Trina Candaza iniwan na ang bahay nila ni Carlo, lumipat sa condo kasama ang anak | Bandera

Trina Candaza iniwan na ang bahay nila ni Carlo, lumipat sa condo kasama ang anak

Reggee Bonoan - January 30, 2022 - 02:24 PM

Carlo Aquino at Trina Candaza

MUKHANG totoo nga ang tsikang naghiwalay na nang tuluyan ang live-in partners na sina Carlo Aquino at Trina Candaza.

Nilisan na kasi ni Trina ang tahanan kung saan sila nagsama ni Carlo nang mahigit dalawang taon, kasama ang anak nilang si Baby Mithi Enola na isang taon at apat na buwan na ngayon.

Sa bagong vlog ni Trina sa kanyang YouTube channel ay ipinakita nito ang condo unit na bagong tirahan nilang mag-ina na karamihan sa mga gamit ay siya talaga ang bumili.

“Hi everyone, obviously we moved to a new home, dito ko pinili kasi if ever na mag face to face at least malapit na ako sa school and mabilis akong makauwi kay Mithi (sabay pakita na natutulog sa kandungan niya).

“Hindi ako nakapag-vlog lately dahil sobrang daming ginawa at ang daming nagsabi na magpataba raw ako at tigilan ko na ang magpapayat,” pagbabahagi ni Trina.

Sabi pa ng partner ni Carlo, “I just want to tell you guys na hindi ako nagpapayat, never akong ginutom ang sarili ko, never kong tiniis ang sarili ko sa pagkain.

“It’s not my choice para pumayat ako ng ganito, gusto ko ring tumaba kaso hindi ako tumataba ngayon maybe because of breastfeeding, pagkilos, mga ginagawa ‘yung stress and everything siguto naga-adopt na at hindi na kinakaya ‘yung katawan ko na mag gain pa ng weight,” kuwento pa niya.

“Anyway, this 2022 ay new goal natin (napangiti) magpataba, kailangan kong magpataba ngayon,” dugtong ni Trina.

Ang purpose ng vlog niya ay para sa pag-move in niya sa condo at mai-share sa kanyang subscribers ang mga napamili niyang mga gamit, “Budol finds gusto kong i-share rin ‘yung mga good buys ko.”

Unang ipinakita ng modelo ang step stool ng anak para makapaghugas ito ng kamay at makapag-toothbrush sa lababo ng kanilang banyo.

Ipinakita rin niya ang mga gamit sa kusina at iba pang kasangkapan na bagong bili niya para sa bagong bahay nila ng anak.

Nagluto si Trina ng tomato pasta dahil may inorder na siyang pizza at sabay silang nag-dinner ng anak (veggie sticks) at ng kasama nila sa bahay.

Ipinakita rin ang kanyang daily routine, pagkatapos ng dinner ay siya ang naghugas ng pinagkainan, pinaliguan si Mithi bago siya nag-shower. Nag-vacuum din siya sandali sa kuwarto at bago matulog ay nanood muna sa laptop ng musical comedy na “Encanto” para sa anak.

Kapag abala sa school work niya si Trina ay dinadala muna ang anak sa mga magulang.

Base sa ayos ng condo ay tila matagal nang nakatira roon ang mag-ina. Nakita kasi namin ang  kurtina sa isa niyang Instagram post noong Jan. 16  kung saan nakaharap ang anak habang nakasilip sa bintana.

View this post on Instagram

A post shared by Trina Candaza (@trinacandaza)


Sapantaha namin ay last year pa hiwalay sina Carlo at Trina kaya siguro wala silang larawan noong  Pasko at Bagong Taon.

Anyway, ang latest post ni Trina sa kanyang IG ay pictorial na nakasuot siya ng bloody red gown habang nakaupo na ang caption ay, “Looking forward with hope.” Ibig kayang sabihin nito ay hoping pa rin siya kay Carlo? 

Nananatiling bukas ang BANDERA sa panig nina Trina at Carlo.

https://bandera.inquirer.net/304345/trina-candaza-kinarma-raw-dahil-sa-ginawa-kay-angelica-nanahimik-ako-para-kay-carlo-pero-wala-akong-inagaw

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/304240/carlo-aquino-trina-candaza-hiwalay-na-nga-ba

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending