Trina Candaza may bwelta kay Carlo Aquino tungkol sa sustento: Ang sakit lang sa pakiramdam dahil... | Bandera

Trina Candaza may bwelta kay Carlo Aquino tungkol sa sustento: Ang sakit lang sa pakiramdam dahil…

Reggee Bonoan |January 15,2023
facebook
share this

Trina Candaza may bwelta kay Carlo Aquino tungkol sa sustento: Ang sakit lang sa pakiramdam dahil…

Reggee Bonoan - January 15, 2023 - 07:29 PM

Trina Candaza may bwelta kay Carlo Aquino tungkol sa sustento: Ang sakit lang sa pakiramdam dahil...

Trina Candaza at Carlo Aquino

“I FEEL offended!” bungad ni Trina sa panayam niya kay Ogie Diaz sa YouTube channel nito na in-upload kagabi.

Ang tinutukoy ni Trina na napahiya siya ay, “’Yung headline po na hindi ko raw pinapahiram si Mithi at siya ang bumubuhay sa aming dalawa.  That’s not true Mama Ogs.”

Tinabla ni Trina, ex-partner ni Carlo Aquino ang pahayag nito sa nakaraan niyang presscon na matagal na niyang hindi nakikita ang anak na si Enola Mithi gayung nagpo-provide naman siya sa mag-ina.

Hindi ito puwedeng itanggi ng aktor dahil naka-quote siya na nagpo-provide naman siya tapos ayaw ipakita ang anak nila simula pa noong Nobyembre, 2022.

Dahil dito ay nag-react ang netizens dahil bakit itinatago ni Trina ang anak nila ni Carlo gayung siya ang ama.

Nasulat namin dito sa BANDERA noong Enero 9 at may nagpayong ng netizen sa aktor na dumulog sa korte para magkaroon sila ng pag-uusap ni Trina at mahirap si Mithi.

Inamin ni Trina na maraming humihingi sa kanya ng reaksyon tungkol sa pahayag na ito ni Carlo pero sa kilalang talent manager-content creator lang siya pumayag ng one-on-one interview bagay na ipinagpasalamat naman ng huli.

Sa pagpapatuloy ni Trina tungkol sa sinabing nagpo-provide si Carlo sa kanila ng anak na si Mithi.

“Kasi I also pay half of our expenses, so para sa akin dalawa kaming nagpo-provide.  Puwede naman niyang sabihing nagsusustento siya kay Mithi kasi totoo ‘yun.

“Pero para sabihing dalawa kaming binubuhay niya (sabay pakita sa video ng quote interview ni Carlo) ay nakaka-offend sa part ko mama Ogs kasi nagtatrabaho rin ako.

“Naghahanap ako ng ways ng income para ma-provide do’n sa kulang na ibinibigay niyang sustento. And for me Mama Ogs in general na napansin ko kapag ang lalaki nagbigay ng sustento for a month mabuting tatay na sila (basag na ang boses).

“Pero kapag sa mga single moms, nagtatrabaho kami inaalagaan namin ‘yung anak namin (sabay punas ng luha sa mata) kapag maysakit ‘yung bata, kami (single mom) pero once na may mali kaming nagawa masamang ina kami?

“Kay Carlo kasi ‘yung sustento niya, he can earn it in a day, pero ako ‘yung pino-provide ko na half ilang trabaho ‘yung katapat para ma-provide ko ‘yung one month,” emosyonal na paliwanag ng ina ng anak ni Carlo.

Sabi pa, “Ang sakit lang sa pakiramdam kasi ako ‘yung nag-aalaga, ako ‘yung nandiyan, nagpupuyat, ako ‘yung nagha-handle ng tantrums nagdidisplina sa anak ko yet kailangan ko ring mag-provide. I feel offended kasi I work hard din to provide.”

Sa madaling salita mas malaking di hamak ang kinikita ng aktor kumpara kay Trina na kayod to the max para sa karagdagang gastusin nila ni Mithi. Hindi naman nakatunganga lang sa bahay nila ang ex-partner ni Carlo at naghihintay sa sustento niya.

Kaya unfair nga namang sabihing siya lang ang bumubuhay kina Trina at Mithi.

“Ang convenient palang maging lalaki,” na-realize ni Trina.

In fairness ay hindi naman pumapalya sa pagpapadala ng sustento si Carlo para sa anak nilang si Mithi.

“Nagbibigay po siya ng sustento, minsan pinupuntahan niya si Mithi o pinapasundo niya. Nagagampanan naman niya pero he will only give the bare minimum. He will not extend efforts,” pagtatapat ni Trina.

Kaya natanong ni Ogie kung ilang beses nakikita ni Carlo si Mithi simula nu’ng naghiwalay sila ng December 2021.

“Hindi ko mabilang mama Ogs kasi before sinusubukan naming mag-adjust ni Mithi, breastfeeding kasi sa akin si Mithi noon. Hinihiram niya (Carlo) ng three to four days si Mithi at pumapayag ako kahit alam kong hahanapin ako ng bata sa gabi.

“Then binawasan ko kasi nakakaawa naman kasi bakit ‘yung bata ang kailangang mag-adjust hanggang sa nagbigay na ako ng terms and rules ko kapag kinukuha sa akin si Mithi.

At ang rules, “Ang sa akin lang mama Ogs kapag kukunin si Mithi, gusto ko si Mithi lang sana. Mamili siya kung kanino niya spend ‘yung time niya, sa daughter niya, sa magulang niya or sa friends niya.  Kasi I think Mithi doesn’t deserved na may kahati sa time since minsan na lang naman niya makasama ang daddy niya.”

Say ni Ogie, “So, ‘yun ang gusto mon a kapag kukunin (Carlo) si Mithi, kayo lang dapat ni Mithi or pamilya (magulang at mga kapatid) niya.”

Sinang-ayunan ito ni Trina at sabay sabing, “Respect na rin din sa akin mama Ogs na huwag munang ipakilala si Mithi sa panibagong mga partner niya kasi ayoko ring i-instill sa anak ko, sa values niya na okay lang magpapalit-palit ng partner.

“Kaya para sa akin na if ever man dumating ‘yung panahon na may pakakasalan na siya (Carlo), siguro ‘yun kailangan na naming magkita-kita, hahayaan ko na silang magbonding kasi ‘yun na ‘yung tatayong pangalawang nanay ni Mithi,” aniya.

Tinanong ni Ogie na aware naman siguro si Trina sa sinabi ni Carlo sa huling panayam niya kamakailan at ano ang gusto nitong linawin.

“Gusto ko na lang sabihin is kung gusto niyang makipag-usap sa akin privately and i-address ‘yung mga issues namin as co-parenting, I am open,” pahayag ni Trina.

Isa pang ipinagdiinan ng mama ni Mithi ay hindi niya ipinagdadamot ang anak nila ni Carlo, “It’s just that hindi siya pumupunta.”

Paliwanag naman ni Ogie sa mga sinabi ni Carlo na kung iaanalisa ay nag-e-effort siyang makita ang anak pero hinihigpitan ni Trina.

“Hindi naman kasi siya mama Ogs nag-ask kung puwede siyang dumalaw sa condo. May time pa nga na sinasabihan ko siya na wala ako sa condo puntahan mo si Mithi. Pumupunta siya kapag gusto niyang mag-visit.

“Ngayon hindi na, puwede naman siyang pumunta sa condo, pati parents niya puwedeng pumunta pero kausapin nila ako kasi ako ‘yung nanay,” say ni Trina.

Inaming hinahanap-hanap naman daw ni Mithi ang ama dahil panay ang banggit nito ng “daddy, daddy.” Kinukurot ang puso ni Trina kapag naririnig niyang binabanggit ng anak ang terminong “daddy” lalo’t kapag may nakikita rin siyang bata na kasama ang tatay nila.

Nang magkakilala sina Carlo at Trina sa isang events na may kinalaman sa trabaho ng huli ay kaagad silang nagkamabutihan na.

“Ang akin naman kasi mama Ogs wala namang problema kung i-public ako o hindi as long as alam ng friends mo, family mo at workmates mo, iyon ang importante kasi hindi rin naman din ako artista mama Ogs na kailangang (ibandera sa publiko),” katwiran ni Trina.

Umaming noong sinagot na niya si Carlo ay doon na sila nagsama sa iisang bahay, “oo medyo mabilis ‘yung pangyayari,” natawang sabi ni Trina.

Dagdag pa, “That was 2019 in love naman kami sa pagkakaalam ko in love kami pero may mga problema na rin naman noon pero okay kami.  Pero mas iba pala kapag nagkaroon na kayo ng anak.  Mas kikilalanin ninyo pa ‘yung isa’t isa.”

Masayang ikinuwento ring sobrang hands-on dad si Carlo nang lumabas sa mundo si Mithi dahil pinapalitan nito ng diaper ang anak, pinapaliguan, nilalaro.

“Pero mostly kasi nasa lock-in taping siya di ba kasi nga pandemic, so, nawawala siya noon almost a month tapos babalik siya ng one month din, tapos aalis na naman,” alaalang kuwento ni Trina.

Marami pang rebelasyon si Trina tungkol kay Carlo at ibabahagi namin ito sa susunod naming panulat.

Carlo, Trina maayos ang usapan sa pagpapalaki, pag-aalaga kay Baby Mithi kahit hiwalay na raw

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Trina Candaza ayaw burahin ang pictures ni Carlo Aquino, magkabalikan pa kaya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending