Jane De Leon, Janella Salvador 'excited' na sa first movie together

Jane De Leon, Janella Salvador ‘excited’ na sa first movie together

Pauline del Rosario |November 27,2023
facebook
share this

Jane De Leon, Janella Salvador ‘excited’ na sa first movie together

Pauline del Rosario - November 27, 2023 - 09:32 AM

Jane De Leon, Janella Salvador 'excited' na sa first movie together

PHOTO: Instagram/@imjanedeleon

HABANG busy sa pag-promote ng latest horror movie ang aktres na si Jane De Leon, excited din niyang ibinalita na may upcoming movie sila ni Janella Salvador.

“Bagong project namin and first [movie] project namin together ni Janella. Iikot ‘yung story sa aming dalawa ni Janella,” chika niya sa naging panayam with ABS-CBN.

Patuloy niya, “It’s all about revenge, it’s all about competition, at hindi mawawala ang love. And maraming twists.”

“Kahit ako, ‘nung binasa ko ‘yung script nagulat ako kasi akala ko ‘yun na ‘yung twist, mayroon pa pala,” ani pa niya.

Sa katunayan nga, nauna na itong ibinalita ng film director na si Jun Lana sa X (dating Twitter) account na siyang naging top trending topic.

Aware si Jane sa nasabing post kaya lalo raw siyang nasasabik na gawin ang first-ever movie nila ng kapwa-actress.

“Super excited. Super nag-trending. Super hindi in-expect. Nakakatuwa lang kasi nung nag-post si direk Jun Lana, sumabog agad ‘yung Twitter. Sabi ‘nung manager ko, ‘Trending kayo ngayon.’ Nasa storycon kami nung time na ‘yun,” Kwento niya.

Ibinunyag pa ng “Darna” star na nagsimula ang ideya na pagsamahin sila ni Janella sa isang pelikula noong nasa ABS-CBN Ball sila.

Baka Bet Mo: Janella Salvador, Jane de Leon game na game sumabak sa GL series: ‘Of course, why not? It’s a challenge for us!’

“Nag-start kasi ito sa ABS-CBN Ball. Magkasama kami ni Janella. Nakita kami ni Tita Roselle (Monteverde) and sabi niya na gagawan kami ng movie together,” sambit ng aktres.

Dagdag niya, “Pero hindi ko pa masyadong makukwento ‘yung story. Parang rollercoaster ‘yung story and sobrang bago sa amin ni Janella.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)

Kasunod niyan ay aminado si Jane na “unexpected” ang nabuong pagkakaibigan nila ni Janella.

“‘Yung friendship namin ni Janella is sobrang natural and hindi showbiz,” wika niya.

Saad pa niya, “Kahit wala kaming trabaho, nagkikita kami parati. Pinagkukwentuhan nga namin na before nagkakasama lang kami, nagkakatabi sa upuan at hindi namin in-expect na magiging close talaga kaming dalawa.”

“Sobrang blessed kami. Unexpected friendship ang tawag namin dun,” ani niya.

Bukod sa nabanggit na movie project, nilantad ni Jane na may pagbibidahan siyang teleserye very soon.

Hindi pa raw nila masimulan ito dahil naghahanap pa raw sila ng makakatambal niyang leading man.

“Mayroon nang niluluto. Nagpi-pitch naman sila sa akin for the next serye,” chika niya.

Sey pa ni Jane, “I think next year baka magagawa na namin ‘yun. Ngayon, naghahanap na rin sila ng mga leading man. Nag-recommend na rin ako ng mga leading man pero sa amin na lang ‘yun nila Tita Cory (Vidanes).”

Dagdag niya, “Also, puro movies. Ang daming naka-lineup na movies kaya kinausap din ako ng bosses kung paano namin aayusin ‘yung schedule. Napag-usapan namin na we should finish the movies first.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasalukuyang tampok si Jane sa horror film na “Shake, Rattle, & Roll Extreme” na ipapalabas na sa mga lokal na sinehan sa November 29.

Ang mga kasama niya riyan ay sina Jane Oineza, RK Bagatsing, vlogger Ninong Ry, Paolo Gumabao, Paul Salas, at Iza Calzado. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending