Trina Candaza nakiusap sa netizens: Wag n'yo na po akong i-tag | Bandera

Trina Candaza nakiusap sa netizens: Wag n’yo na po akong i-tag

Therese Arceo |February 24,2022
facebook
share this

Trina Candaza nakiusap sa netizens: Wag n’yo na po akong i-tag

Therese Arceo - February 24, 2022 - 07:03 PM

Trina Candaza nakiusap sa netizens: Wag n'yo na po akong i-tag

HANGGANG ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon kung ano nga ba ang estado ng relasyon nina Carlo Aquino at Trina Candaza.

Ngunit sa kabila ng pananahimik ukol sa kanilang relasyon ay mukhang unti-unti na ngang nagiging malinaw sa mga netizens kung ano nga ba talaga ang real score sa pagitan ng dalawa.

Sa mga nagdaang araw kasi ay maingay ang pangalan ni Trina Candaza dahil tila may mga hugot ang mga ganap nito sa social media.

Unang pumutok ang balita na mukhang may pinagdaraanan ang kanilang relasyon nang mag-post siya ukol sa partner na may “dinadalaw na ibang babae”.

Nagsanga-sanga na nga ang chika hanggang sa madamay na rin ang ex-dyowa ni Carlo na si Angelica Panganiban.

May ilang netizens pa nga ang nagsasabing na “karma” daw ito ni Trina dahil diumano’y siya raw ang rason bakit hindi daw natuloy ang almost relationship nina Angge at Carlo matapos ang kanilang pelikulang “Exes Baggage”.

Pinalagan naman ito ng mommy vlogger at sinabing wala siyang inagaw at nanatili lamang siyang tahimik para na rin sa kapakanan ng ama ng kanyang anak na si Mithi.

Naging usap-usapan rin ang paglipat ng tirahan ni Trina at tanging si Mithi lamang ang kasama base sa vlog na kanyang ipinalabas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag)

Bukod pa rito, pinag-usapan rin ang sinabi niya sa kanyang Instagram story patungkol sa ina na napupuyat sa pag-aalaga sa kanyang anak habang mahimbing na natutulog ang asawa at may “ibang babaeng iniisip”.

Kaya naman pakiwari ng mga netizens ay tila hiwalay na talaga ang dalawa at mukhang walang chance sa ngayon na muling magkabalikan.

Mas lalong lumakas ang pakiramdam ng madlang pipol nang mag-reply si Trina sa isang comment ng netizen sa post ni Carlo kung saan naka-tag siya.

Ang nasabing post ay ang litrato ni Carlo Aquino kasama ang kanyang motorcycle.

“Sana si Ms. Trina Candaza pa rin idol,” comment ng FB user.

Reply naman ni Trina, “wag n’yo na po ako i-tag para mabilis makausad.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

So does this mean na nasa moving on stage na ang ina ni Mithi at talagang nag-split na sila ni Carlo?

Bukas naman ang Bandera sakaling naisin ni Trina o ni Carlo na linawin kung kumusta na nga ba ang kanilang samahan.

Related Chika:
Trina Candaza kinarma raw dahil sa ginawa kay Angelica: Nanahimik ako para kay Carlo, pero wala akong inagaw
Trina Candaza iniwan na ang bahay nila ni Carlo, lumipat sa condo kasama ang anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending