Anak ni Carlo nakatanggap ng death threat: Magkano sinasahod n'yo para gawin 'to? | Bandera

Anak ni Carlo nakatanggap ng death threat: Magkano sinasahod n’yo para gawin ‘to?

Ervin Santiago |April 12,2021
facebook
share this

Anak ni Carlo nakatanggap ng death threat: Magkano sinasahod n’yo para gawin ‘to?

Ervin Santiago - April 12, 2021 - 01:11 PM

“PAANO kayo pinalaki ng mga magulang ninyo?” Yan ang bwelta ng Kapamilya actor na si Carlo Aquino matapos pagbantaan sa social media ang buhay ng kanyang anak na si Enola Mithi.

Galit na galit na si Carlo at ang asawang si Trina Candaza nang mabatid na may netizen na nag nagpadala ng death threat sa kanilang panganay.

Ipinost ni Carlo sa kanyang Instagram Story ang screenshots ng mga comment mula sa basher na nagbabanta nga sa buhay ng pitong-buwang gulang na si Baby Enola.

Ayon sa walang awa at balasubas na netizen, “Ansarap mo namang patayin bata ka, mukha kang tutang ina.” Dagdag pang pananakot nito, gagawin daw niyang punching bag ang sanggol para mawala na ang mukha nito.

Resbak naman ni Carlo, “Full-grown adults who makes fake accounts to do this. Ano na ang nangyayari sa mundong ito?

“Papaano kayo pinalaki ng mga magulang ninyo? Magkano sinasahod n’yo para gawin ito? Worth it ba?” aniya pa.

Ipinost din ito ng nanay ni Baby Enola sa kanyang IG account at hinamon ang mga walanghiya at duwag na bashers na magpakilala at huwag magtago sa fake accounts.

“Nakakagalit. Mga ganitong klase ng basher, mga salot kayo. Puro kayo fake account, pero takot na takot ipakita mga pagmumukha ninyo,” sabi ng misis ni Carlo.

Hinikayat naman ng kanilang followers ang mag-asawa na magsampa ng kaso at humingi mg tulong sa National Bureau of Investigation para maturuan ng leksyon at makulong ang nagbanta sa buhay ng kanilang baby.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending