Trina Candaza ayaw burahin ang pictures ni Carlo Aquino, magkabalikan pa kaya? | Bandera

Trina Candaza ayaw burahin ang pictures ni Carlo Aquino, magkabalikan pa kaya?

Reggee Bonoan |July 09,2022
facebook
share this

Trina Candaza ayaw burahin ang pictures ni Carlo Aquino, magkabalikan pa kaya?

Reggee Bonoan - July 09, 2022 - 02:26 PM

Trina Candaza ayaw burahin ang pictures ni Carlo Aquino, magkabalikan pa kaya?

MUKHANG may chance pa ang ex-couple na sina Carlo Aquino at Trina Candaza dahil sa malamang sabi ng huli na, “Para paglaki ni Mithi may babalikan siyang memories namin ng papa niya.”

Ito kasi ang tanong ng netizens kay Trina na ina ni Mithi kung bakit hindi pa nito tinatanggal ang mga larawan ng aktor sa Instagram niya.

Matatandaang noong nakaraang taon pa naghiwalay sina Carlo at Trina at walang ibinigay na dahilan ang dalawa pero base sa vlog ng huli ay okay sila ng tatay ng anak niya dahil nasusundo’t hatid ng una ang bagets kapag araw ng bonding nila.

Ito rin naman ang sabi ni Carlo sa huli naming panayam sa kanya sa How To Move On in 30 Days mediacon na okay sila ni Trina bilang co-parenting sa anak nila.

Inamin din ng aktor na hindi nawawala ang pagmamahal niya kay Trina, “always, always hindi ‘yun mawawala, nanay siya ng anak ko.”

Kaya hiniritan namin si Carlo noon n asana ‘sila na ulit’ pero nginitian lang kami.

Inisip namin nab aka someday sila ulit lalo’t pareho pa rin silang single as of this writing.

Ideal father para sa amin siu Carlo dahil kapag wala siyang trabaho ay kasama niya si Mithi na ito rin naman ang kuwento niya rati.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Trina Candaza (@trinacandaza)

Makikita rin sa mga IG post ni Carlo kasama ang anak na ramdam namin ang matindinng pagmamahal niya sa anak tulad ng mga caption niyang, “Yesterday wasn’t about me..” habang nagki-kiss sila.

At nitong huli ay karga ni Carlo ang anak na tila nasa isang mall sila na ang caption ay, “Thankful that you’re mine.”

Sabi nga ng binatang ama ng tanungin kung kumusta siya bilang ama, “Masarap, ang sarap na makita ‘yung semilya mo (sabay tawa). Ang sarap kasi may ibang pagmamahal na hindi ko pa alam. Ang sarap lang na ‘yung pinagta-trabuhan mo ay hindi lang para sa ‘yo, para sa anak mo saka sarap amuyin minsan natutulog sa sa akin kahit awkward ‘yung posisyon mo hindi ka gagalaw basta ‘wag lang magising ang anak mo.”

At ganito rin naman ang ginagawa ni Trina kapag silang mag-ina naman ang magkasama na more on outdoor ang bonding moments nila dahil mahilig silang mag out of town, swimming, kumain sa labas at kapag sa bahay naman ay nanonood sila ng paboritong movie ni Mithi.

Maraming supporters sina Carlo at Trina n asana sila pa rin sa huli.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Carlo Aquino muling naka-bonding ang anak: Pagmamahal na habang buhay…

Trina Candaza nakiusap sa netizens: Wag n’yo na po akong i-tag

Carlo, Trina maayos ang usapan sa pagpapalaki, pag-aalaga kay Baby Mithi kahit hiwalay na raw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending