Ogie Diaz kay Xian Gaza: Tigilan mo na ang pagiging Marites! | Bandera

Ogie Diaz kay Xian Gaza: Tigilan mo na ang pagiging Marites!

Therese Arceo |January 09,2022
facebook
share this

Ogie Diaz kay Xian Gaza: Tigilan mo na ang pagiging Marites!

Therese Arceo - January 09, 2022 - 02:16 PM

Ogie Diaz kay Xian Gaza: Tigilan mo na ang pagiging Marites!

PINAYUHAN ng talent manager na si Ogie Diaz ang kanyang kaibigang si Christian “Xian” Gaza patungkol sa imahe na binubuo nito sa social media.

Tila kasi pinapangatawanan na talaga ni Xian ang pagiging “Marites” at panay ang paglalabas ng chika patungkol sa mga showbiz personalities.

At sa pagpasok nga ng 2022 ay mukhang tuloy ang pagiging tsismoso ni Xian at ang sentro ng kanyang pang-iintriga ay sina Barbie Imperial at Daniel Padilla.

To the rescue naman ang mga solid KathNiel fans at ipinagtanggol ang kanilang paboritong real life couple.

Kahit si Daniel ay nagsalita na at sinabing nonsense lang ang chikang ipinapakalat ni Xian.

Sa kanyang YouTube vlog na “Showbiz Update” ngayong January 9 ay isa nga si Xian sa mga napag-usapan nina Ogie, Mama Loi, at Dyosa Pockoh.

“Sinabihan ko po si Xian na, ‘Pare, tigilan mo muna ang pagiging Marites lalo na kung wala namang sapat na pruweba,’” saad ni Ogie.

Isa si Xian sa malalapit na kaibigan ng talent manager at sa katunayan nga ay ninong pa ito ng kanyang bunsong anak.

Dagdag pa niya, nadadamay na rin daw sila ng alaga niyang si Liza Soberano sa galit ng KathNiel fans.

Akala kasi ng mga ito ay may kinalaman sila sa mga posts ni Xian.

“Para lang po sa kalinawan ng lahat, wala po kaming kinalaman ni Liza Soberano sa kung ano man po ang pino-post ni Xian,” paglilinaw ni Ogie.

Nag-sorry naman daw agad si Xian sa kanila ni Liza dahil sa pagkakadamay nila sa isyu.

Sey naman ni Ogie, “Ako po ay hindi nagkulang ang paalala. Sinabi ko naman po kay Xian ‘yun.

“Sabi ko nga sa kanya, ‘nasasayang ‘yung mga good deeds mo kung tatapatan mo ng mga ganitong mga pang-iintriga’… Ako ay isang tunay na kaibigan. Kung para sa ‘yo ay kulang pa ito, kung para sa ‘yo ay mali ako, edi gawin mo kung ano ang para sayo ay tama kaya nga lang may repercussions.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magkaganon pa man ay mananatiling kaibigan pa rin si Ogie para kay Xian at hindi niya ito itatakwil dahil naging mabuti naman ang pakikitungo nito sa kanya.

Related Chika:
Daniel, Kathryn, Barbie iniintriga ni Christian Gaza: May alam ako…
Xian Gaza ‘sunog na sunog’ sa KathNiel fans, gusto lang daw gumanti kay Barbie; Daniel umalma sa intriga

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending