Xian Gaza kay Angelica Panganiban: Ikaw po ba 'yung pinuntahan ni Carlo Aquino? | Bandera

Xian Gaza kay Angelica Panganiban: Ikaw po ba ‘yung pinuntahan ni Carlo Aquino?

Therese Arceo |January 29,2022
facebook
share this

Xian Gaza kay Angelica Panganiban: Ikaw po ba ‘yung pinuntahan ni Carlo Aquino?

Therese Arceo - January 29, 2022 - 01:32 PM

Xian Gaza kay Angelica Panganiban: Ikaw po ba 'yung pinuntahan ni Carlo Aquino?

HINDI rin papahuli ang social media personality na si Xian Gaza ngayong nahaharap sa intriga ang relasyon nina Carlo Aquino at ng girlfriend at ina ng kanyang anak na si Trina Cardaza.

Viral kasi ang naging post ni Trina patungkol sa mga “jowang sakit sa ulo” kaya marami ang nagtataka kung ano na nga ba ang estado ng relasyon ng dalawa. Kung on the rocks lang ba ito o kung tuluyan na nga bang naghiwalay ang dalawa.

Kaya naman marami sa mga netizens ang tila nagulat sa latest post ni Xian kung saan tila idinadawit nito ang aktres na si Angelica Panganiban sa isyu nina Carlo at Trina.

“Wala na pong intro-intro pa, Idol Angelica. Ikaw po ba ang pinuntahan ni Carlo Aquino after nilang mag-break ni Trina?” tanong ni Xian sa Instagram ng aktres.

Tila exam pa ang datingan ng mensahe ng pambansang Marites na lalaki sa Pilipinas dahil may mga choices pa siyang sinabi sa kanyang message.

“A. Yes. B. No. C. I invoke mg right against self-incrimination,” dagdag pa ni Xian.

Mukha namang deadma lang si Angge sa message niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Isa si Angelica sa mga naging ex-girlfriend ni Carlo mula sa showbiz.

Bata pa lamang ay nagkakatambal na ang dalawa.

Sa katunayan, marami sa mga fans ng dalawa ang nagdiwang nang magsamang muli ang dalawa sa pelikulang “Exes Baggage” noong 2018.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami ang umasa na magkakabalikan sila pero hindi ito nangyari at sa ngayon nga ay parehas na silang may ka-relasyon.

Hindi rin naman kumpirmado kung hiwalay na nga ba sina Trina at Carlo dahil wala namang official statement na inilalabas ang dalawa ukol sa kanilang relasyon.

Related Chika:
Carlo Aquino, Trina Candaza hiwalay na nga ba?
Ogie Diaz kay Xian Gaza: Tigilan mo na ang pagiging Marites!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending