Carlo matagal nang hindi nakikita ang anak kay Trina: Sana mahiram ko naman tutal nagpo-provide ako para sa kanilang dalawa | Bandera

Carlo matagal nang hindi nakikita ang anak kay Trina: Sana mahiram ko naman tutal nagpo-provide ako para sa kanilang dalawa

Ervin Santiago |January 07,2023
facebook
share this

Carlo matagal nang hindi nakikita ang anak kay Trina: Sana mahiram ko naman tutal nagpo-provide ako para sa kanilang dalawa

Ervin Santiago - January 07, 2023 - 09:16 AM

Carlo matagal nang hindi nakikita ang anak kay Trina: Sana mahiram ko naman tutal nagpo-provide ako para sa kanilang dalawa

Carlo Aquino, Barbie Imperial, Trina Candaza at Baby Mithi

NAGLABAS ng saloobin ang Kapamilya actor na si Carlo Aquino hinggil sa tunay na estado ng co-parenting agreement nila ni Trina Candaza para sa kanilang anak.

Halatang pinipigilan lang ni Carlo ang maluha habang kausap namin siya kahapon sa presccon ng bago niyang pelikula, ang “I Love Lizzy” kung saan katambal niya si Barbie Imperial.

Sey ng aktor, hindi raw siya masyadong affected sa pamba-bash sa kanya ng mga netizens hinggil sa naging relasyon nila ni Trina, dahil ang inaalala niya ngayon ay ang anak na si Mithi.

“Well, ever since naman ganu’n na yung tingin nila sa akin, eh, ‘di ba? Hindi mawawala ‘yung bashing talaga lalo na kapag masaya ‘yung isang tao.

“Para sa akin, as long as intact ‘yung inner circle ko at hindi nanggagaling ‘yung hate at bashing sa mga nagmamahal sa akin, bakit ko papansinin?” ang simulang pagbabahagi ni Carlo.

Patuloy pa niyang hinaing, “Ang nakakaapekto lang talaga sa akin is hindi ko nakikita ‘yung daughter ko since November.”

Tanong namin kay Carlo, kung nag-reach out na ba siya kay Trina para pag-usapan ang kapakanan ng kanilang anak, “Ayaw ko kasing magsalita ng anything against her, ‘di ba?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag)


“Kasi at the end of the day, mom siya ni Mithi. Basta nag-reach out po ako. Tinanong ko po kung kailan ko pwedeng makasama, New Year ba, kasi usually ganu’n po, eh.

“Wala pong sagot. Siyempre importante ‘yung time with me, ‘yung time din with my parents, ‘yung lolo’t lola na senior na, sila mommy at daddy.

“Sana, ‘di ba, mahiram ko naman. Tutal nagpo-provide ako para sa kanilang dalawa, ayoko nang isa-isahin…ng mga kailangan nila,” ang sentimyento pa ni Carlo.

Ramdam namin ang sakit na9 nararamdaman ng aktor nang ikuwento niya ang tungkol sa regalong cellphone niya sa anak at sa inihanda niyang Christmas gift para sa bata.

“Every time naman talaga magbibigay ako ‘yung alam kong kailangan niya, ‘yung alam kong hindi kalabisan para sa edad niya,” pagbabahagi pa niya.

Tungkol naman sa co-parenting status nila ni Trina, “At this point nga parang… ‘yung mga first few months, parang ganu’n ‘yung setup.”

Diretsahan naming tinanong si Carlo kung ano talaga ang naging problema nila ng ina ng kanyang anak, “Ayokong mag-assume, ayokong magsalita kasi hindi ko talaga alam ‘yung nangyayari.

“Kasi minsan okay, ipapasundo, ‘yung ganyan, sana talaga alam ko (ang problema). Kasi ‘yun nga, at this point, ‘di ba, dapat ‘yung discussion natin is about co-parenting, kung paano natin papalakihin si Mithi individually?

“Kailangan niya ng tatay, kailangan niya ng nanay. At the end of the day, sa lahat ng mga lumalabas, ‘yung magsa-suffer, sino? Kapag nagkaisip na siya,” aniya pa.

Ito naman ang kanyang message kay Mithi, “Nu’ng nakikita ko pa po si Mithi, binilhan ko siya ng cellphone. Na every time na magkikita kami, magbi-video kami ng mga ginagawa namin para eventually makikita niya ‘yon na mahal na mahal ko siya.”

Ang message naman niya kay Trina, “Ever since na nakukuha niyang blessings, I wish her well. Lagi kong pinagdarasal na physically and mentally she’s in better place.

“Kasi araw-araw niyang kasama ‘yung anak ko, ‘di ba. Sino ba naman magwi-wish ng something bad sa nanay ng anak niya, ‘di ba. ‘Yun lang, at this point sana lang mahiram ko si Mithi. ‘Yun lang naman po,” lahad pa ng aktor.

At sa tanong kung sinasagot ba siya ni Trina kapag nagri-reach out siya, “Ngayon, hindi po. At saka ayaw ko sanang magsalita. Ayokong ma-headline na pabaya o hindi pinapahiram. Ayoko ‘yung mga ganu’n. Ayoko ng away, actually.”

Samantala, naging open naman si Carlo tungkol sa kanila ng aktres na si Charlie Dizon.

“Sabi ko nga, ‘yung heart ko and ‘yung mind ko is at peace. Mahirap ma-achieve ‘yon sa nangyayari sa paligid, sa pandemic. Ngayon may peace of mind ako at masaya ‘yung puso ko.

“I’m getting to know Charlie. And sobrang positive nung pasok niya sa buhay ko. And very thankful ako. Kasi naiilang ako, ‘di ba, kapag maraming tao nahihiya ako, pero kapag kasama ko si April (Charlie), parang feeling ko belong ako,” ani Carlo na una niyang nakasama sa teleseryeng “A Soldier’s Heart” ng ABS-CBN.

“Nagkakilala kami doon, tapos nag-US tour. Dun na mas nakilala ko siya. Pag-uwi, ayun na,” dugtong pa niya kasabay ng pag-amin na kasama niya si Charlie at ang kanyang pamilya na nag-Bagong Taon sa La Union kung saan nga nakunan silang magka-holding hands.

Samantala, mapapanood na sa mga sinehan ang latest movie niyang “I Love Lizzy” kasama si Barbie Imperial simula sa January 18, sa direksyon ni RC delos Reyes na isa sa tatlong bonggang collab ng Star Magic at MavX Productions.

Ang dalawa pang pasabog ng pagsasanib-pwersa ng Star Magic at MavX ay ang “Unravelled” nina Gerald Anderson at Kylie Padilla,  at ang “The Swing” starring RK Bagatsing at Jane Oineza.

Trina Candaza sa mga umaasang may part 2 pa ang love story nila ni Carlo Aquino: Mahirap na pong magbalikan

Xian Gaza kay Angelica Panganiban: Ikaw po ba ‘yung pinuntahan ni Carlo Aquino?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Carlo Aquino, Trina Candaza magkasamang nag-celebrate ng birthday ni Mithi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending