Rhian, Jane, Alfred, ilan Pinoy celebs nominado sa Japan filmfest

Rhian, Jane, Alfred, ilan pang Pinoy celebs nominado sa Japan filmfest

Pauline del Rosario - November 25, 2024 - 09:07 AM

Rhian, Jane, Alfred, ilan pang Pinoy celebs nominado sa Japan filmfest

Rhian Ramos, Jane De Leon, Alfred Vargas

MARAMING Pinoy celebrities ang nakakuha ng nominasyon sa 2024 Ima Wa Ima Asian Film Festival Entertainment Awards na gaganapin sa Japan.

Ang nakaka-proud na balita ay ibinandera mismo ng awarding body sa serye ng Facebook posts.

Kabilang na riyan si Jane de Leon na lalabang “Best Actress” sa suspense-thriller-horror category para sa kanyang role sa “Shake, Rattle, & Roll Extreme.”

Baka Bet Mo: Joshua Garcia single na single pa rin, umaming naiinggit sa mga kaibigang may mga dyowa

Si Rhian Ramos ay nominado para sa “Best Performance” award at ito ay dahil sa kanyang mahuay na pagganap sa historical drama series na “Pulang Araw.”

Bukod sa kanya, kabilang rin sa nasabing kategorya ang fellow Pinoy actresses na sina Ynez Veneracion at Ritz Azul dahil sa kanilang proyektong “Creepy Shorts” at “Kontradiksyon,” respectively.

Ag makakalaban ng tatlong aktres ay sina Son Yung Kuk from South Korea, Adone Kudo ng Japan, at Tasha Low mula Singapore.

Kinatawan naman nina Alfred Vargas at Will Devaughn ang Pilipinas sa “Best Actor” drama full-length category dahil kanilang mga papel sa “Pieta” at “Coronaphobia,” respectively.

Ang kasama nila sa listahan ay sina Tuan Tran from Vietnam, Nicholas Saputra ng Indonesia, at Ananda Everingham mula Thailand.

Kahit ang South Korean actor na si Kim Ji Soo ay naminado for “Outstanding International Actor” para sa kanyang role sa “Abot Kamay na Pangarap.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magugunitang recently lamang nang pumirma ng kontrata sa GMA Sparkle Artist Center si Ji Soo.

Kasali rin sa listahan ng nominees sina Toni Gonzaga at Kiray Celis, pero wala pang nabanggit kung anong award o category ang kanilang ilalaban.

Para sa mga hindi aware, ang Ima Wa Ima Asian International ay ang taunang prestigious award sa Osaka, Japan na kinikilala ang cinematic achievements ng Asian film, TV, at new media.

Ang awarding ceremony ay mangyayari sa darating na December 1 sa Sumiyoshi Main Hall sa Osaka, Japan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending