlo at hinihintay ang anak, “Her dad is waiting at the lobby na.”

Ibabalik naman daw  si Mithi ng late in the afternoon or early evening kaya habang wala ang anak ay magsu-shoot muna si Trina para naman sa trabaho niya.

Walang kumpirmasyon mula kina Carlo at Trina na hiwalay na sila pero sa ipinakitang set-up na hinihiram ng aktor ang anak para sa bonding moments nilang mag-ama ay mukhang break na nga sila o hiwalay muna sila habang nagpapalamig muna sila sa isa’t isa.

View this post on Instagram

A post shared by Trina Candaza (@trinacandaza)


Komento ng netizen na si @Noorliza Abantas, “You don’t need a man to complete you Trina, Mithi is all you need with God’s guidance you can surpass anything and you really have a beautiful daughter, you can do this!

I may not know you personally, I can tell you are a strong woman, always remember this too shall pass. Surround yourself with good & honest people. I wish you all the best and for Mithi too. We are behind you. We will keep supporting you.”

Say din ng isa pang subscriber ni Trina na si @precious anota, “Done watching, mommy Trina. Thank you for sharing videos of mithi and how you handle your new life with her. As a carlo’s fan, I am happy to see that you and carlo are doing your best to be great parents for Mithi.

“We are hoping to see you, him and Mithi in one picture or video again. Godbless. We all love you, Mithi and Carlo. #Peace #PositiveMind.”

May komento naman si @Margie Cristal, “Sinayang ni Carlo ang isang wife material na katulad mo.sana magkabalikan padin kayo godbless sa inyong dalawa ng baby mo.”

Payo naman ni @Nina Orbita, “Medyo na sad ako sa last part feeling ko pareho clang malungkot… Sana maayos pa ninyo para kay Mithi.. God bless po.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Halos lahat ng nabasa namin ay pinupuri si Trina dahil hindi na raw siya mahiyain ngayon at gusto nila ang mga content sa YouTube channel niya.

Carlo Aquino, Trina Candaza hiwalay na nga ba?

Trina Candaza kinarma raw dahil sa ginawa kay Angelica: Nanahimik ako para kay Carlo, pero wala akong inagaw

Trina Candaza iniwan na ang bahay nila ni Carlo, lumipat sa condo kasama ang anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending