Trina Candaza sa mga umaasang may part 2 pa ang love story nila ni Carlo Aquino: Mahirap na pong magbalikan | Bandera

Trina Candaza sa mga umaasang may part 2 pa ang love story nila ni Carlo Aquino: Mahirap na pong magbalikan

Ervin Santiago |April 11,2022
facebook
share this

Trina Candaza sa mga umaasang may part 2 pa ang love story nila ni Carlo Aquino: Mahirap na pong magbalikan

Ervin Santiago - April 11, 2022 - 07:28 AM

Trina Candaza at Carlo Aquino

MAY posibilidad pa nga kayang magkabalikan ang ex-couple na sina Trina Candaza at Carlo Aquino?

Isang netizen ang nagsabi kay Trina na kahit matagal-tagal na rin silang naghiway ng Kapamilya actor at tatay ng kanyang anak na si Baby Mithi ay umaasa pa rin siya na magkakabalikan pa rin sila.

Naniniwala rin daw ang netizen na may feelings pa rin sina Carlo at Trina sa isa’t isa kaya ipinagdarasal niya na magkaroon ng part 2 ang love story ng mga ito.

“Sana magkaayos na kayo ni kuya carlo alam ko mahal niyo pa isat isa pag subok lang yan malalagpasan niyo rin para kay baby kalimutan ng past at magsimula uli. God bless,” ang pahayag ng netizen sa comment section ng Instagram page ni Trina.

Ito naman ang naging sagot ni Trina, “Mahirap na po magkabalikan lalo na kung yung mga taong nakapaligid support sa pagiging single ng tao na para bang walang batang nawalan ng buong pamilya.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Trina Candaza (@trinacandaza)


Kamakailan lamang ay diretsahan nang inamin ni Carlo na naghiwalay na nga sila ni Trina pero maayos naman ang usapan nila tungkol sa pag-aalaga at pagpapalaki sa kanilang anak.

Nakausap namin ang aktor kasama ang ilang members ng entertainment press sa media conference ng bago niyang digital series sa ABS-CBN katambal si Maris Racal, ang “How To Move On in 30 Days.”

Dito nga niya naikuwento ang tungkol sa kanyang pagiging tatay, “Masarap na makita ‘yung semilya mo. Ha-hahaha! Sorry! Hindi ang sarap kasi meron pa palang ibang pagmamahal na hindi ko pa alam. Ang sarap lang na ‘yung pinagta-trabahuan mo hindi na lang para sa ‘yo, para sa anak mo na.

“At saka ang sarap talagang amuyin minsan natutulog sa akin tapos kahit awkward ‘yung posisyon mo hindi ka gagalaw kahit two o tatlong oras na nakahiga ngawit na ngawit ka na hindi mo na maramdaman ‘yung kamay mo basta hindi lang magising ‘yung anak mo,” paglalarawan ni Carlo sa mga bonding moments nila ni Baby Mithi.

Dagdag pa niya, “Pag-uuwi ako from lock in (shoot), maglalaro lang kami sa play room doon sa doll house na ibinigay ng sister ko para sa kanya, tapos minsan nag-a-out of town punta lang sa farm,” kuwento pa ng award-winning actor.

Trina Candaza nakiusap sa netizens: Wag n’yo na po akong i-tag

Carlo sa pagmu-move on: Walang timeline, proseso ‘yan hanggang sa mawala na lang…OK next!?

Trina Candaza kinarma raw dahil sa ginawa kay Angelica: Nanahimik ako para kay Carlo, pero wala akong inagaw

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending