Janella umamin: ‘Hindi talaga kami friends ni Jane nu’ng nag-start ang Darna, hindi kami nag-click agad-agad’
DIRETSAHANG inamin nina Jane de Leon at Janella Salvador na hindi talaga sila friends nang magsimula silang mag-taping para sa Kapamilya action-fantasy series na “Darna.”
Aminado ang dalawang Kapamilya leading lady na pareho silang introvert kaya hindi sila agad nag-click noong mga unang araw ng kanilang taping para sa “Mars Ravelo’s Darna.”
Naichika ni Janella sa ginanap na finale presscon ng naturang Kapamilya action-fantasy series last Monday kung paano nagsimula ang closeness nila ni Jane.
“Actually hindi talaga kami friends bago mag-start itong Darna. And we’re both introverts and if we’re going to be totally honest, hindi kami talaga agad-agad nag-click. Hindi naman kami nag-away or anything pero awkward siya nu’ng una,” simulang paglalahad ng aktres na gumaganapa na Valentina sa “Darna.”
“But we both made an effort to be able to break each other’s walls. Talagang nag-bond kami. Kapag walang taping, magme-message yung isa, ‘Uy, want to hang out in my room? Let’s watch a movie?’
View this post on Instagram
“Until we eventually became comfortable with each other and talagang I think our friendship is for keeps. Like hindi kami pang-Darna lang.
“Ang maganda kasi nagtutulungan kami. Like kung ano yung magiging maganda para sa akin at sa kanya, sinasabi namin. Because we want to give each other the chance to shine,” dagdag chika ni Janella.
Super appreciated naman ni Jane ang friendship and support ni Janella sa kanya sa harap at likod ng mga camera.
“Before the pandemic nagkakasama naman kami sa sa events or shows sa ABS-CBN. Hi hello lang.
“But we’re not so close talaga. And naging challenge din naman sa amin and dun kami nagkaroon ng hope talaga na hindi lahat ng makakasama mo magiging competition mo. Hindi siya pang-showbiz lang. Hindi kami taping friends.
“Actually lahat kami. Actually kagaya ni Zaijian (Jaranilla) nakatira na sa bahay ko. Ngayon lang siya umuwi sa bahay nila. Ha-hahaha!” pagbabahagi pa ni Jane.
Nauna na naming naibalita ang tungkol sa matinding suporta na natanggal ng “Darna” mula sa LGBTQ community na nagsi-ship pa sa mga karakter nilang sina Narda at Regina.
“Actually laging tinatanong sa amin ito, di ba? Parang the first time I saw it ako pa nagpakita kay Jane. Pero even before the people started shipping us, we were already joking about it sa set.
“Marami kaming scenes na siyempre kinukuhanan kami ng reaction shots, ang tagal naming (magkatitigan), ganyan. Actually sila talaga yung grabe magpa-trend.
“We are so thankful. It was unexpected but it’s such an honor din to have the LGBTQ community supporting you. Nakaka-warm din siya ng puso. Nakakatuwa.
“I feel like this side of the community rarely gets represented. Kaya they really clung onto us,” sey ni Janella.
“Actually pareho nga kaming introvert. Sa mga fans lagi namin sinasabi na sobrang unexpected talaga na sumabog yung Darlentina and Janella especially sa panahon ngayon. Hindi naman natin inakala na mangyayari yun.
“And grabe yung pagmamahal na binigay nila sa aming dalawa ni Janella. Trending lagi. Nagpakatotoo lang talaga kami ni Jea. We’re just like this.
“Magandang tingnan yun na mga babae kami na walang competition na nakikita. Sana marami ring mga girls that will support each other. Kasi we lift each other up. Nagtutulungan kami,” sey naman ni Jane.
Game na game naman daw silang gumawa ng GL (Girl’s Love) project. Sey ni Jane, “Why not? Sana yung story maganda. Kasi it’s all about the craft din naman kasi artists din kami so challenge din sa amin yun.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.