Jane, Janella may pangako sa isa't isa pagkatapos ng 'Darna': Hindi kami basta taping friends lang | Bandera

Jane, Janella may pangako sa isa’t isa pagkatapos ng ‘Darna’: Hindi kami basta taping friends lang

Ervin Santiago |February 12,2023
facebook
share this

Jane, Janella may pangako sa isa’t isa pagkatapos ng ‘Darna’: Hindi kami basta taping friends lang

Ervin Santiago - February 12, 2023 - 08:03 AM

Jane, Janella may pangako sa isa't isa pagkatapos ng 'Darna': Hindi kami basta taping friends lang, mami-miss namin ang isa't isa

Janella Salvador at Jane de Leon (Photo from Instagram)

SINIGURO ng mga Kapamilya stars na sina Jane de Leon at Janella Salvador na hindi matatapos sa “Darna” ang kanilang pagkakaibigan.

Mixed emotions ang nararamdaman ngayon nina Darna (Jane) at Valetina (Janella) sa pamamaalam ng ABS-CBN action-fantasy series na “Mars Ravelo’s Darna”.

Nagtapos na last Friday ang “Darna” at talaga namang pasabog kung pasabog ang kanilang ending kaya naman naging top trending topic ito sa Twitter last Friday lalo ang pag-appear ni Miss Universe Philippines 2022 na si Celeste Cortesi bilang Queen of Marte.

Janella umamin: ‘Hindi talaga kami friends ni Jane nu’ng nag-start ang Darna, hindi kami nag-click agad-agad’

Bago magtapos ang “Darna” nag-guest pa sina Jane at Janella sa “Magandang Buhay” last Thursday, kung saan nga nila nasabing mami-miss nila ang isa’t isa pati na ang buong cast at production ng serye.

“Mostly thankfulness ‘yung nararamdaman ko kasi thankful lang ako na napasama ako sa show na ito. It was a really good run and I’m glad I met quality friends, isa na roon si Jane.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janella Salvador (@superjanella)


“Thankful lang talaga ako na naibigay sa akin ang role na ito, it’s a role of a lifetime, lagi ko siyang maaalala. Siyempre mami-miss ko rin sila pero happy ako sa itinakbo namin,” pahayag ni Janella.

Kasunod nito ang pangakong hindi raw matatapos sa “Darna” ang friendship nila ni Jane, “Hindi kami basta taping friends.”

Para naman kay Jane, “Ako marami akong mami-miss at ‘yun nga thankful talaga. Siyempre nakakalungkot din. Ang maganda sa ‘Darna’ family nagkaroon na kami ng foundation lahat.

“Kasi isang taon kaming magkakasama. Since 2019 na i-announce ako bilang Darna, it’s been four or magpa-five years na akong Darna.

Janella Salvador, Jane de Leon game na game sumabak sa GL series: ‘Of course, why not? It’s a challenge for us!’

“Marami kaming napagdaanan hindi lang ako kung hindi ang mga taong nasa likod ng camera at siyempre nagpapasalamat ako na nagawa namin, lahat ‘yon at galing yon sa puso namin,” chika ni Darna.

Mensahe ni Jane kay Janella, “For me, huwag ka magbabago, kasi nakilala kita, minahal kita as Janella Salvador. Basta always love yourself.

“Kung anuman ang napag-uusapan natin at proud ako sa iyo kasi mas naggo-grow ka na as a person at kasama mo kami sa journey mo,” aniya pa.

Sey naman ni Janella sa bagong kaibigan, “I appreciate that you know how to stand your ground. Alam mo kung hanggang saan ka and stuff like that.

“Sana alamin mo rin kung kailan ka magpapahinga. Kailangan mo rin magpahinga minsan and continue fighting for yourself because nandito lang din kami magpa-fight kami for you behind your back,” paalala pa ni Janella kay Jane.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jane de Leon nakaahon sa kahirapan dahil sa ‘Darna’: Natulungan ko ang pamilya ko, guminhawa po ang buhay namin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending